Tuesday , December 16 2025

Search Results for: -bit.ly/Gemini-serodnya

P2K cash gift sa graduates ng PLM at UdM  

Honey Lacuna

NILAGDAAN ni Manila Mayor maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan ang isang bagong ordinansa na naglalayong magkaloob ng cash gift na P2,000 sa bawat magtatapos sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) at Universidad de Manila (UdM). Ang bagong cash incentives ang nilalaman ng   Ordinance Number 9068, na ipinanukala sa Manila City Council ni Councilor Pamela Fugoso-Pascual at Majority Floor Leader councilor …

Read More »

2 vloggers, 17 pa, arestado sa ‘vishing’ hub sa Cavite

arrest, posas, fingerprints

DALAWANG vloggers, at 17 iba pa ang naaresto ng mga ahente ng Anti-Cybercrime Group of the Philippine National Police (PNP-ACG) nang salakayin ang hinihinalang Voice Phishing (Vishing) den sa Imus, Cavite.                Ayon kay PNP-ACG director Brig. Gen. Ronnie Francis Cariaga, isinagawa ang operasyon base sa kompirmadong intelligence report ng online scamming activities sa ibang vishing and scamming hub sa …

Read More »

Sa Pagamutan ng Dasmariñas, Cavite
BABAENG PASYENTE PINAGBABARIL SA EMERGENCY ROOM

083024 Hataw Frontpage

CAMP VICENTE LIM, Laguna — Isang babaeng pasyente ang pinagbabaril hanggang mamatay ng tatlong armadong lalaki habang nasa emergency room ng isang pampublikong ospital sa Dasmariñas City, Cavite, kahapon ng madaling araw, Miyerkoles, 28 Agosto 2024. Kinilala ang biktimang namatay na si Chatty Timbang, nasa emergency room ng Pagamutan ng Dasmariñas, nang biglang pumasok ang isa sa tatlong armadong lalaki …

Read More »

Senate energy panel chair segurado
DRILLING NG MALAMPAYA NEW WELLS ASAHANG MAGIGING MATAGUMPAY

083024 Hataw Frontpage

TINIYAK ni Senate committee on energy chairman Sen. Pia Cayetano na magiging matagumpay sa susunod na taon ang drilling ng mga bagong gas wells na magpapatagal sa buhay ng Malampaya gas project sa lalawigan ng Palawan. Sa isinagawang interpelasyon sa Senate Bill No. 2793 o ang panukalang Philippine Natural Gas Industry Act na si Cayetano ang sponsor, sinabi niyang mataas …

Read More »

Hindi po ako taon-taon buntis — AJ Raval

AJ Raval Aljur Abrenica

MA at PAni Rommel Placente SA panayam kay AJ Raval ni Julius Babao para sa YouTube channel nito na Unplugged, idinenay niya na may anak na sila ni Aljur Abrenica. Kamakailan kasi ay may naglabasang mga litrato ng magkarelasyon na may kasamang bata na kuha mula sa isang event na pinuntahan nila. Ang paniwala ng ilang netizens, baka raw iyon ang anak nina AJ at Aljur …

Read More »

Stell patuloy na kinukuwestiyon sekswalidad — may issue ba tayo kung for example na maging bakla ako?

Stell Ajero SB19

MA at PAni Rommel Placente HINDI mamatay-matay ang isyu tungkol sa sekswalidad ni Stell Alejo, member ng SB19. Sa panayam ng Fast Talk with Boy Abunda, napag-usapan nga ang isyung ito at matapang itong sinagot ni Stell. Ayon sa binata, wala siyang nakikitang problema kung sakali mang bakla siya. Hindi raw ito isang uri ng insulto para sa kanya na palagi ngang ibinabato …

Read More »

Carlos Yulo inalok ni Coco lumabas sa Batang Quiapo

Carlos Yulo Coco Martin

I-FLEXni Jun Nardo KAGATIN kaya ni Carlos Yulo ang alok ni Coco Martin na lumabas sa Batang Quiapo? Nang pumasy si Caloy sa ABS-CBN building, isa si Coco sa nakaharap niya bukod sa executives ng network. Inalok siya ni Coco na lumabas sa series niya. Ang walang kaalaman sa pag-arte ang sagot ni Yulo. Pero sinabihan daw siya ni Coco na siya ang bahala. Magsabi lang kapag …

Read More »

