Sunday , December 22 2024

Onion Growers, humihingi na ng tulong kay PNoy

DAHIL sa hindi na masawatang pagpasok ng smuggled na sibuyas at bawang sa bansa, si Pangulong Aquino na mismo ang lalapitan ng onion at garlic growers para mahinto na ang tinawag nilang ‘gawaing kabututan’ sangkot ang mga taga-Department of Agriculture (DA).”

Sa pulong na ipinatawag ng pangulo ng Sibuyas ng Pilipino Ating Alagaan (SIPAG) na si Francisco U. Collado sa Pasig noong Sabado, na dinaluhan ng mahigit 100 magsasaka at onion growers, hiniling nila na ipatigil na ni PNoy sa DA ang pagbibigay ng import permit sa isang grupo na anila’y sindikato lang naman.

“Ang pagbaha ng imported na sibuyas at bawang sa bansa ay pumapatay sa aming kabuhayan dahil bagsak ang presyo ng mga sibuyas at bawang galing China at Vietnam o karatig bansa,” paliwanag ni Collado.

Aniya, “ang problema, e, kasabwat ang Bureau of Plants at Agriculture officials sa pagbibigay ng import permit sa iisang tao lang naman.”

Una nang lumabas sa isang telebisyon noong nakaraang linggo na tanging ang isang Leah Cruz lamang daw umano ang nabibigyan ng import permit (IP) ng BPI para sa sibuyas at bawang.

Ayon kay Atty. Ariel Jawid, abogado ng SIPAG, tanging si Cruz nga lang ang binibigyan ng IP ng DA na daan-daang container ng sibuyas ang ipinapasok sa bansa kada buwan.

“Kinopo na ni Cruz o ginawang monopolya na ang nasabing

importation na labag naman sa ating konstitusyon,” dagdag ni Jawid.

Nais ng SIPAG na imbestigahan ng pangulo ang importasyon ng sibuyas at bawang kung bakit si Cruz lamang ang pinapayagan ng BPI at DA.

Matagal na raw inireklamo ng grupo kay Sec. Proceso Alcala ang nasabing problema pero tila ayaw niyang umaksyon kaya duda silang may sabwatan si Cruz at ilang DA officials.

“Kaya kay Pangulong Aquino na namin dadalhin ang isyung ito dahil tiyak na kikilos siya para na rin sa kapakanan naming maliliit,” dagdag ni Collado. (HNT)

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *