Sunday , October 24 2021
Tito Sotto Ping Lacson
Tito Sotto Ping Lacson

Ping Lacson ‘di aabandonahin si Tito Sotto

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

TULOY na tuloy at wala nang atrasan ang pagtakbo nina Sen. Ping Lacson at Senate President Vicente Sotto III sa pagkapangulo at pangalawang pangulo sa susunod na eleksiyon.

Ani Ping,”Noon nabasa na ‘yung sakong namin, ngayon hanggang tuhod na ‘yung basa naming dalawa, tuloy-tuloy na ‘to, we’ve gone far and deep into the ocean so to turn back, parang medyo mahirap nang isipin.

“I have a commitment to my partner that come hell or high water, talagang itutuloy na namin to,” giit pa ni Ping.

Ibinunyag kamakailan ng presidential aspirant na may inialok siyang ‘unification formula’ kay Vice President Leni Robredo para sa susunod na halalan subalit tumanggi umano ito.

“I offered her a sure unification effort or formula to unite in the end. There was resistance. I won’t discuss the details, pero yun ang nakikita ko talaga,” ani Lacson sa panayam sa kanya sa ANC.

“She resisted. Hindi siya sold doon sa idea but it was a sure formula for putting up, at least between the two of us, a common candidate but unfortunately, she didn’t buy it,” sambit pa ni Ping.

Pakiramdam ni Ping, bukas pa rin si Robredo sa pagtakbo sa pagka-pangulo sa 2022.

Iginiit din ni Ping, hindi niya aabandonahin si Tito Sen!

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Hipon Girl nagpabaha ng luha sa MPK

TOTOHANAN ang naging pag-iyak ni Herlene “Hipon Girl” Budol sa ilang eksena niya sa brand …

Kim sobrang nalungkot sa pagyao ng manager

NAGLULUKSA ngayon si Kim Rodriguez sa pagyao ng kanyang manager at tumatayong pangalawang ina, si …

Joey binanatan ang mga nagkakalat ng fakenews: Si Tito ang iboboto ko!

ALIW talaga magbasa sa mga opinyon ng Poet Niyo na si Joey de Leon. Ang …

Katotohanan sa hiwalayang Aljur at Kylie lalabas din

AND Aljur Abrenica breaks his silence. Sa pinag-uusapang hiwalayan nila ng asawang si Kylie Padilla. …

Madam Inutz, Daisy Lopez, Wilbert Tolentino

Madam Inutz umaariba ang career

SUPER bongga ang career ni Madam Inutz (Daisy Lopez) o ang tinaguriang mama-bentang live seller …

Leave a Reply