Monday , December 29 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

P30-M shabu kompiskado sa 2 tulak

BUMAGSAK sa kamay ng mga awtoridad ang dalawang lalaki na  bigtime pusher, matapos mahulihan ng limang kilo ng shabu sa buy-bust operation kamakalawa sa Quezon City.

Kinilala ang mga suspek na sina Harold Wilford, 34, may-asawa, walang trabaho at Arnel Ignacio, 49, pawang residente ng Luna-2, St. San Agustin Village, Malabon City.

Ayon kay Police Chief/Insp. Robert Razon, hepe ng Quezon City Police District-District Anti-Illegal Drugs (QCPD-DAID), naganap ang operasyon bandang 6:30 ng gabi sa Banawe St., malapit sa kanto ng Macopa St., Brgy. Sto. Domingo, Quezon City.

Tinatayang nasa P30 milyon halaga ang nasamsam na shabu mula sa dalawang suspek.

Nabatid na sakay ng kanyang Nissan Terrano (CMV-593) na itim, iniabot ni Wilford sa mga ope-ratiba ang 1 kilo ng shabu kung kaya’t dito na siya pinosasan.

Samantala, kasabay na hinuli rin nang oras na iyon si Ignacio na sakay naman ng isang Mazda Familia (UTN-234) na asul, na nahulihan naman ng apat kilong shabu.

(JETHRO SINOCRUZ)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Batangas Rep ibinuking inang senadora sa budget insertions

INAMIN ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na may insertions sa pambansang budget ang …

Senate Senado

5 senador pasok bilang ‘most favorable’ senators

TATLONG miyembro ng mayorya at dalawa mula sa minorya ang pumasok sa top 5 ng …

Nartatez United Candelaria Doctors Hospital

Acting PNP Chief Nartatez Personal na Dumalaw sa mga Sugatang Pulis at Pinarangalan ang Nasawing Kasamahan sa Quezon

Pamumunong Nariyan Kapag Kailangan Hindi nag-atubiling magtungo si Acting PNP Chief PLTGEN Jose Melencio C. …