Monday , December 29 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bagong mayor sa Metro Manila lulong sa Casino

00 Bulabugin

HABANG binabantayan ng sambayanan ang mga pangyayari na kinasasangkutan ng isang JANET LIM NAPOLES, ang babaeng itinuturing na may malaking kinalaman sa P10-billion pork barrel scam kasabwat ang ilang mga mambabatas at mga opisyal ng pamahalaan, mayroong isang kauupong METRO MANILA MAYOR ang nagbababad sa isang Casino tuwing Biyernes at Sabado.

Gaya ng paboritong tambayan ng iba pang opisyal ng pamahalaan na haling na haling sa Casino, naroon sa VIP gaming area sa second floor ng Solaire Resort and Casino si ‘BAGONG MAYOR.’

Kompara kay LTO chief Virgie Torres, na barya-barya lang ang nilalaro sa SLOT MACHINE, si bagong MAYOR ay talagang MILYON-MILYON!

Saan kaya galing ang MILYON-MILYON niya gayong  kauupo pa lang niya bilang Alkalde ng isang ‘ginahasang’ lungsod sa Metro Manila.

Mayor, nainspeksiyon mo na ba ‘yung mga constituent mo na binaha d’yan sa lungsod ninyo?! Lalo na ‘yung taga-District 2?

Sabi nga ng BULABOG BOY natin, hindi siya makapaniwala na si ‘BAGONG YORME’ ‘yun, kaya tiningnan niya nang MALAPITAN.

Nang makita niyang  ‘MINAMANAS’ ang mukha, ‘yun na  SWAK NA SWAK … nakilala niya ‘yung KAUUPO pa lang na Metro Mayor.

Kasama pa ni YORME ang isang ‘PERRENNIAL LOSER’ na politiko.

Hindi na ako nagtataka kung bakit ‘OUT’ sa DAANG MATUWID si Metro Mayor.

Ombudsman Madame Conchita Carpio Morales … pakisudsod n’yo lang po ang mga Casino sa Metro Manila lalo na d’yan sa Resorts World Manila at Solaire Resort and Casino t’yak marami kayong ‘MABUBULAGANG’ government officials na nagbababad d’yan …

HULIHIN n’yo!!!

MAKATI CITY JAIL WARDEN C/INSP. FERMIN ENRIQUEZ, INCOMPETENT, SIBAKIN!

DAPAT nang sibakin ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) si Makati City jail warden C/Insp. FERMIN ENRIQUEZ …

‘Yan ay kaugnay ng kanyang pag-amin na hindi nila kayang garantiyahan ang seguridad ng mga preso.

Humarap pa sa KORTE, ang HUNGHANG na si ENRIQUEZ para aminin lang sa sambayanan na siya ay INUTIL.

So, ano pa ang ginagawa mo d’yan sa MAKATI CITY JAIL, MAJOR ENRIQUEZ?

‘Di ba, Interior and Local Government Secretary MAR ROXAS?

Minsan na tayong nakapunta d’yan sa Makati City jail nang dalawin natin ang isang inmate. Masasabi kong maayos at malinis ang Makati City jail, ‘yun nga lang MAINIT.

Wala raw SAPAT na PERSONNEL ang Makati City jail lalo na kung naka-LOCKED na at natutulog na sa gabi ang mga preso. Hindi raw nila kayang siguruhin ang seguridad ng 104 female and 441 male inmates.

Sabi ng kamoteng warden, “We cannot guarantee 24/7 safety of anybody, particularly during sleeping time,” nang tanungin ni Judge Elmo Alameda kung irerekomenda ba niyang ilipat sa ibang detention facility si Napoles.

Tsk tsk tsk …

‘AYOS na AYOS’ ang SAGOT mo WARDEN ENRIQUEZ … halatang ‘AYOS NA AYOS’!?

Baka isang araw ‘e maging MAJOR, MAJOR PROBLEM ng Makati City.

Kahit saan dalhin ‘yan si NAPOLES, gagawa at gagawa ng paraan ‘yan para hindi mahirapan at maging KOMPORTABLE ang kanyang buhay.

Malaking kaginhawaan sa kanya ang malayo sa mapanuring mata ng publiko.

Kaya ‘yang paglalagay sa kanya sa FORT STO. DOMINGO ay PABOR kay NAPOLES at hindi sa sambayanan.

Eniwey, maipapayo lang natin kay SILG MAR ROXAS na huwag siyang KUKURAP, dahil kapag ‘NAGKAMALI’ siya sa kasong ‘yan ni NAPOLES, t’yak na t’yak tapos ang KARERA POLITIKAL mo sa 2016…

At ang pangarap ng angkan ninyo na ikaw ay maluklok sa Malakanyang ay tuluyan nang ibabaon ng kasaysayan.

Careful, careful, SILG MAR ROXAS!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Water Plus Productions Marynette Gamboa Bodies Next Gen

Water Plus Productions ng produ na si Marynette Gamboa, maraming projects para sa Bodies: Next Gen

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MASAYA ang ginanap na Christmas party ng Water Plus Productions ng producer …

Batangas Rep ibinuking inang senadora sa budget insertions

INAMIN ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na may insertions sa pambansang budget ang …

Senate Senado

5 senador pasok bilang ‘most favorable’ senators

TATLONG miyembro ng mayorya at dalawa mula sa minorya ang pumasok sa top 5 ng …