Sunday , December 22 2024

VOM project at si Ochoa

INUUMPISAHAN na ang Valenzuela-Obando-Meycauayan (VOM) flood control project kaya’t marapat patutukan ni PNoy ang implementasyon nito.

Marami na kasing flood control projects sa bansa ang pumalpak dahil sa pandaraya ng mga nanalong contructors sa pakikipagsabwatan ng mga taga-Department of Public Works ang Highways (DPWH).

Sa rami ng nakararating sa ating sumbong sa ginagawang VOM sa panig ng Obando, Bulacan ay talaga naman dapat itong tutukan dahil malinaw daw na sub-standard ang gawa at kadalasan umano ay walang gumagawa rito dahil mas matagal pa ang pagtigil kaysa paggawa.

Sabi nga ng mga taga-Obando, mukhang mahina ang ginagawang VOM dahil hindi sakto sa kapal at sukat ng buhos nito.

Ito ang sinasabi nating dapat pabantayan ni PNoy dahil kapag nagkataon ay isa na naman itong pagsasayang ng pera at ang pinakamasakit nito ay isa naman itong bigong pag-asa para sa nasasakupan ng VOM na matagal na rin naman nagtitiis sa baha.

***

Dapat na sigurong magpaliwanag si Executive Secretary Jojo Ochoa sa lahat ng isyung nagdadawit sa kanya kay Janet Napoles.

Ibang klase na kasi ang mga naglalabasang akusasyon laban sa kanya at kabilang na nga rito ang paghingi umano niya ng campaign funds kay Napoles noong 2010 election.

Bukod sa campaign funds na isyu ay dapat din niyang ipaliwanag ang bagay tungkol sa kanyang tauhan na si Brian Yamsuan na nasabit din sa bigating si Napoles.

Dapat ang inaakusahan ang sumagot sa mga issue at hindi ang mga tagapagsalita lamang ng Malakanyang dahil bilang opisyal ng pamahalaan ay mayroon siyang obligasyon sa taong bayan.

Ito ang dapat gawin ni Ochoa na palagian na lamang nanahimik kapag may mga isyung nag-uugnay sa kanya.

Alvin Feliciano

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *