Monday , December 8 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

MWSS BoT, kapakanan ng masa ang paboran!

DAPAT pag-aralan mabuti ng board of trustees ng MWSS ang nakatakdang “water rate reba-sing” na nakatakdang inaanunsyo anomang araw sa linggong ito.

Oo,  dahil kung sakaling magkamali sa de-sisyon ang mga hunghang este, matitinong kuneho raw, malaki ang posibilidad na ang masa ang magdudurusa nito habambuhay.

Kaya huwag kayong sasablay … hirap din po ang makarma. Isipin n’yo sana na konsyumer din kayo. Kunsabagay, mapera (may dibidendo kayo kasi) pero paano ang maliliit?

Ayon sa info, ngayon linggo ay iaanunsyo ng MWSS ang “water rate rebasing” para sa dalawang water concessionaire. Bago ito da-pat nilang pag-aralan mabuti upang ang lahat at dapat na maging pabor sa lahat kundi, malamang na maapektohan ang operasyon ng water concessionaires.

Maaapektohan ito kung sakaling hindi tutugma sa dapat na pangangailangan na gastusin ng maintenance sa buong kamaynilaan upang maihatid sa publiko ang 24/7 na serbisyo at malinis na tubig.

Bukod dito, dapat din tuparin ng gobyerno ang nakapaloob sa concession agreement  dahil naging matagumpay naman nang isulong ng gobyerno ang  Public-Private Partnership (PPP) sa water concesionaires.

Sa katunayan ilang pagkilala ang nakamit ng PPP’s  mula sa  IFC/World Bank, International Water Association, the World Economic Forum, at iba pang mga international community dahil naging maganda ang naging operasyon naman at nasunod ng water concessionaires na mabig-yan ng maayos at walang patid sa pagbibigay ng  tubig sa publiko.

Matatandaan natin na nooong walang PPP’s halos walang tubig na tumutulo sa mga gripo ng kabahayan sa Metro Manila at sakaling meron man at  kakarampot lamang ang tulo ng tubig na kadalasan pa ay  may amoy o may mga kala-kalawang.

Sabi nga noon suwertehan kapag may tumulo na tubig sa inyong gripo dahil kadalasan ay mayroong deperensya ang mga water pipe line dahil sa kakulangan ng maintenance.

Ngayon, araw-araw nating nasasaksihan ang  palagiang ginagawang maintence ng dalawang water concessionaires na naglalayon maihatid ang walang-patid na tulo ng tubig sa inyong mga tahanan at ang pagtitiyak na malinis na tubig ang  maiinom ng publiko.

Sa ilalim din ng PPP’s ay nakita natin ang paglawak ng water services sa kamaynilaan at inabot ang mahihirap natin na kababayan  partikular ang mga nasa depressed area na matagal na nagnanais maabot sila ng serbisyo ng tubig para naman mayroon silang malinis din na maiinom na ang karaniwan ay ang mga nasa alta sa siyudad ang nakararanas.

Kaya naman ibig natin na iparating sa board of trustees na sana’y ‘wag ang pansariling interes ang mangingibabaw sa kanila para sa nakatakdang water rate rebasing dahil sakaling sablay ito ay posibleng muling magkawindang-windang ang water services at muling bumalik ulit ang dating nararanasan noon ng publiko.

‘Wag naman po sana mangyari ito!

Almar Danguilan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Jessy Mendiola Luis Manzano

Luis at Jessy puno ng pasasalamat ngayong 2025 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MATAPOS ang isang matagumpay na taon para kina Jessy Mendiola at Luis Manzano, nagpasalamat …

44th Grand Marian Procession sa Intramuros sa 7 Disyembre

44th Grand Marian Procession sa Intramuros sa 7 Disyembre

ni TEDDY BRUL INAASAHAN  na mahigit 100 imahen ng Birheng Maria mula sa iba’t ibang …

PNP PRO3 Central Luzon Police

Mga pulis na sangkot sa PHP14-M robbery sa  contractor sa Pampanga sinibak

LIMANG pulis, apat na nakatalaga sa Angeles City at isa sa Zambales ang kasalukuyang iniimbestigahan …

FIFA Futsal

Apat na higante magsasagupaan; FIFA Futsal Women’s World Cup lalo pang umiigting

MGA LARO SA BIYERNES(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – ARGENTINA VS PORTUGAL8:30 P.M. – SPAIN VS BRAZIL …

PAI Philippine Aquatics Buhain

PAI, positibo sa laban ng PH aquatics squad para sa Bangkok SEAG

PUNO ng kumpiyansa ang Philippine Aquatics, Inc. (PAI) sa pagpapadala nito ng isang bata ngunit …