Friday , December 19 2025

Search Results for: -bit.ly/Gemini-serodnya

Carlo Paalam tuluyan nang nagpaalam sa gintong medalya

Carlo Paalam Galal Yafai

TOKYO – Yumuko si Carlo Paalam kay Great Britain’s Galal Yafai sa men’s flyweight final ng boxing sa Tokyo Olympics nung Sabado para mabigong sungkutin ang gold medal at magkasaya na lang sa silver medal sa edisyon ng Olympic Games na kung saan ay nagpamalas ng pinakamandang performance ang ating mga boksingero. Maganda ang naging panimula ni Paalam pero higit …

Read More »

Arca, Buto hataw sa FIDE Online Rapid World Cup

Chess FIDE Online Rapid World Cup

HUMATAW   ng magkahiwalay na panalo sina National Masters Christian Gian Karlo Tade-Arca at Al Basher Buto ng Pilipinas para malakas na simulant   ang pagbubukas ng kampanya sa FIDE Online Rapid World Cup Cadets & Youth – Open 12 and under virtually na humahataw  sa Tornelo Platform. Si Arca, ang pinakabatang online Arena Grandmaster (AGM) sa Pilipinas mula Panabo City, Davao …

Read More »

Ara gustong masalang sa horror film

Ara Mina

NAALIW ang mga host na sina Mel Martinez at Toni Co sa pagbisita ng bagong kasal na si Ara Mina sa programa nila. Dahil ang Hazelberry Cakes niya ang gumawa ng wedding cake nila ni Dave Almarinez, kasama na ngayon sa negosyo niya ang paggawa na rin ng wedding cakes. At hindi mawawala sa menu ang mga bestseller nilang cakes gaya ng sumikat na Red Velvet Cake.  …

Read More »

Drug den sa Angeles sinalakay, 8 adik tiklo

shabu drug arrest

ARESTADO ang walong personalidad na sangkot sa droga kabilang ang isang menor-de-edad matapos salakayin ng mga awtoridad ang isang drug den sa lungsod ng Angeles, lalawigan ng Pampanga, nitong Biyernes ng gabi, 6 Agosto. Sa ulat mula kay PDEA Central Luzon Chief, Director III Bryan Babang, ikinasa ang operasyon ng mga ahente ng PDEA Pampanga Provincial Office sa 6 St., …

Read More »

Panggulo lang si Ping

Sipat Mat Vicencio

SIPATni Mat Vicencio SA pangalawang pagkakataon, mangungulelat at tiyak sa basurahan na naman dadamputin si Senator Ping Lacson sa gagawin nitong muling pagsabak sa presidential elections sa susunod na taon. Masasabing panggulo lamang itong si Ping at makabubuting ipaubaya na lamang niya sa iba pang presidential candidates ang pagbangga sa magiging kandidato ni Pangulong Rodrigo “Digong”  Duterte. Sa rami ng kontrobersiyang …

Read More »

Suhulan sa Manila Bay reclamation projects

PROMDI ni Fernan AngelesI

PROMDI ni Fernan Angeles HINDI biro ang bunga ng mga reclamation projects sa mga anyong tubig sa bansa. Baha dito, baha doon. Pero bakit kaya patuloy pa rin ang pagsusulong ng gobyerno sa mga reclamation projects – partikular sa Manila Bay? Ang sagot – dangan naman kasi, pasok na sa banga ang daan-daang milyong paunang SOP sa mga kasador na kumakatawan …

Read More »

Kumagat sa pain
RAPIST NG DALAGITA ARESTADO SA VALE

prison rape

NAGWAKAS ang pagtatago ng isang 19-anyos lalaking nahaharap sa kasong panggagahasa matapos itong kumagat sa pain ng pulisya nang muling makipagkita sa biktima kahapon ng hapon sa Valenzuela City. Kinilala ang suspek na si Mark Jayson Pasamonte, residente ng De Castro Purok 4, Brgy. Mapulang Lupa, Ugong ng nasabing barangay, nahaharap sa tatlong bilang na kasong rape at paglabag sa …

Read More »

Panawagan sa LGUs:
PAGBABAKUNA AYUSIN MAIGI

NANAWAGAN si ACT-CIS Partylist Rep. Rowena Niña Taduran sa mga local government units na ayusin ang kanilang vaccination procedure sa harap ng pagsugod ng mga tao sa vaccination sites kahit walang schedule ang mga ito. Nababahala ang House Asst. Majority Leader sa nababalitaan nyang pagkakagulo ng mga tao sa vaccination sites. “Ang mga LGUs ang lumilikha ng super spreaders dahil …

Read More »

Pagpatay sa Muslim trader sa Nueva Ecija kinondena

Mujiv Hataman Nadia Casar

KINONDENA ni Deputy Speaker at Basilan Rep. Mujiv Hataman ang pag patay sa isang babaeng Muslim trader sa Nueva Ecija. Ayon kay Hataman dinukot ang babae ng mga pulis at sinunog ang kata­wan nito para pagtakpan at mawala ang ebidensya sa karumadumal na krimen. Nanawagan si Hataman kay PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar na paimbestigahan ang pagdukot, pagpatay at pagsunod …

Read More »

Bawiin ang prankisa ng Maynilad at Manila Water — Deputy speaker

Maynilad Manila Water

NANAWAGAN si Deputy Speaker Rufus Rodriguez sa liderato ng Kamara de Representan­tes na bawiin ang prang­kisa ng dalawang dambuhalang kumpanya na may konsesyon sa tubig sa Metro Manila. Ayon kay Rodriguez madami sa mga kongresista ang nawalan ng pagkakataon na busisiin ang 25-taong prangkisa ng dalawang kumpanya. “As a deputy speaker, I am ex-officio member of all committees. I never …

Read More »

11 PCOO employees patay sa Covid-19

ni ROSE NOVENARIO UMABOT na sa labing-isang kawani ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) at attached agencies nito ang nasawi dahil sa CoVid-19. Nabatid ito sa update na ibinahagi ni PCOO Assistant Secretary JV Arcena sa media kahpon. Batay sa datos ng PCOO, naitala na 535 opisyal at kawani ng PCOO ang dinapuan ng Covid-19, kasama rito si Secretary Martin …

Read More »

Sarah Javier napapanahon ang single, pasok sa Mrs. Universe Philippines 2021

Sarah Javier

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISA si Sarah Javier sa naggagandahang ginang ng tahanan nakalahok sa Mrs. Universe Philippines 2021. Siya ang kinatawan ng Cavite at kabilang sa 18 delegates from different cities and provinces ng naturang beauty pageant na gaganapin sa Okada Manila ngayong September 4. Ang singer/actress/beauty queen, at business woman na si Ms. Charo Laude ang National Director …

Read More »

Kasal nina Angel at Neil, unglamorous

Angel Locsin Neil Arce Dimples Romana

HATAWANni Ed de Leon “Unglamorous.”  Ganyan ang comment ng isang fashion critic sa lumabas na wedding photos nina Angel Locsin at Neil Arce. Kahit na ang bride ay nakasuot ng blouse na puti, naka-jeans naman siya at sneakers. Ang groom naman ay white shirt at jeans and sneakers din. Kasi casual lang naman ang okasyon at sa totoo lang, iyong ganoong kasuotan ay parang semi-formal na sa panahong ito. …

Read More »

Ate Vi ‘di pa rin tiyak ang pagtakbo sa Senado

Vilma Santos

HATAWANni Ed de Leon NAKITA na ninyo, kaya hindi kami kumikibo roon sa mga masyadong excited na nagsasabing si Senador Ralph Recto ang tatakbong congressman at si Ate Vi (Congw. Vilma Santos) ang patatakbuhing senador. Bakit may sinabi na ba si Ate Vi? May mga tao lang na masyadong excited kaya kung ano-ano na ang sinasabi. Noong mag-live sa social media si Ate Vi, ‘di lumabas …

Read More »

Nora naging artista dahil kay Kitchie B

Kitchie Benedicto Nora Aunor

HATAWANni Ed de Leon NABUKSAN lang namin ang mga kuwento kung gaano kalapit ang broadcast executive na si Kitchie Benedicto noon kay Nora Aunor. Si Kitchie ang nagbigay ng break kay Nora sa TV, nang bigyan siya ng show kasama ang noon ay jukebox king na si Eddie Peregrina sa The Nora-Eddie Show at nang maaksidente at yumao ang jukebox king, doon na nagsimula ang solo ni Nora, ang Superstar. Gamit pa nila ang …

Read More »

Alfred focus muna sa pagtulong, politika isinantabi

Alfred Vargas

HARD TALK!ni Pilar Mateo NA-MISS ko ang mga eksena ni Alfred Vargas sa bagong simulang serye ng Kapusong Legal Wives gabi-gabi. Pinatay na pala agad ang karakter niya. “Happy ako kasi kahit maikli pero markado ‘yung role at heroic. I only appeared in ‘Legal Wives’ for around three days. Maganda rin ‘yung death scene ko with direk Al Tantay and Dennis (Trillo). Marami …

Read More »

Pagho-host ni Tetay tuloy-tuloy na

Willie Revillame Kris Aquino

I-FLEXni Jun Nardo KUMAWALA pa rin ang hindi scripted na spiels ni Kris Aquino nang muli siyang sumalang sa TV para maging co-host ni Willie Revillame sa TV special ng shopping app kahapon na napanood sa GMA 7. Lumabas sa spiels niya na na-late siya sa show na live sa Clark City Airport sa Angeles City, Pampanga. Naisingit din niya ang tanong kay Willie na, ”May girlfriend …

Read More »

Ruru lalong naging yummy

Ruru Madrid

I-FLEXni Jun Nardo BORTANG-BORTA na ang dating ngayon ni Ruru Madrid. Todo pagmamalaki ni Ruru sa kanyang social media accounts ang bagong porma ng katawan ngayon. Ang balita, preparasyon ni Ruru ang magpaganda ng katawan para sa coming adventure series niyang Lolong. Kung totoo, bumagay naman sa kanya ‘yon at naging yummy lalo siya. Naku, tiyak na lalong mai-in-lab sa kanya ang …

Read More »

Kris ibinuking pagtakbo ni Willie sa Senado (punasan ng pawis viral)

Kris Aquino Willie Revillame Andrea Torres

FACT SHEETni Reggee Bonoan “SORRY, I’m just being naughty, sinabi ko naman kasing ‘wag akong seryosohin- pero obvious naman na kinilig… but in all sincerity, straight from my heart THANK YOU Willie- for your generosity and for really taking care of me (rehearsals pa lang kagabi- ilaw, music, camera angles, audio, and pati graphics talagang tinutukan n’ya)- like I said …

Read More »

Neil & Angel’s wedding biglaan

Angel Locsin Neil Arce

FACT SHEETni Reggee Bonoan LONG overdue na ang church wedding nina Neil Arce at Angel Locsin dahil dapat noon pang Nobyembre 2020 pero dahil sa COVID-19 pandemic ay na-postpone ito at ngayong 2021 sana ito itutuloy pero hindi pa rin nawawala ang pandemya at muling inilagay ang Metro Manila sa Enhance Community Quarantine (ECQ) sa ikatlong pagkakataon na. Huling usap namin ng aktres, wala …

Read More »

Kim ‘di kayang maghubad kahit tapatan ng P5-M

Kim Molina Jerald Napoles

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio HINDI naman itinatago kapwa nina Kim Molina at Jerald Napoles na nagsasama na sila sa iisang bahay. Pero iginiit na wala pa silang planong magpakasal lalo’t  lalong gumaganda ang kani-kanilang career. Sa virtual media conference para sa kanilang pelikulang Ikaw at Ako at Ang Ending ng Viva Films na mapapanood na simula August 13 sa ktx.ph, iWant TFC, TFC IPTV, at Vivamax, sinabi …

Read More »

Luis public servantmuna bago maging politician

Luis Manzano Vilma Santos Jessy Mendiola

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio SUPER nag-enjoy si Congresswoman Vilma Santos sa Facebook at Instagram Live nila ng anak na si Luis Manzano kasama si Jessy Mendiola na pagkaraan ay sumama rin si Ryan Christian Recto. Ayaw pa nga nitong matapos ang pakikipagtsikahan sa mahigit sa 20K viewers dahil na-miss din niya ang makipaghuntahan sa kanyang fans. Napag-usapan sa FB at IG Live ang ukol sa politika. …

Read More »

Ping Lacson ‘di aabandonahin si Tito Sotto

Tito Sotto Ping Lacson

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio TULOY na tuloy at wala nang atrasan ang pagtakbo nina Sen. Ping Lacson at Senate President Vicente Sotto III sa pagkapangulo at pangalawang pangulo sa susunod na eleksiyon. Ani Ping,”Noon nabasa na ‘yung sakong namin, ngayon hanggang tuhod na ‘yung basa naming dalawa, tuloy-tuloy na ‘to, we’ve gone far and deep into the ocean so to turn back, parang …

Read More »