Tuesday , February 18 2025

Manila chairman utas sa ratrat

090713_FRONT copy

Patay ang isang barangay captain matapos pagbabarilin sa loob ng barangay hall sa Barangay 130, Zone 11 sa Buendia Street, Balut, Tondo, Maynila, Biyernes ng hapon.

Kinilala ang biktimang si Rolando Reyes, incumbent chairman na nasa ikalawang termino.

Tatlo ang nasugatan sa insidente.

Sa inisyal na imbestigasyon, pinasok ng dalawang lalaki ang barangay hall at binaril si Reyes gayondin ang kanyang asawa.

Naglakad lamang palayo ang suspek ngunit hinabol ng mga barangay tanod. Natamaan sa nasabing habulan ang tanod na si Juanito Fausto.

Sinabi ng mga nakakitang residente na nakasuot ng shorts, t-shirt at sombrero ang dalawang suspek.

Nagawa pang isugod sa ospital si Reyes ngunit idineklarang dead on arrival.

Nasa Tondo General Hospital naman ang asawa ng biktima at ang tanod.

Bukod sa dalawang sugatan, tinamaan din ng ligaw na bala ang batang nakaistambay na si Adrian Daguio na itinakbo naman sa Jose Reyes Hospital.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang motibo sa krimen.

ni LEONARD BASILIO

About hataw tabloid

Check Also

Plantilla position para sa FSL interpreters agenda ng KWF CHR

Batay sa RA 11106 (The Filipino Sign Language Act)  
Plantilla position para sa FSL interpreters agenda ng KWF, CHR

NAGPÚLONG ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) at Komisyon sa Karapatang Pantao (CHR) hinggil sa …

Pope Francis

Pope Francis naospital dahil sa Bronchitis

IPINASOK sa ospital si Pope Francis sa ospital nitong Biyernes para sa iba’t ibang pagsusuri …

BoC Customs nabuking P1.4B smuggled luxury cars sa Parañaque Pasay

BoC nabuking P1.4B ‘smuggled’ luxury cars sa Parañaque, Pasay

NADISKUBRE ng Bureau of Customs (BoC) ang hinihinalang ismagel na luxury vehicles na nagkakahalaga ng …

Alexis Castro Bulacan PNP

Nagdulot ng panic sa Bulakeños  
NAGPASKIL NG FAKE NEWS SA SOCMED IPINATAWAG NG BISE GOBERNADOR

NANAWAGAN si Bulacan Vice Governor Alexis C. Castro sa Philippine National Police (PNP) na paigtingin …

021525 Hataw Frontpage

‘Socialite’ sinupalpal ng gag order ng Makati Court

HATAW News Team INISYUHAN ng Makati Regional Trial Court Branch 144 ng gag order si …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *