KUNG ating matatandaan, September 1 ang deadline na ibinigay ni Commissioner Biazon sa pagbalasa sa kanyang mga port collector na kanyang ipinangako ilang buwan na nakararaan.
Hindi tulad sa bagong OIC ng Imigration na si Atty. Siegfried Mison na madali niyang naisagawa ang PAGBALASA sa mga PREMIER ASSIGNMENTS sa bureau, lalo na sa NAIA.
Mas lalo lang lumalaki ang duda ng madlang pipol na hindi pa naghihilom ang tila malalim na sugat ng hidwaan niya at ng kanyang immediate boss, si Secretary Purisima.
Mahirap ang ganitong situation na gusto man galawin ni Commissioner Biazon ang kanyang 57 port collectors (anim sa kanila ay Presidential appointees) na hindi nagpe-perform nang tama ay nananatili pa rin sa puesto at hindi magalaw dahil sa isyu ng authority.
Yes, walang sole power si Biazon na balasahin ang mga port collector kung walang endorsement or basbas ni Purisima. Ang nangyayari tuloy, status quo sa mga collector sa kabila ng proposed revamp measure na isinagawa ni Biazon. Sang-ayon sa kanya, September 1 o sa linggo na ito ang deadline niyang ibinigay sa sarili niya upang balasahin ang Kustoms.
Kung matatandaan, ipinatawag ni Biazon ang lahat ng kanyang mga collector from Apari in the North and Sulu in the South sa isang first ever conference ng mga port collector sa Maynila, all-expense paid for by the Bureau. Ang nangyari, hindi pala balasahan kung hindi isang covenant of sorts na pinapirma ni Biazon ng Letter of Relinquishment o pagpapahayag na wala silang tutol na lisanin ang kanilang mga puwesto sa ano mang sandali. Iyon pala napag-alaman nila na pasusumpain lang ang ilan na suportado nila ang pamunuan ni Biazon na noong mga araw na iyon ay binabayo ang Bureau ng mga banat dahil sa rampant smuggling at corruption. Maswerte si Biazon na biglang natabunan ang Bureau nang sumabog ang naglalakihang isyung pambansa. Ito ay ang pork barrel scam.
Gaya ng dati, lagabog pa rin ang revenue collection ng Bureau. Unang-una, takot ang maraming importer na magparating sa payo na rin ng kanilang mga broker. Ito ay sa dahilang wait and see attitude mode pa rin sila . Hindi sila nakaseseguro na magiging maganda ang kanilang relationship sa mga bagong uupo na mga collector.
Ang huling press release ni Commissioner ay September 1 ang target date ng kanyang reshuffle. Paano nga kung hindi aksyonan ito ni Secretary Purisima. Back to square one ulit. Gaya ng sinabi natin, mukhang maganda ang working relation ni BI OIC Mison at ni Justice Secretary de Lima, hindi nagtagal aprub kaagad ang kanyang revamp proposal.
Arnold Atadero