Saturday , November 23 2024

P10-M pabuya vs Napoles ipatong sa media killers

HINILING kahapon ng media group Alab ng Mamamahayag (ALAM) kay Pres. Benigno Simeon Aquino III na ilaan sa mga makahuhuli ng media killers ang P10 milyong inilatag niya para madakip ang sinabing utak ng P10-billion pork barrel scam na si Janet Lim Napoles.

Ayon kay ALAM President Jerry Yap, kulang na kulang pa rin sa aksyon at programa ang Department of Justice (DOJ), National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine National Police (PNP) laban sa media killers.

Kung may sampung milyong piso umanong tinatanaw, sisipagin ang mga miyembro ng pulisya maging ang ordinaryong mamamayan para magpursiging hanapin ang mga kriminal.

“Heto na ika-19 miyembro ng media na napatay sa ilalim ng administrasyon ni (President) Aquino,” ani Yap.

“Malapit na niyang malampasan ang bilang ng media men na pinaslang noong martial law.”

Nitong Huwebes ng gabi, pinatay si DxLS broadcaster, Nanding Solijon sa Iligan City. Si Solijon ay isang hard-hitting broadcaster sa kanilang lugar.

Sa report, dalawang motorcycle-riders (riding-in-tandem) na armado ng kalibre .45 ang pumatay sa biktima.

“Nagsasawa na kami sa paninikluhod sa mga nagbibingi-bingihang sina DOJ Sec. Leila de Lima, SILG Mar Roxas, PNP chief, Director General Alan Purisima, at kahit pa kay President Aquino,” ani Yap.

“Puro sila pangako lagi naman napapako. Wala na yata kaming mahihintay na hustisya. Buwan-buwan, may pinapatay na media man. Minsan nga, dalawa o tatlong beses pa.”

Ngunit kung ibibigay umano ni Aquino ang dati na niyang pinakawalang P10-milyong reward money, magkakaroon sila ng kaunting pag-asa.

“Money talks,” dagdag ni Yap. “Kung si Napoles nga, napilitan sumuko (kuno) dahil sa dami ng naghahanap sa kanya, ‘yun pa kayang mga karaniwang criminal?”

Binigyang-diin ni Yap na mahalaga ang mga media men sa isang bansang nasa ilalim ng demokrasya.

“Hindi masasabing may demokrasya sa isang bansa kung pinapatay ang mga taong nagtatangkang maglantad ng katotohanan,” sabi pa ng dating pangulo ng National Press Club (NPC).

“Kung buwan-buwan, may pinapatay na media men, nasaan ang demokrasya sa Filipinas?” dagdag ni Yap.   “Pero kung talagang nagmamalasakit si PNoy tulad ng ipinangako niya noong nangangampanya pa siya, ilalabas niya ang P10-million mula sa kanyang discretionary fund para mahuli ang media killers at magamit na pondo para sa legal expenses sa mga nakabinbin kaso sa mga media killers. Pero kung hindi, mapipilitan na ang media na umaksyon para maipagtanggol ang kanilang sarili. Gusto ko lamang ipaalala sa kanilang lahat na hindi invincible ang media men. Tinatalaban rin kami ng bala at kutsilyo.”

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *