NAGPAALALA ang Comelec kahapon sa lahat na mula pa nitong Setyembre 1, 2013 ay nagsimula na ang pag-iral ng gun ban na magtatagal ng tatlong buwan.
Ang gun ban ay may kaugnayan sa nalalapit na October 28 synchronized barangay at sangguniang kabataan (SK) elections.
Kaugnay nito, nanawagan si Tagle sa hindi pa naghain ng aplikasyon na pumunta sa kanilang mga tanggapan.
Ang mayroon namang aplikasyon noon pang May midterm election ay “subject for renew” na lamang.
Kaagapay ng Comelec sa pagpapatupad ng gun ban ang PNP.
Nauna nang tinaya ni Comelec Commissioner Sixto Brillantes na baka mas madugo ang barangay election dahil maging magkakamag-anak at magkakapitbahay ay nag-aaway-away at humahantong pa sa patayan dahil sa init ng politika.
(LEONARD BASILIO)