Thursday , December 26 2024

Opinion

BBL siguraduhing naaayon sa Konstitusyon

congress kamara

UNTI-UNTI nang nagkakaroon ng linaw ang Bangsamoro  Basic Law, ngayon na pinaplantsa na ito sa Bicameral  Conference. Ibig sabihin sa sandaling maipasa ito ng Bicam, iraratipika na ito ng dalawang kapulungan ng Kongreso, at puwedeng-puwede nang pirmahan ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte bilang ganap na batas. Ang BBL ay pinaniniwalaang siyang tutuldok sa mga gulo o magbibigay ng kapayapaan sa …

Read More »

Ba’t walang huling adik/tulak sa mga eskuwelahan?

BAD news ba kung ang balita ay walang nahu­huling adik o tulak na nambibiktima ng mga batang mag-aaral sa labas at kapaligiran ng mga esku­we­lahan? At ang senyales ba ng walang nahuhuli ay  masasabi bang hindi nagtatrabaho ang pulisya natin? Kasagutan sa dalawang katanungan ay hindi bad news kung walang nahuli at lalong hindi rin senyales ito na hindi nagtatrabaho ang …

Read More »

Corrupt BIR officials nadale ng NBI

AKALA natin Customs ang corrupt pero sa Bureau of Internal  revenue (BIR) pala mas marami ang corrupt diyan. Magaling si NBI Director Atty. Dante Gierran dahil ipina-entrap niya agad ang mga official ng BIR na nangongotong sa isang negosyante. Inutusan kaagad niya ang NBI special task force para hulihin ang mga corrupt na BIR official. Sa totoo lang, milyon ang kitaan …

Read More »

Graft charges kay Gov. Imee sa tobacco taxes, long overdue na?

Bulabugin ni Jerry Yap

MUKHANG mababalam ang karera ng lodi nating ex-Kabataang Barangay national chairman, Ilocos Norte Governor Imee Marcos patungo sa Senado dahil sa hindi tamang paggamit ng tobacco tax shares ng kanilang lalawigan. