Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Racal PoW ng NCAA

DAHIL sa kanyang mahusay na laro para sa Letran kontra Mapua noong Sabado, napili ng NCAA Press Corps si Kevin Racal ng Knights bilang Player of the Week.

Nagtala si Racal ng 23 puntos at 10 rebounds sa 77-70 na panalo ng Knights kontra Cardinals upang mapanatili ang kanilang liderato sa NCAA sa kanilang siyam na panalo kontra sa isang talo.

“He is a very good role player. Hindi siya yung masasabi mong superstar because he is really in the mold of a defensive player na kapag pumutok siya sa offense, malaking bagay talaga siya,” wika ni Letran head coach Caloy Garcia tungkol kay Racal.

Nag-average si Racal ng 10.4 puntos, 7.4 rebounds at 2.9 assists bawat laro sa unang round ng eliminations ng NCAA.

Bago nito, humataw si Racal ng 14 puntos sa 74-67 na panalo ng Letran kontra defending champion  San Beda Red Lions sa pagtatapos ng first round.

(James Ty III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Alex Eala

Eala pinatalsik si Sakatsume, pasok sa quarters

SA KABILA ng makapal na benda sa kanyang kanang hita, nagpakita ng katatagan si Alex …

PVL Premier Volleyball League

Pagpapatuloy kaysa pagbabago: Tumaya ang mga koponan ng PVL sa chemistry

HABANG umikot ang karamihan sa usapan ng offseason ng Premier Volleyball League (PVL) sa mga …

KALARO Jun Lasco Darren Bautista

KALARO: Pagbuo ng Kinabukasan ng Sports sa Pamamagitan ng Isang Pinag-isang Digital Ecosystem

BAGO pa man naging isang Sports Super-App ang KALARO, ang kuwento nito ay nagsimula na …

Alex Eala

Eala winalis si Charaeva sa PH Women’s Open

SA inspirasyon ng home crowd at sa kabila ng pangamba sa posibleng injury, winalis ni …

NST-IAC BBM Pato Gregorio

National Sports Tourism Committee naglatag ng masigasig na estratehiya para sa paglago ng ekonomiya

MABILIS na umuusbong ang sports tourism bilang pinaka-dinamikong tagapaghatak ng pandaigdigang sports economy, at determinado …