Friday , November 22 2024

Manila chairman utas sa ratrat

090713_FRONT copy

Patay ang isang barangay captain matapos pagbabarilin sa loob ng barangay hall sa Barangay 130, Zone 11 sa Buendia Street, Balut, Tondo, Maynila, Biyernes ng hapon.

Kinilala ang biktimang si Rolando Reyes, incumbent chairman na nasa ikalawang termino.

Tatlo ang nasugatan sa insidente.

Sa inisyal na imbestigasyon, pinasok ng dalawang lalaki ang barangay hall at binaril si Reyes gayondin ang kanyang asawa.

Naglakad lamang palayo ang suspek ngunit hinabol ng mga barangay tanod. Natamaan sa nasabing habulan ang tanod na si Juanito Fausto.

Sinabi ng mga nakakitang residente na nakasuot ng shorts, t-shirt at sombrero ang dalawang suspek.

Nagawa pang isugod sa ospital si Reyes ngunit idineklarang dead on arrival.

Nasa Tondo General Hospital naman ang asawa ng biktima at ang tanod.

Bukod sa dalawang sugatan, tinamaan din ng ligaw na bala ang batang nakaistambay na si Adrian Daguio na itinakbo naman sa Jose Reyes Hospital.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang motibo sa krimen.

ni LEONARD BASILIO

About hataw tabloid

Check Also

Suspek timbog sa Pampanga
LALAKING NAGKAKAPE UTAS SA BOGA NG KAKOSA

PATAY agad ang isang 55-anyos lalaki nang pagbabarilin sa bahagi ng Tanigue St., Brgy. 14, …

Mary Jane Veloso

Mary Jane Veloso uuwi na — Marcos

KINOMPIRMA ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na uuwi na sa Filipinas si Mary Jane Veloso …

PAGASA Amihan

Amihan na — PAGASA

IHANDA na ang inyong mga damit na panlamig gaya ng mga jacket, sweater, shawls, at …

Knife Blood

Sa Tondo, Maynila  
CHINESE NAT’L PATAY NANG PAGSASAKSAKIN SA LOOB NG SASAKYAN

NAKAPAGMANEHO pa para iligtas ang sarili ngunit binawian din ng buhay ang isang 46-anyos Chinese …

UAS UNLEASH

UAS Invests in UNLEASH, a Groundbreaking Pet Lifestyle App to Provide Filipinos’ Pet Companions Peace of Mind Through Technology and IoT

UAS (Universal Access and Systems Solutions), a leading technology solutions provider, today announced its strategic …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *