Kung may mga horse owner na nagmamalasakit na umunlad ang karera sa bansa may ilang horse owner ang bumababoy sa industriyang kinabibilangan.
May mga horse owner na kumwari ay nagmamalasakit sa karera subalit ilan sa kanila nasa likod sa ilang katiwalian sa loob ng karerahan.
Binababoy ng mga pasaway na horse owner ang karera sa pamamagitan ng pagperder sa kanilang mga kabayo na ang masakit dito ay mananayang karerista ang lubhang naaapektohan.
Ang pagperder ng kabayo ang siyang maituturing na mortal sin sa industriya dahil mismo ang publikong nagtitiwala sa mga baboy na horse owner ang siyang naaapektohan.
Usapang baboy di lang namanb dahil igto ang trend ngayon matapos pasikatin ni Janet Lim- Napoles, banta pa rin sa pambababoy sa karera ang bvookies operator sa Metro Manila.
Isang malaki at bigtime bookies operator’s ang nasa likod ng ilang horse owner ang nasa likod ng mga nagaganap na baboyan.
Alam mo Boss Jerry, ang nakakatakot ngayon tamuya sa llamdo dahil binabaril ito ng bookies na gumagalaw sa loob ng karerahan at take note tionatangkilik pa ito ng ilang horse owner na nanguna sa nabigong strike laban sa Philracom.
P1-milyon Carry Over sa WTA
Asahan ang pagbaha ng benta sa kinagigiliwang Winner Take All event ng bayang karerista dahil sad ala-dala nitong carry over sa pag-alagwa ng karera sa bakuran ng Manila Jockey Club sa San lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite ngayon araw.
May nakalaang mahigit na P1-milyon na carry over para sa WTA event na magsisimula ang karera dakong ala-6:00 ng gabi.
Ilan sa mga kalahok mula sa 8 karerang bibitawan ang puwedeng isali sa inyong talaan ang Tribal King, Naturee Nature at Santino’s Best, isama din po ninyo ang Flash Away ,Masaganang-ani at Bagong Barrio.
Ni andy yabot