NAKAPANGGIGIGIL talaga itong si Janet Lim-Napoles, ang utak ng P10-billion pork barrel fund scam.
Pati pala mga katulong ay ginagamit niya sa kanyang sindikato, sa pagkamal ng daan-daang milyong pork ng mga mambabatas.
Tapos kapag umaalis sa kanila ang kasambahay ay kakasuhan ng pagnanakaw o qualified theft para makulong!
Ito ang kuwento ng isang kasambahay na nakaranas ng kalupitan ng Napoles.
Sa panayam ng media kay alyas “Kara”, limang taon na naging kasambahay ng mga Napoles, nagulat siya sa pagkadawit ng kanyang pangalan sa scam – pagiging presi-dente ng isa sa mga pekeng foundations ng dating amo.
“Wala po akong alam diyan. Pinapapirma lang ako, presidente na pala ako ng Abundant Harvest Foundation… Kasambahay lang po ako hindi presidente ng NGO.”
Ayon kay Kara, naging yaya siya ng ikatlong anak ni Napoles na si Jean.
Nakasama na nga raw siya sa ibang bansa. Nakita niya kung gaano ka-luho ang kanyang mga amo. “Bumili po sila tig-iisang milyong relo… Mga damit, bag inuubos sa mga tindahan.”
Totoo rin aniya ang tungkol sa kotse na Porsche na -regalo ni Janet kay Jean.
Ang Porsche ay nagkakahalaga ng mahigit sa P10 -milyon.
Ibinulgar din ni Kara ang bag-bag ng pera na dumada-ting sa bahay ng dating amo.
Masama raw ang ugali ng mga Napoles. Nung magka-sakit daw siya ay hindi na siya pinabalik sa trabaho, ang masaklap pa ay pinagbintangan siyang magnanakaw.
May kasambahay din si Napoles na nakakulong sa Makati City Jail na kinasuhan niya ng qualified theft. Dapat sigurong makapanayam din ang kasambahay na ito.
Sabi pa ni Kara, dapat daw ay sa kulungan talaga ikinulong si Napoles at hindi sa headquarters ng PNP-SAF sa Fort Sto. Domingo sa Laguna.
Si Kara ay kasalukuyang nagtatrabaho bilang kasambahay sa Hong Kong. Umuwi lang siya ng Pilipinas para magsumite ng sinumpaang salaysay laban kay Napoles. Bumalik na rin siya sa Hong Kong pagkatapos magpa–interview sa media at handa raw siyang bumalik at -tumestigo kung kinakailangan laban sa mga Napoles.
Sa isang kasambahay tulad ni Kara na limang taon nanilbihan sa mga Napoles, tiyak marami pa siyang alam na -maaring magdiin sa kawalanghiyaan ng kanyang mga -dating amo!
Ito na ang masamang karma sa mga mapang-abuso at sakim sa salapi.
Revilla, Estrada, Enrile
at Honasan nadiin
sa Senate hearing
sa P10-B pork scam
Sa ikalawang pagdinig ng Senado sa P10-B pork barrel fund scam kahapon, puro pangalan nina Senador Bong Revilla, Jinggoy Estrada, Juan Ponce Enrile at Gringo Honasan ang naririnig ko na binabanggit ng mga opisyales ng NGOs na nagbigay sa kanila ng pork barrel.
Ayon sa mga dati at kasalukuyang opisyales ng Zamboanga Rubber State Corporation (ZREC) at National Agri-Business Corporation (NABCOR), ang apat na nabanggit na senador ang madalas magpadaloy ng kanilang pork sa kanilang implementing agencies na nasa ilalim ng Department of Agriculture (DA) na pinamumunuan naman ni Sec. Proceso Alcala.
Ang ZREC at NABCOR ay pinabubuwag na ni P-Noy.
Sa ZREC at NABCOR naman ipinapasok ni Janet Lim-Napoles ang kanyang mga pekeng foundations.
Si Napoles, utak ng P10-B pork barrel scam, ay nakakulong na ngayon sa Fort Sto. Domingo sa Laguna.
Paano naman itong sina Senador Revilla, Estrada, Enrile at Honasan? Palalagpasin nalang ba sila sa kanilang naging kapabayaan, sa patuloy na pag-release ng kanilang pork sa mga naturang NGOs nang hindi kina-counter check kung may proyekto ngang nagagawa?
Sabi ni Senadora Miriam Defensor-Santiago, dapat magbakasyon muna ang mga senador na ito.
Sa ibang bansa, kapag ang isang politiko ay nadawit sa katiwalian, nagre-resign!
REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc., Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015
Cell: 0919-3297810 / E-mail add: [email protected]
Joey Venancio