Jeric pinabulaanan pagli-live-in nina AJ at Aljur

Aljur Abrenica AJ Raval Jeric Raval

I-FLEXni Jun Nardo TINATAMAD na raw mag-showbiz ang sexy star na si AJ Raval ayon sa ama niyang si Jeric Raval. Sinabi ito ni Jeric sa special screening ng pelikulang pinagbibidahan, ang Marco Mamay Story. Pinabulaanan din ng action star na nagli-live in ang anak at ang boyfriend na si Aljur Abrenica. Kaya naman natsismis ang dalawa nang maispatan na may kasamang bata habang namamasyal. …

Read More »

Male starlet kung kani-kanino na kumakabit

Blind Item, Matinee Idol, Mystery Man

ni Ed de Leon KAHIT pala sa isang kilalang gay website ay pinag-uusapoan ang pagiging ‘rent boy” at “gay for pay” ng isang male starlet. Kaya naman pala hindi siya maka-angal kahit  na ikinakalat ng isang showbiz gay ang kanilang naging relasyon.  In the first place may “resibo nga raw“ ang showbiz gay, katunayan na siya nga ay naging boytoy niyon. Sinasabing ang showbiz …

Read More »

Kobe mas okey maging karelasyon ni Kyline

Kobe Paras Kyline Alcantara

HATAWANni Ed de Leon MAUGONG na maugong ngayon ang mga tungkol kina Kyline Alcantara at Kobre Paras. Kumalat kasi ang video ng dalawa habang nagka-karaoke. Nakakandong si Kyline kay Kobe, at hinalikan pa siya sa braso ng star cager. `            Noon pa naman ang usapan tungkol sa dalawa na madalas na ngang nakikitang magkasama sa kung saan-saan bagama’t noong una ay ayaw pa nilang …

Read More »

Gerald walang sinabing Kuya Germs sa inirereklamo

Gerald santos

HATAWANni Ed de Leon FAKE news iyon, walang binanggit ang singer na si Gerald Santos tungkol kay Kuya Germs na iginigiit ng isang vlogger. Nabanggit lang ang pangalan ni Kuya Germs dahil ang inireklamo niyang musical director at composer na si Danny Tan ay may ginawang kantang tribute sa batikang host. Sa hinaba-haba ng panahon na si Kuya Germs ay nasa showbusiness, walang nagreklamo laban sa …

Read More »

3 libro ni Ate Vi inaayos na ng kilalang book publisher

Vilma Santos

HATAWANni Ed de Leon NAGSISIMULA na ngang gumulong ang isa pang proyekto tungkol kay Vilma Santos. Isang kinikilalang book publisher ang nakatakdang maglabas ngayon hindi lamang ng isa kundi tatlong libro tungkol sa Star for All Seasons. Hindi iyon mga mumurahing paper back na kagaya ng inilabas nila noong araw sa ibang artista, kundi mga tunay na libro, hard cover at …

Read More »

Naiwan ng nagdaang administrasyon
P17.8-B utang dalawang dekadang bubunuin ng Maynila – Lacuna  

Honey Lacuna

IBINUNYAG ni Manila Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan kasama ni Vice Mayor Yul Servo ang kasalukuyang kinakaharap ng kanyang liderato ang isyung utang ng Manila government na naiwan ng dating administrasyon. Ang pagdetalye ni Lacuna ay kanyang ipinahayag sa buwanang Balitaan ng Manila City Hall Reporter’s Association (MACHRA) na ginanap sa Harbor View. Nabatid na aabutin pa hanggang taong 2044 …

Read More »

SM Prime and BFP seek Ten Outstanding Firefighters of the Philippines 2024

SM BFP FEAT

In a groundbreaking initiative, SM Prime Holdings Inc. (SM Prime) and the Bureau of Fire Protection (BFP) are searching for the Ten Outstanding Firefighters of the Philippines 2024 to recognize the exceptional bravery and dedication of our firefighters. BFP leaders and local officials can nominate officers for awards until August 31. For the first time, a private company like SM …

Read More »

Garments factory worker na nakararanas ng paninigas ng daliri at pangangalay ng mga kamay pinaginhawa ng Krystall products

Krystall herbal products

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Isang magandang araw po sa inyong lahat.          Ako po si Nena Paragas, 53 years old, kasalukuyang naninirahan sa Valenzuela City, at nagtatrabaho sa isang garments factory.          Nais ko pong i-share ang experience ko na paninigas ng aking mga daliri at nagiging dahilan kung bakit bumabagal …

Read More »

74-anyos lolo, nawalan na ng wallet at cellphone, ikinulong pa

YANIGni Bong Ramos KAHABAG-HABAG ang sinapit ng isang 74-anyos Lolo na matapos mawala ang wallet at cellphone sa isang fastfood chain ay ikinulong pa sa Antipolo police station. Ang Lolo na isang banyagang Amerikano ay kinilalang si John Clifton ng Palmera Subdivision, Antipolo city na hanggang sa kasalukuyan ay naka-kulong pa rin sa nasabing estasyon. Siya ay napag-alaman din na …

Read More »

Sino ba ang dapat managot?

AKSYON AGADni Almar Danguilan NANG ibunyag ni Senator Risa Hontiveros na nakalabas na sa bansa si dismissed Bamban Mayor Alice Guo, nagulantang ang pamahalaan partikular ang Bureau of Immigration (BI). Nandoon iyong mga katanungan na paano nakalabas sa bansa si Guo? Sino ang mga tumulong sa kanya? Paano nakalusot sa mga paliparan kung walang kasabwat? Nariyan din ang mga pagdududa …

Read More »

Sec Ralph kinompirma pagtakbo nina Luis at Christian, Ate Vi 75% sure

Ralph Recto Luis Manzano Vilma Santos Ryan Christian

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HERE’S praying na by the time this comes out ay magaling na magaling na ang ating Queenstar for all Seasons na si Ms Vilma Santos. After nga kasing magkasakit ito matapos ‘yung blessing and inauguration ng Archive 1984, nabinat ito dahil agad na nag-exercise. Kaya raw during the event sa Batangas na naroon ang kanyang immediate family sa pangunguna …

Read More »

Kandong scene ni Kyline umani ng negatibong komento

Kyline Alcantara Kobe Paras

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MAINIT pa ring pinag-uusapan ang ‘kandong’ video ni Kyline Alcantara kay Kobe Paras habang kumakanta ang huli, with matching halik sa balikat. Nakasuot ng mala-tube na blouse si Kyline habang nagmistula itong ‘malaking doll’ na kandong kandong ng mala-higanteng basketeer. “Ganyan ba ang friends lang? Iyan ba ang walang label?,” ang pag-bash ng netizen sa dalawa. May mga kinilig naman at nagsabing …

Read More »

JD Aguas G sa mga eksenang mapangahas

JD Aguas Angela Morena Angelica Hart Albie Casino

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PROUD si JD Aguas sa pagsasabing dahil lumaki siya sa teatro, wala siyang inhibitions sa mga eksenang mapangahas kahit mag-frontal nudity pa. Ani JD sa presson ng Butas sa Viva Boardroom kamakailan, “For as long as kailangan po sa istorya, maayos ang pag-uusap sa direktor, walang isyu sa akin.” Naniniwala rin si JD na kailangan ng consent ng both parties …

Read More »

Ron Angeles maraming aral na nakuha sa A Journey To Greatness…. The Marcos Mamay Story

Ron Angeles Teejay Marquez

MATABILni John Fontanilla MASAYA ang promising actor na si Ron Angeles na mapasama sa advocacy film na  A Journey To Greatness… The Marcos Mamay Story na idinirehe ni Neal Buboy Tan under Mamay Production. Ayon kay Ron, “Ang biggest lesson for me tito, is ‘yung ‘pag may tiyaga kang tao at determinado ka walang imposible sa mga bagay na gusto mong maabot sa buhay, gaano man kahirap, …

Read More »

Gerald Santos apat na beses muntik magpakamatay

Gerald Santos Ferdinand Topacio

MATABILni John Fontanilla NANUMBALIK muli kay Gerald Santos ang hindi magandang nangyari sa kanyang kabataan sa kamay ng isang sikat na musical director sa paglantad ni Sandro Muhlach sa ginawang panghahalay umano ng dalawang Kapuso independent contractor. At noong mga panahong iyon ay apat na beses na nagtangkang magpakamatay si Gerald. Sa Senate hearing ay inihayag ni Gerald ang buong pangyayari at sinabi ang …

Read More »

Showing ng KimPau movie ‘di na tuloy sa Oktubre

Kim Chiu Paulo Avelino My Love For You Will Make You Disappear

MA at PAni Rommel Placente NAIBALITA namin sa online show naming Marisol Academy Tonite nina Mildred Bacud, Roldan Castro, at Rodel Fernando na sa October na ang showing ng launching movie nina Paulo Avelino at Kim Chiu mula sa Star Cinema na My Love Will Make You Disappear.  Pero hindi na pala ito matutuloy. Nag-chat kasi kami kay Edith Farinas, ang handler ni Kim sa Star Magic. Tinanong namin siya kung tuloy na tuloy …

Read More »