Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bobby Mondejar & Friends at Noel Cabangon magtatanghal sa Moomba sa Sept. 11 (Folk, rock sa acoustic)

090713 acoustic bobby

SEPTEMBER 11 will be a throwback Wensdate since you’ll be listening and enjoying the sounds of 70s, 80s and even 90’s.

Hindi naman holiday, dahil ito ay regular na weekday at higit sa lahat dalawang araw pa bago mag-weekend pero feeling Friday night ka na ba?!

Puwes, ipagpag ang feelings na ‘yan sa Moomba Bar Cafe, on September 11, 7:30 p.m., Wednesday, at pakinggan, makikanta, makisayaw, at makitambol sa himig nina Bobby Mondejar & Friends kasama ang Baritone Voice of the Philippines na si Noel Cabangon.

Si Cabangon ang boses sa likod ng Kanlungan (sabi ng iba kapag nagre-request, pana-panahon), isang awiting tiyak na ”ibabalik ka sa iyong kamusumusan.”

Para sa mga regular and avid fans ng Bobby Mondejar & Friends (na kinabibilangan ninaBoy Collado, Joey Urquia, Wally Singson, at Breezy Mondejar), ang himig ng banda ay taga sa panahon (original composition man o cover version ng mga kilalang folk & rock band/group or individual sa buong mundo).

Isang acoustic band, pero gugulatin kayo ng Bobby Mondejar & Friends kung paano nila mahusay na naisasalin ang maharot, malikot, at nakakikiliting tunog ng pamosong Hotel California ng Eagles sa mga hawak nilang acoustic instruments.

Si Mondejar, ang leader of the band, vocals at guitar; samantalang sina Collado, vocals at guitar; Urquia, vocals, harmonica, at  guitar; Singson, vocals, wind and percussion; at Breezy, vocals and percussion.

Sa umpisa’y iduduyan nila kayo sa folk songs na sumikat noong 70s, 80s and 90s.

Paiindakin din nila kayo sa pamamagitan ng mga classic medley, disco songs, reggae at soft rock ng mga kinilalang banda sa loob ng apat na dekada.

Kasunod n’yan, isi-swing nila kayo sa tugtog at kanta ng mga lokal na banda sa bansa at muli nila kayong paiibigin sa komposisyon ng ating mga Filipino balladeer and Pinoy pop singers … promise… kahit maputi na ang buhok ninyo.

Pero higit silang pinapalakpakan sa kanilang mga orihinal na komposisyon gaya ng Morena, Let’s Spend The Night, at I Still Believe In Us Together.

Orihinal na miyembro ng pamosong HIYAS Band , noong 70s & 80s, pinasikat nila ang mga awiting High School Memories, If you Still Love Me, I Don’t Want You, I Still Believe In Us Together, I’m A Loser, I Can’t Get You Out Of My Mind, Afraid of  Love, Bad Times Are Good Times, at Never Gonna Make It Without You.

Karamihan dito ay ginamit na soundtrack para sa pelikulang Bagets ni Aga Muhlachnoong 1984.

Noong 1981, ang HIYAS Band ay naging front act ng Little River Band (kumanta ng Cool Change at Reminiscing) sa Folk Arts Theatre (Tanghalang Francisco Balagtas) nang magdaos ng concert sa bansa ang nasabing Australian rock band.

Para sa detalye at tickets makipag-ugnayan kay Ms. Blenda 0932.849.5778 at kay Ms. Paz sa Moomba sa telepono bilang 371-1973; 371-2487; 431-9431; 373-2487 o kaya i-LIKE sa Facebook ang https://www.facebook.com/BobbyMondejarFriends.

(GLORIA GALUNO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

Alex Eala

Eala pinatalsik si Sakatsume, pasok sa quarters

SA KABILA ng makapal na benda sa kanyang kanang hita, nagpakita ng katatagan si Alex …

Bomb Threat Scare

Empleyado ng NAIA tiklo sa ‘bomb joke’

DINAKIP ng mga awtoridad ang isang empleyado ng Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 matapos …