Tuesday , January 6 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Gregorio pinuri si Cardona

ISANG dahilan kung bakit tinalo ng Meralco ang Alaska Milk sa PBA Governors’ Cup noong Martes ay ang pagbabalik-aksyon ni Mac Cardona mula sa kanyang pilay sa tuhod.

Nagtala si Cardona ng siyam na puntos sa loob lang ng 16 minuto upang pangunahan ang Bolts sa 84-74 na tagumpay kontra Aces.

“September 3 talaga yung date na binigay sa akin ni Dr. (Raul) Canlas na makakalaro ako,” wika ni Cardona. “Yung injury ko 100 percent na akong recovered pero yung condition ko hindi pa. Wala pa ako sa game shape. Kulang pa ako sa timing.”

Sinabi naman ni Meralco coach Ryan Gregorio na kailangan na niyang gamitin si Cardona nang sinubukang makalayo ang Alaska sa unang quarter ng laro.

“We were not scoring anymore, especially in the second quarter. I didn’t really want to insert him because I thought all along he might not be ready,” ani Gregorio.

“But that guy is a competitor. He’s a warrior. He found ways to win — and found ways to score. Those nine points he scored in the second period proved to be the needed momentum that sparked us.”

Ngunit nag-aalala si Gregorio kay Reynel Hugnatan dahil sa pilay ng huli sa kanyang paa at baka hindi siya makapaglaro kontra Rain or Shine bukas.

“It’s a big concern. We’ll have to know what’s going to happen within the next 72 hours, if not, others should step up the plate,” pagtatapos ni Gregorio.         (James Ty III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Pato Gregorio PSC PHILTA

Paris Olympic silver medalist Krevic, world No. 45 Maria nanguna sa maagang listahan ng mga kalahok sa PH Open

PANGUNGUNAHAN ng dating world No. 2 at Paris Olympic silver medalist na si Donna Krevic …

Bambol Tolentino

Manila unang punong-abala sa 2028
Tolentino pangungunahan paglikha ng SEA Plus Youth Games

PANGUNGUNAHAN ni Philippine Olympic Committee (POC) President, Abraham “Bambol” Tolentino ang pagbuo sa Timog-Silangang Asya …

PH SEA Games Medals

Pinatutunayan ng Pilipinas ang Lakas sa Olympic Sports sa Kampanya sa SEA Games

MAAARING nagtapos lamang sa ikaanim na puwesto ang Pilipinas sa kabuuang ranggo ng ika-33 Southeast …

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …