Tuesday , December 16 2025

Search Results for: -bit.ly/Gemini-serodnya

Araw ng Kalayaan?

ANG pagpapahayag ng kalayaa’y tanda ng pagbawi sa sariling kaakohan (national identity) mula sa isang mapanakop na kapangyarihan. Gayon man hindi lahat ng pagpapahayag ng kalayaan ay nauuwi sa tunay na paglaya. Ngayon ay ginugunita ng pamahalaan ang ika-117 taong Deklarasyon ng Kalayaan ng diktador na si Emilio Aguinaldo. Ngunit ang araw ng kalayaan na kinikilala natin ngayon ang tunay …

Read More »

Lola ginahasa bago pinatay

HINIHINALANG ginahasa muna ang isang lola bago pinatay sa loob ng kanyang bahay sa Brgy. Bulacao, Cebu City kamakalawa.  Lumalabas sa imbes-tigasyon na binutas ng hindi nakilalang suspek ang bubong ng bahay ng biktima na mag-isang na-tutulog.  Natagpuan ang bangkay ng biktimang nakahiga sa kama at wala nang suot na panloob.  Duguan ang bibig ng lola at may mga pasa …

Read More »

MET ibinenta ng GSIS sa NCCA

ANG Metropolitan Theater, higit na kilala bilang “The Met,” ay may bago nang may-ari makaraan lagdaan ang Deed of Absolute Sale ng state pension fund Government Service Insurance System (GSIS) at National Commission for Culture and the Arts (NCCA). Sa ilalim ng Deed of Absolute Sale, ini-turn-over na ng GSIS ang pagmamay-ari sa NCCA na bumili sa 84-year old National …

Read More »

NBI agent mananagot — De Lima (Kasabwat ng ‘Bilibid 19’)

TINIYAK ni Justice Sec. Leila de Lima na mana-nagot ang sino mang agent ng National Bureau of Investigation (NBI) kapag mapatunayang sangkot sa tangkang pagpupuslit ng mga cellphone at wi-fi modem sa loob mismo ng Pambansang Piitan. Una rito, nagsagawa ng sorpresang inspection ni De Lima kahapon at inamin ng isang inmate na kasali sa tinaguriang “Bilibid 19” na isa …

Read More »

Ulo ng 6-anyos nabutas sa kagat ng nabanas na pit bull

LAOAG CITY – Inoobserbahan sa isang pribadong ospital sa San Nicolas, Ilocos Norte, ang isang 6-anyos totoy bunsod nang matinding sugat sa ulo makaraan pagkakagatin ng alagang pit bull kamakalawa. Ayon kay Brgy. Chairman Emmanuel Ragingan ng Brgy. 13 sa nasabing bayan, nagpasaklolo sila sa mga pulis dahil hindi nila maawat ang pit bull sa pagkagat sa bata na nabutas …

Read More »

BBL nabinbin sa Kongreso (‘Di naihabol sa deadline)

NABIGO ang Kongreso na maipasa ang Bangsamoro Basic Law (BBL) sa pagtatapos ng sesyon nitong Miyerkoles.  Nagsara ang pagdinig kamakalawa nang hindi pa rin natutuldukan ang interpellations at debateng magbibigay-daan sa pag-amyenda sa BBL.  Inihayag ni House Speaker Sonny Belmonte na ipagpapatuloy nila ang paghimay sa panukala sa muling pagbubukas ng sesyon sa Hulyo.  Setyembre o Oktubre ang bagong target …

Read More »

Bebot pinatay, sinunog ng live-in partner

PINATAY sa sakal ang isang babae ng kanyang kinakasama at sinunog ang kanyang bangkay sa gitna ng bukirin sa Brgy. Catacte, Bustos, Bulacan kamakalawa ng gabi. Kinilala ng kanyang mga kamag-anak sa pamamagitan ng suot na underwear ang biktimang si Aprilyn Estrella, 27, ng Brgy. Malawak sa nasabing bayan. Habang pinaghahanap ng pulisya ang suspek na si Joselito Bregino, pahinante …

Read More »

P225-M shabu nasabat sa intsik  at pinay (Sa Quezon City)

UMAABOT sa halagang P225 milyong shabu ang nakompiska ng mga operatiba ng Quezon City Police District–District Anti-Illegal Drugs (QCPD-DAID) sa isang Chinese national at kasamang Filipina sa buy-bust operation kahapon ng umaga sa nasabing lungsod. Sa ulat kay Chief  Supt. Joel D. Pagdilao, QCPD Director, kinilala ang mga nadakip na sina Garry Go, tubong China, at Sheralyn Borromeo, kapwa pangsamantalang …

Read More »

China bullying papalagan sa West Philippine Sea Coalition rally ngayon

HINDI palalagpasin ng mga Pilipino sa pangunguna ni dating Department of Interior and Local Government Secretary Rafael Alunan III ang pambu-bully ng China sa ating bansa sa paglulunsad ng malawakang rally kaugnay ng pagdiriwang ng ating Araw ng Kalayaan ngayon sa harap ng Chinese Consulate sa Buendia Avenue sa Makati City. Ayon kay Alunan, ipapadama ng West Philippine Sea Coalition …

Read More »

Mag-ama todas sa trailer truck

HINDI na umabot nang buhay ang isang mag-ama makaraan sumalpok ang sinasakyan nilang motorsiklo sa isang trailer truck sa lungsod Quezon kahapon ng hapon. Sa ulat ni Insp. Erlito Renegin, hepe ng Quezon City Police District Traffic Sector 1, kinilala ang mag-amang sina Edwin Aningalan, 58, at Albert, 32, kapwa residente ng Caloocan CIty. Habang sumuko ang driver ng truck …

Read More »

It’s Joke Time: Guaranteed

Pasyente: Okey ba ang servi-ces sa ospital na ito? Doktor: Oo naman. Sigurado ‘yon. Pasyente: Paano kung hindi ako satisfied? Doktor: Ibabalik namin ang sakit mo. MAHINA SA MATH Dalawang holdaper sa banko: Holdaper #1: Yehey! Mayaman na tayo! Holdaper #2: Bilangin mo na! Holdaper #1: Alam mo namang mahina ako sa math. Abangan na lang natin sa balita kung …

Read More »

Sexy Leslie: Nahihiya na tomboy ang syota

Sexy Leslie, Almost 5 years na kami ng syota kong tomboy, mahal na mahal namin ang isa’t i isa kaso lang nahihiya ako sa mga tao, ano bang dapat kong gawin? 0928-7360599 Sa iyo 0928-7360599, Kung talagang mahal mo ang iyong karelasyon, hindi mo siya ikahihiya. Hindi naman ang mga taong nasa paligid mo ang magbibigay sa iyo ng kasiyahang …

Read More »

Nasa digmaan ba ang ‘Pinas sa SEAG?

  GLORIA para sa athletics team ng Filipinas ang ika-anim na araw ng kompetisyon sa 28th Southeast Asian Games (SEAG), salamat sa three-gold haul na nabigyang-pansin sa pinaniniwalaang kauna-unahang sprint double win ng bansa sa biennial multi-sport event. Dangan nga lang ay nadungisan ito ng kaunting kontrobersiya. Hindi malaman kung sino ang dapat sisihin dahil kung tatanawin nang ma-lapitan ang …

Read More »

James nilista ang 2-1 para sa Cavs

TUMIKADA si basketball superstar LeBron James ng 40 puntos para angklahang muli ang Cleveland Cavaliers sa 96-91 panalo kontra Golden State Warriors sa Game 3 Finals ng 2014-15 National Basketball Association (NBA) kahapon. Kinulang ng dalawang assists si James para isukbit ang pangalawang triple-double performance ngayong Finals sa kanilang best-of-seven series. May nahablot na 12 rebounds si four-time NBA MVP …

Read More »

Azkals target muli ang World Cup

  SUSUBUKANG muli ng Philippine Azkals na makapasok sa World Cup ng football sa pamamagitan ng 2018 World Cup Qualifiers na magsisimula na sa Huwebes (June 11) laban sa Bahrain sa Philippine Arena sa Bulacan. Ang Azkals Manager na si Dan Palami at Head coach Thomas Dooley ay di na makapaghihintay na isabak ang pinakamalakas umano na line up ng …

Read More »

Age limit ng NCAA men’s basketball babaguhin

  NAGDESISYON kahapon ang National Collegiate Athletic Association (NCAA) na baguhin ang age limit mula 24 sa 25 taong gulang simula sa susunod na taon para makapasok ang mga bagong freshmen na maapektuhan ng K-12 education system na inilunsad kamakailan ng Department of Education. Sa ilalim ng programa, magiging anim na taon ang high school mula sa apat na taon …

Read More »

Arnel, kasal naman ang paghahandaan

HARDTALK – Pilar Mateo .  THE proposal Call it whirlwind romance! Pero sanay na naman ang TV host cum singer cum businessman na si Arnell Ignacio na kapag tinamaan ng pana ni Kupido-kesehoda pang sino ang ginu-goo goo eyes niya eh siguradong mahuhulog sa buslo ng pag-ibig niya. It happened to his ex wife Frannie, the mother of their daughter …

Read More »

Bridges of Love, gabi-gabing trending

  HARDTALK – Pilar Mateo .  A bridge falling down? Umiigting na nga ang takbo ng istorya sa Bridges of Love sa nag-krus ng landas ng magkapatid na nagkahiwalay na sina Gael (Jericho Rosales) at Carlos (Paulo Avelino) sa mga eksena nila gabi-gabi. Isang babae, si Mia (Maja Salvador) ang siya ring “link” na namamagitan sa makapatid. Na siya rin …

Read More »

Enrique, pang-matinee idol look talaga!

HATAWAN – Ed de Leon NAPAGKUKUWENTUHAN nga namin ang mga matinee idol noong press conference ng Just the Way You Are at nasabi naming ang leading man ng pelikulang iyon, si Enrique Gil ang talagang mukhang matinee idol. Sa ngayon kasi parang bihira sa mga male star ang may ganoong personality. Kung sabihin nga nila, karamihan sa mga nagiging leading …

Read More »

Sunshine, kontento na basta’t kasama ang mga anak

HATAWAN – Ed de Leon .  MARAMI ang naghihinayang na wala si Sunshine Cruz doon sa press conference niyong Just The Way You Are. May special role ang aktres sa nasabing pelikula. Marami pa naman ang nag-aabang kay Sunshine dahil sa ilang controversial na issues na gusto nila siyang mag-comment, pero siguro naisip nga nila huwag na lang. Kung dumating …

Read More »

John Lloyd at Angelica, nagkasawaan na raw

  UNCUT – Alex Brosas .  MEDYO hindi na kami na-shock nang mapabalitang hiwalay na raw sina Angelica Panganiban and John Lloyd Cruz. Just recently ay nasulat ni Tito Ricky Lo na hiwalay na ang showbiz couple pero wala namang sinabing dahilan. Mukhang nagkakalabuan na nga sila dahil lately, napapansin naming hindi na masyadong active itong si Angelica sa kanyang …

Read More »

Toni at Alex, ‘di pinansin sa boutique ni Vera Wang

  UNCUT – Alex Brosas PAGHANGA at lait ang inabot nina Toni Gonzaga at Paul Soriano sa pre-wedding pictorial nila sa isang magazine na lumabas sa internet. Hangang-hanga ang marami sa social media dahil bongga ang mga outfit ng couple, talagang magaganda at mamahalin. Beautifully executed ang mga shot at talagang professional ang kumuha. Sadly, marami ang nakapansin na parang …

Read More »

Juday, positibo, buntis sa ikalawang pagkakataon!

  POST ni Judy Ann Santos-Agoncillo sa kanyang @officialjuday Instagram account kahapon, “June 10, 2015, 10:24AM—— POSITIVE” Masayang inanunsiyo rin ito ng asawa ng aktres na si Ryan Agoncillo sa programang Eat Bulaga habang hawak ang litratong kuha sa ultrasound test. Natupad na ang pangarap ng mag-asawang Juday at Ryan na muli silang bigyan ng isa pang anak bago man …

Read More »

Kris, tatakbo na ng US pagkatapos ng term ni PNoy

  USAPAN ngayon sa social media at pahayagan ang sinabi ni Kris Aquino sa Kris TV na maninirahan silang mag-iina sa Amerika para raw maranasan ng mga anak niya ang pamumuhay doon. Nagkaroon pa nga ng pustahan kung itutuloy o hindi ng TV host/actress ang plano niyang mawala sa showbiz ng isang taon. Nabanggit ni Kris sa kaibigang Karla Estrada …

Read More »