PATAY ang isang policewoman makaraan salpukin ang minamaneho niyang motorsiklo ng isang pampasaherong bus kamakalawa ng gabi sa Caloocan City . Hindi na umabot nang buhay sa Caloocan City Medical Center ang biktimang si PO1 Annabel Teel, 33, nakatalaga sa follow-up unit ng Malabon City Police. Habang nakapiit na sa detention cell ng Caloocan City Police ang driver ng bus …
Read More »Search Results for: -bit.ly/Gemini-serodnya
‘I-boycott mga China products’ —dating Congressman Golez
ANANAWAGAN si dating Parañaque representative Roilo Golez sa sambayanang Filipino na i-boycott ang mga produktong gawang Tsina bilang tugon sa pambu-‘bully’ ng Tsina sa Filipinas kaugnay ng pinag-aagawang Spratly’s islands at iba pang mga territorial claim sa West Philippine Sea. Sa Tapatan sa Aristocrat media forum, binigyang-diin ng dating kongresista ang halaga ng pagtugon sa problemang kinahaharap ng bansa ukol …
Read More »Mayorya ng Kentex fire victims nakipag-areglo na
PUMAYAG nang maki-pag-areglo sa mga may-ari ng nasunog na pabrika sa Valenzuela City ang mayorya ng mga pamilya ng mga namatay sa insidente. Ayon kay Atty. Renato Paraiso, legal counsel ng Kentex Manufacturing Corporation, 57 pamilya na ang pumayag sa amicable settlement. Inaasahang aabot pa sa 60 ang mapapapayag nila ngayong linggo. Higit P150,000 ang iniaabot nilang tulong pinansyal kabilang …
Read More »Prestihiyosong gawad ng ulirang guro sa Filipino, bukas na
Muling tumatanggap ng nominasyon ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) para sa prestihiyong Gawad Ulirang Guro sa Filipino sa taong 2015. Nasa ikalawang taon na ang gawad na kumikilala sa ambag ng mga guro sa Filipino o gumagamit ng Filipino sa pagtuturo sa kani-kanilang larang o disiplina at iba pang gawain. Naniniwala ang KWF na mahalaga ang tungkulin ng mga …
Read More »Agri-tourism best practices pag-aaralan ni Villar sa Taiwan
PATUNGONG Taiwan si Sen. Cynthia Villar para kumuha ng kaalaman kaugnay ng kanyang panukalang batas na nagsusulong sa farm tourism sa bansa. Naatasan si Villar, chair ng Senate Committee on Agriculture and Food, na pangunahan ang study tour sa pinakamagagaling na agri-tourism sites sa Taiwan simula Hunyo 21 hanggang Hunyo 25. “Agriculture-tourism can be considered as the ‘sunshine industry’ in the agriculture sector. We believe in its potential …
Read More »Pilit ginigiba si Dellosa
MAY ilang opisyal sa Malacañang na tila baga pilit ginigiba si Customs Deputy Commissioner Jessie Dellosa ng Intelligence Group na sa tingin nang marami sa Customs ay may kinalaman sa kanyang pinaiigting na kampanya laban sa pesteng smuggling. Sa ating analysis, may kinalaman lahat ito sa 20l6 presidential elections na nakataya ang credibility at tila gustong buhusan ng pera ni …
Read More »DPWH modelong kagawaran — PNoy
MULA sa pagiging pinakatiwaling ahensiya ng pamahalaan ay naging modelong kagawaran na ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa panahon ng administrasyong Aquino. Ito ang papuri ni Pangulong Benigno Aquino III sa DPWH sa ika-117 anibersaryo ng kagawaran kahapon. “Kung may ahensiya sa gobyerno na dapat tularan sa pagpapaginhawa sa kalagayan ng taumbayan, DPWH iyan. Ang dating poster …
Read More »Dentista: 70,000 mag-aaral — Recto (DoH, DepEd, DILG sanib-pwersa)
BINABALANGKAS na ang memorandum of agreement ng Department of Health (DOH), Department of Education (DepEd) at Department of Interior and Local Government (DILG) para sa ipatutupad na dental program simula sa susunod na taon. Ito ang pahayag ng Palasyo makaraan isiwalat ni Sen. Ralph Recto na siyam sa sampung Filipino ang may bulok na ngipin dahil hindi naglalaan ang administrasyong …
Read More »10-anyos nalunod, 2 kapatid 1 pa ligtas sa tumaob na bangka
ZAMBOANGA CITY – Patay ang isang 10-anyos batang babae habang nakaligtas ang dalawa niyang kapatid at isa pang kalaro nang tumaob ang sinasakyan nilang rubber boat sa karagatang sakop ng Dipolog City kamakalawa. Batay sa ulat mula sa Dipolog City police station, pumunta sa dalampasigan para maligo ang magkakapatid na sina Angelica Guaduario Ubando, 10; Andrea Guaduario Ubando, 9; Angela …
Read More »Unit buyers ng Torre de Manila ‘di makakukuha ng full refund (Ayon sa HLURB)
WALANG full refund na makukuha ang unit buyers ng Torre De Manila na nais nang umatras. Matatandaan, ipinatigil ng Korte Suprema ang pagpapatayo ng kinilalang “Pambansang Photobomber” ng Rizal Monument. Ayon sa Housing and Land Use Regulatory Board (HLURB), 50% na lang nang naibayad nila ang mababawi ng mga may-ari ng unit dahil nakabinbin pa ang usapin sa Korte. Hindi …
Read More »Ambulansiya puno ng bala’t baril nasabat sa Bulacan
NASABAT ng pulisya na nagmamando sa checkpoint, ang isang ambulansiya na may kargang iba’t ibang uri bala at malalakas na kalibre ng baril sa Dona Remedios Trinidad, Bulacan kamakalawa. Sa ulat mula kay Senior Supt. Ferdinand Divina, Bulacan police director, ang pagkakasabat sa ambulansiya ay bahagi ng ipinatutupad nilang ‘Oplan Lambat-Sibat’ at ito ay naganap sa M. Valte Highway, Brgy. …
Read More »Kris at Vice, nanguna sa Editors’ Choice category ng The PEP List Year 2
ni M.V. Nicasio . TENSIYONADA ang Editor-in-Chief na si Ms. Joan Maglipon noong Huwebes ng gabi habang kausap namin para sa Pep List Year 2 Awards Night na ginanap sa Grand Ballroom ng Solaire Resort & Casino. Paano’y umulan ng malakas ng hapong iyon kaya naman naapektuhan ang mga artista at special guests na nagtungo sa awards night. Gayunman, …
Read More »Regine, tanders na raw kaya okey lang kung ‘di na masundan si Nate
ni Alex Datu . AMINADO si Regine Velasquez na hindi na siya umaasang magkaka-anak muli dahil sa may edad na naman siya. Aniya, matanda na siya at mahirap na para sa kanya na sundan pa ang kanilang anak ni Ogie Alcasid na si Nate. Kahit may mga bagong pamamaraan ngayon para magbuntis ay hindi iyon ie-entertain ni Regine dahil …
Read More »Erik at Angeline, itutuloy ang romansa sa Big Dome
HARDTALK – Pilar Mateo . THIS will be their moment! Ang pagkakaunawaan ng mga puso ng dalawang maipagmamalaki at hahangaang singers ng bansa, kasunod ang pag-aabang ng kanilang mga tagahanga sa pagsasama nila sa isang entablado para ang love songs ng mga puso nila eh, maialay sa mga ito. Kaya naman hindi kataka-taka na marami na ang nakaabang sa …
Read More »Kim, nag-iipon para sa pagpapa-opera
HARDTALK – Pilar Mateo . TICKING of his moments! Umarangkada na ang Happy Truck ng Bayan! ng TV5! Tuwing Linggo itong napapanood , 11 a.m.. Dahil dito, tuwang-tuwa na ang komedyanteng si Kim Idol. Na nag-akalang katapusan na ng mundo para sa kanya when he was diagnosed na mayroong AVM (Arteriovenous Malformation). Ayon kay Kim, ”Congenital po siya. Baby pa …
Read More »Toni, si direk Paul na ang priority
MA at PA – Rommel Placente . KUNG noong dalaga pa si Toni Gonzaga ay ang pamilya niya ang top-priority, ngayon ay hindi na. Ayon sa singer/TV host/actress, si Direk Paul Soriano na raw ang magiging prioridad niya sa buhay. Aba, dapat lang naman. Tapos na ‘yung mga panahong talagang nag-trabaho nang husto si Toni para mabigyan lang ng …
Read More »Cryptic message ni Angelica sa IG, nakaiintriga
UNCUT – Alex Brosas . VERY intriguing ang cryptic message na ipinost ni Angelica Panganiban sa kanyang Instagram account recently. “If you got somebody who will ride through thick & thin and hold it down for you, don’t ever play them. You’ll end playing yourself.” Iyan ang palaisipang mensahe ng dyowa ni John Lloyd Cruz. Natsitsismis na hiwalay na sila …
Read More »Vice Ganda, napa-iyak kay Tatay Benjamin
UNCUT – Alex Brosas . NAPAIYAK si Vice Ganda kamakailan sa It’s Showtime and it is because of Tatay Benjamin na nanghingi ng advice sa kanya sa AdVice Ganda segment. Nangungulila kasi si Tatay Benjamin dahil nasa Dubai, Canada, at Hong Kong ang kanyang mga anak. “Nalulungkot po ako at nangungulila dahil ‘yung mga anak kong tatlo, wala na …
Read More »Juday, mas hirap ngayon kaysa noong ipinagbubuntis si Lucho
AMINADO ang aktres na si Judy Ann Santos-Agoncillo na mas hirap siya sa pagbubuntis ngayon sa ikalawang anak nila ni Ryan Agoncillo kompara noong ipinagbubuntis si Lucho. “I am on my 10th week of pregnancy. Pero mukha siyang five months!” unang nasambit ni Juday pagdating nito sa book launching ng kanyang Judy Ann’s Kitchen na ginanap sa Swatch +Swatch Center, …
Read More »Gabby, laging napapaiyak kapag naaalala ang amang si Mark Gil
ISANG cool dad si Mark Gil! Ito ang description ni Gabby Eigenmann sa kanyang namayapang ama. Bale, unang pagkakataon na nag-Father’s Day ang pamilyang Eigenmann na wala si Mark. Kaya aminado si Gabby na mas nami-miss niya ang ama kapag may mga ganitong okasyon. “Every day, I miss him. May moments na everytime I turn on the radio, and there’s …
Read More »Love team nina Coco Martin at Julia Montes bubuwagin muna
VONGGANG CHIKKA – Peter Ledesma . AFTER ng very successful nilang series sa Wansapanataym Special na “Yamishita’s Treasures” ay pansamantalang bubuwagin muna ng ABS-CBN ang love team nina Coco Martin at Julia Montes na napanood noon sa ilang top-rater teleserye ng Dreamscape Entertainment. Kaya sa bagong teleserye ni Coco na TV adaptation ng blockbuster movie noon ni late Fernando …
Read More »4.3-M voters walang biometrics – Comelec
NAGPASAKLOLO na ang Commission on Elections (Comelec) sa taong bayan upang mapaangat ang bilang ng mga sumailalim sa biometrics para makaboto sa darating na 2016 presidential elections. Ayon sa Comelec, umaabot pa ng 4.3 million registered voters ang hindi pa naisailalim sa biometrics. Binigyang-diin ni Comelec Chairman Andres Bautista, nanganganib na ma-disenfranchise ang botante kung hindi sumalang sa biometrics o …
Read More »Ombudsman di natutulog laban sa mga mandarahas ng Press Freedom
NALULUNGKOT tayo na kailangan pang humantong sa pagsasampa ng inyong lingkod ng reklamo sa Ombudsman laban sa mga pulis na umaresto sa inyong lingkod noong Abril 5, Easter Sunday, sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 3, sa harap mismo ng aking mga anak. Inaresto po ang inyong lingkod noon dahil sa kasong LIBEL ma isinampa laban sa akin at …
Read More »E-Court ng Supreme Court inilarga na sa Quezon City RTC
NITONG Hunyo 16, Martes, isang kaso pa ng Libel ang na-dismiss laban sa aming managing editor na si Gloria Galuno at circulation manager Edwin Alcala, na isinampa ng negosyanteng si Reghis M. Romero II. Halos anim na taon din ang itinagal ng nasa-bing kaso hanggang makipagkasundo ang panig ni Mr. Romero na sila ay maghain ng Affidavit of Desistance. Kapwa …
Read More »Problema nina Sec. Roxas at VP Binay
KAPWA may problema ngayon sa kanilang pagtakbong presidente sa 2016 sina DILG Secretary Mar Roxas at Vice President Jojo Binay. Problema ni Roxas ang kanyang imahe kung paano idikit sa masa. Kasi nga mula siya sa angkan ng mayayaman. Iniisip ng mga maralita na wala siyang damdamin sa mahihirap, hindi alam ang nararamdaman at pangangailangan ng mga taong isang kahig-isang …
Read More »
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com