Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Manalo unang Pinoy na umakyat sa World Pool

Si Veteran campaigner Marlon Manalo ang first Filipino na nag-qualify sa isa sa 12 qualifying event ng World Pool 9-Ball Championship na ginanap sa Al Arabi Sports Club sa Doha, Qatar nitong Martes.

Si Manalo, chairman ng Barangay Malamig sa Mandaluyong City ay tinalo si Jasen Al Hasawi ng Kuwait, 7-6, sa finals.

“I hope to perform well in the World Pool main draw,” sabi ni Manalo na nanatiling nasa tamang kondisyon dahil na din sa kanyang daily practice routine sa kanyang pag-aaring pool hall sa Talumpung, Mandaluyong at sa famous Star Billiards Center sa Grace Village, Quezon City ni long-time sports patron Sebastian “Baste” Chua.

Una rito ay tinalo ni Manalo sina Sultan Alfalih ng Kingdom of Saudia Arabia, 7-0, sa pre-quarters;  compatriot Demosthenes Pulpul, 7-5, sa quarters;  at Mohammad Ali Hassan ng Kingdom of Saudia Arabi, 7-0, sa semis.

Nakaabante si Manalo sa 128 player field main draw ng World Pool 9-Ball Championship para makasama ang mga Filipino seeded players gaya nina Efren “Bata” Reyes, Francisco “Django” Bustamante, Dennis Orcollo, Lee Vann Corteza, Carlo Biado, Jeffrey de Luna, Israel Rota at Antonio Gabica,  national coach ng Qatar.

Si Manalo ay nakilala sa tawag na  “ Marvelous Captain” dahil mataas na kalidad na ipinakita niya sa lokal at internasyonal na kompetisyon.

Ang 2013 World 9-Ball Championship ay suportado ng Qatar Olympic Committee (QOC) at co-sponsors ng Simonis (cloth), na inorganisa ng Qatar Billiards & Snooker Federation (QBSF) at sanctioned ng World Pool-Billiard Association (WPA) at Asian Pocket Billiard Union (APBU).

(Lovely Icao

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Alex Eala

Eala pinatalsik si Sakatsume, pasok sa quarters

SA KABILA ng makapal na benda sa kanyang kanang hita, nagpakita ng katatagan si Alex …

PVL Premier Volleyball League

Pagpapatuloy kaysa pagbabago: Tumaya ang mga koponan ng PVL sa chemistry

HABANG umikot ang karamihan sa usapan ng offseason ng Premier Volleyball League (PVL) sa mga …

KALARO Jun Lasco Darren Bautista

KALARO: Pagbuo ng Kinabukasan ng Sports sa Pamamagitan ng Isang Pinag-isang Digital Ecosystem

BAGO pa man naging isang Sports Super-App ang KALARO, ang kuwento nito ay nagsimula na …

Alex Eala

Eala winalis si Charaeva sa PH Women’s Open

SA inspirasyon ng home crowd at sa kabila ng pangamba sa posibleng injury, winalis ni …

NST-IAC BBM Pato Gregorio

National Sports Tourism Committee naglatag ng masigasig na estratehiya para sa paglago ng ekonomiya

MABILIS na umuusbong ang sports tourism bilang pinaka-dinamikong tagapaghatak ng pandaigdigang sports economy, at determinado …