Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bading reunion nauwi sa saksakan

NAGING madugo  ang masayang reunion ng grupo ng mga bading nang magkapikonan ang dalawang bisita na humantong sa pananaksak kamakalawa ng madaling araw sa Pasay City.

Inoobserbahan pa sa Mandaluyong City Medical Center ang biktimang si Rick Unido, 34, X-ray technician ng 18 Katarungan St., Brgy Fairview, Quezon City, sanhi ng saksak sa kaliwang bahagi ng katawan at kaliwang braso.

Arestado ng awtoridad ang suspek na si Reggie Nuestro, 20, estudyante ng 234 Sixto Avenue, Pasig City, matapos siyang pigilang makatakas ng mga kasamahan

Ayon kay Chief Insp. Joey Goforth, hepe ng Station Investigation and Detective Management Section (SIDMS), pasado alas-2:00 ng mada-ling araw, nag-reunion ang grupo ng mga ba-ding, kasama ang suspek at biktima sa  Six Plus One Videoke bar sa Luna Street,  na tumagal ng halos dalawang oras.

Masayang nag-inuman at nagkakantahan ang grupo, at nang naglalakad na sila para umuwi, sa kahabaan ng  Li-bertad Street, nagkaroon ng mainitang pagtatalo sina Unido at Nuestro na nauwi sa pagsusuntukan.

Umawat naman ang kanilang mga kasama-han ngunit biglang kinuha ni Nuestro ang dalang gunting at inundayan ng saksak ang biktima.

(JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …