Thursday , June 25 2026

Toni at Alex, ‘di pinansin sa boutique ni Vera Wang

 

UNCUT – Alex Brosas

022815 Vera Wang Alex Toni Gonzaga

PAGHANGA at lait ang inabot nina Toni Gonzaga at Paul Soriano sa pre-wedding pictorial nila sa isang magazine na lumabas sa internet.

Hangang-hanga ang marami sa social media dahil bongga ang mga outfit ng couple, talagang magaganda at mamahalin. Beautifully executed ang mga shot at talagang professional ang kumuha.

Sadly, marami ang nakapansin na parang wala sa sarili si Paul sa kanilang pictorial. Parang wala siya sa focus at parang he did it just for the heck of doing it. Parang wala siyang concentration sa kanilang photo shoot, wala silang konek ni Toni sa maraming shots.

Napanood namin ang interview ni Toni tungkol sa kanyang Vera Wang wedding gown. Bata pa pala siya ay idol na niya si Vera who dressed up Hollywood idols during their weddings.

Nakakaloka ang chika ni Toni na nang magpunta sila sa Hong Kong ng kanyang kapatid na si Alex Gonzaga ay hindi sila gaanong pinansin ng story clerk sa boutique ni Vera. Kasi naman, they were simply dressed up, walang make-up, naka-T-shirt lang at jeans. Pinagbawalan nga si Alex na kumuha ng picture ng store clerk.

Nagbago na lang ang pakikitungo sa kanila nang sabihin ni Toni na bibilhin niya ang isang gown.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Sheena Halili Baby Family

Sheena excited sa ikatlong baby

MATABILni John Fontanilla MASAYANG-MASAYA ang Starstruck alumni na si Sheena Halili sa paglaki ng pamilya nila ni Jeron Manzanero, ang guwapo …

BJ Forbes Kara David

BJ Forbes na-depress, nawalan ng bahay

MA at PAni Rommel Placente SA interview sa kanya ni Kara David, naikuwento ng dating child …

David Licauco Barbie Forteza Kathryn Bernardo

David game muling makipagtrabaho kay Barbie

ni Allan Sancon SA kabila ng patuloy na panawagan ng mga tagahanga para sa muling …

Jose Manalo

Jose kayang-kayang magsolo, klick din sa foreigner

I-FLEXni Jun Nardo KINAYA ng komedyanteng si Jose Manalo na aliwin ang crowd na dumagsa sa Turning …

Ian de Leon Lotlot de Leon

Bangayan nina Lotlot at Ian tumitindi

I-FLEXni Jun Nardo SINASABI pa lang ang role ni Lotlot de Leon sa story conference ng gagawing …