Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Atty. Ferdinand Topacio at Claudine Barretto walang “secret affair” (Purely friendship lang ang namamagitan sa kanila!)

MINSAN, sa sobrang lapit ng ‘lawyer for all seasons’ na si Atty. Ferdinand Topacio sa mga nagiging kliyenteng babaeng artista ay nauugnay siya sa kanila. Lalo, na ngayon sa latest client niyang si Claudine Barretto, ilang kasamahan sa hanapbuhay ang pilit silang itinitsismis na mayroon raw silang ‘secret affair?’

Kinukuwestiyon nila na na kung talagang legal counsel lang ni Claudine ang labs at BFF naming si Atty. Topacio, ‘e bakit nagpatawag pa siya ng get together sa mga close sa entertainment press kabilang na ang inyong columnist upang ipa-interview si Claudine. Saka bakit sobrang malapit na rin daw ang globally famous na lawyer sa mga anak nina Clau at Raymart Santiago na sina Sabina at Santino? Well, lahat ng ‘yan ay tamang duda lamang. Unang-una, kilalang matulungin at supportive hindi lang kay Claudine ang nasabing high-end lawyer (Atty. Topacio) kundi sa lahat. Saka, kaya ganyan ang treatment na kanyang ibinibigay sa actress ay dahil nakita niya na masyado nang naapi. Kailan lang ba nagsalita sa mga pang-aabusong naranasan mula sa mister na si Raymart Santiago kasama na ng mga pambu-bully ng kampo ng actor? Ngayon lang ‘di ba? Number one na hate ni Atty. Ferdie ay sinasaktan ang mga babae kaya pangako niya kay Claudine hanggang sa huli ay tutulungan niya ang aktres  sa kanyang battle kay Raymart. Kung malapit man ngayon ang abogado sa mga anak ni Claudine na sina Sabina at Santino ay huwag niyong bigyan ng kulay dahil ang goal niya rito ay mabigyan ng moral support ang mga bata na sa mura nilang gulang ay nangangailangan ng pagmamahal. So, lahat ng kanyang mga ginagawa para kay Claudine at sa mga bata ay walang halong malisya at lalong wala silang secret affair.

Wala rin makapipigil kay Atty. Topacio kung maging supportive man siya sa showbiz comeback ni Claudine na ipo-produce nga niya ang album soon ng controversial actress. Kaya roon sa mga plano pang mang-api kay Claudine ay mananagot kayo kay attorney.

Dapat at karapat-dapat lang gyud!

“IKAW ANG IIBIGIN KO” NI JOS GARCIA MAY JAPANESE VERSION NA

Kasama ang inyong columnist, nakipag-meeting na si Jos Garcia sa isa sa executive ng Star Records. May kaugnayan sa kanyang bagong gagawing album ang napag-usapan at masaya si Jos dahil finally ay natupad ang kanyang matagal nang pangarap na ma-penetrate ang ABS-CBN.

Yes, ang Star Records ang magdi-distribute ng kanyang CD album na nakatakdang i-release early next year. At included sa album ang dalawa sa komposisyon ng singer kabilang na ang “Pag-Ibig Ba Ito?” at ang pinasikat na awitin na “Ikaw Ang Iibigin Ko” na may Japanese version na pala at hit na hit ngayon sa Land of the Rising Sun na Japan. Very excited na si Jos sa kanyang showbiz comeback at sa tulong ng Star Records at ng iba pa ay very positive na mararating rin niya ang tagumpay para sa singing career. Kagi-guest lang pala ni Jos sa mga show ng GMA 7 at TV 5 at nag-ikot rin sa ilang radio guesting. Nagpapasalamat ang mahusay na Diva sa lahat ng kanyang fans, na hanggang ngayon ay nakasuporta sa kanya at hindi siya iniwan kailanman. Puwede n’yo nang i-download ang :Pag-ibig Ba Ito?” at iba pang songs ni  Jos sa iTUNES at sa kanyang sariling website na ReverbNation na marami nang followers.

DALAWANG MALALAKING

BARANGAY PINAGKALOOBAN

NG DALAWANG TRUCK

NA RELIEF GOODS NG EAT BULAGA

Hanggang ngayon, may ilang mga barangay pa rin sa loob at labas ng Mega Manila ang apektado pa rin ng bagyong si Maring. At dalawa rito ay ang Brgy. San Bartolome, Sto. Tomas, Pampanga na may daan-daang pamilya ang lubog pa rin sa baha ang kanilang kabahayan ganoon na rin ang Brgy. Bacao sa Gen. Trias Cavite na mas higit na affected dahil lampas tao pa rin ang baha rito. Habang hindi pa nakababawi ay pinagkalooban sila ng Eat Bulaga ng dalawang truck na naglalaman ng mga relief goods na kinabibilang ng pagkain at gamot. Taon-taon naman tuwing dumarating ang mga ganitong sakuna ay to the rescue agad ang EB Dabarkads. Buong pusong nagpapapasalamat si bossing Vic Sotto sa lahat ng mga dabarkads na nag-donate ng mga bagay sa abot ng kanilang makakaya.

Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …