Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bukas Na Lang Kita Mamahalin, mapapanood na ngayon gabi!

MATAGUMPAY ang isinagawang Celebrity Screening sa SM Megamall ng pinakabagong aabangan na namang teleserye sa Primetime Bida ng ABS-CBN2, angBukas Na Lang Kita Mamahalin na mapapanood na simula ngayong gabi.

Dinagsa ng mga tagahanga, kaibigan, at kapamilya nina Gerald Anderson, Dawn Zulueta, Dina Bonnevie, Rayver Cruz, Diana Zubiri, Tonton Gutierrez, Cristine Reyes at iba pa ang naturang celebrity screening. Naroon din ang mga director nitong sina Jerome Pobocan at Trina Dayrit gayundin ang bumubuo ng Dreamscape Entertainment sa pamumuno ni Deo Endrinal.

Isa kami sa nabigyang pagkakataon na mapanood ang unang isang buong linggo ngBukas Na Lang Kita Mamahalin at talaga namang humanga kami sa isa na namang tatangkilikin ng publikong teleserye. Mula sa mga artistang nagsisiganap hanggang sa bumuo at nag-conceptualize nito—nasabi naming magaling talaga silang gumawa ng ganitong klase ng panoorin.

Sa mga tagpo nina Gerald, Cristine, at Rayver talaga namang aabangan mo ang magaganap gayundin ang paghaharap/sagutan nina Dawn at Dina.

Ayaw na naming idetalye ang pangyayari na mapapanood sa isang lingo dahil mas nais naming kayo mismo ang humusga kung paano nailatag ng maayos ng Kapamilya Network ang teleseryeng magpapaantig na naman ng ating mga damdamin.

Ang nakatitiyak lang, maraming ina ang makare-relate sa palabas na ito lalo’t ang usapin ay hanggang saan makaaabot ang pagmamahal sa ating mga anak.

Kaya tutok na ngayong gabi sa Bukas Na Lang Kita Mamahalin sa ABS-CBN.

Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …