Saturday , April 5 2025

32 sugatan sa aksidente sa Skyway at EDSA

UMABOT sa  32 pasahero ang sugatan nang sumalpok ang sinasakyan nilang bus sa harang ng toll plaza sa northbound lane ng Skyway sa Alabang, Muntinlupa City, at sa aksidente sangkot ang dalawang bus sa Edsa, kahapon ng  umaga.

Isinugod agad sa pinakamalapit na pagamutan dahil sa mga sugat at galos sa katawan ang mga pasahero at hawak na ng Philippine National Highway Patrol Group (PNP-HPG) ang driver ng Green Star Bus na si Rommel Reyes, na posibleng makasuhan ng reckless imprudence resulting in damage to property at multiple physical injuries.

Samantala, bumangga naman ang Royal Bus sa sinusundang Golden Bee Bus na ikinasugat ng 11 pasahero sa southbound lane ng EDSA-Estrella sa Makati City.

Agad rumesponde ang mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Makati Rescue Team na nagdala sa mga pasahero sa Ospital ng Makati.

(JAJA GARCIA)

About hataw tabloid

Check Also

Pagkakaisa panawagan ni Revilla

Pagkakaisa panawagan ni Revilla

NANAWAGAN si re-electionist Senator Ramon “Bong” Revilla, Jr., ng pagkakaisa sa gitna ng kinahaharap na …

Pamilya Ko Partylist inendoso sa Maynila

Pamilya Ko Partylist inendoso sa Maynila

INENDOSO at suportado nina Manila running councilor Pau Ejercito at Malou Ocsan ang Pamilya Ko …

Shamcey Supsup-Lee

Shamcey-Lee para sa Konseho sa Pasig, dinagsa ng suporta

LUMALAWAK ang suporta ng  kababaihan sa kandidatura  ni Shamcey Supsup-Lee bilang kinatawan ng unang distrito …

MNL City Run Presents Elorde The Flash Run 2025 – Run Like A Champ FEAT

MNL City Run Presents: Elorde The Flash Run 2025 – Run Like A Champ

Unleash Your Inner Champion, Run for a Cause! Get ready to lace up, push your …

NAITAS DOT magkaakibat para sa Takbo Para Sa Turismo

NAITAS, DOT magkaakibat para sa “Takbo Para Sa Turismo”

ANG National Association of Independent Travel Agencies (NAITAS) at ang Department of Tourism (DOT) ay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *