Hindi nababahala si Manila Mayor Joseph Estrada sa umano’y ilalabas na disqualification ng Korte Suprema laban sa kanya kaugnay ng kanyang pagtakbo noon bilang alkalde ng lungsod.
Nakalaban ni Estrada si Manila Mayor Alfredo Lim at nanaig sa botong 343,993 kompara kay Lim na may botong 308,544.
Ayon sa Media Information Bureau ni Estrada, ipinagkibit balikat lamang ni Estrada ang tsismis dahil malinaw umanong naibalik ang civil at political rights ni Estrada nang mabigyan ng pardon.
Bagama’t kaliwa’t kanan ang mga disqualification cases laban kay Estrada, naninindgan pa rin umano na ang kanyang pagkapanalo ay indikasyon na may tiwala sa kanya ang mga Manilenyo.
Matatandaan na mismo ang Commission on Elections ang nagbasura sa disqualification case na inihain ng kampo ni Lim kung kaya na-aprubahan ang pagtakbo ni Estrada noong May 2013 local elections.
Kahapon ay ibinaba ng SC ang desisyon hinggil sa DQ ni Estrada.
(LEONARD BASILIO)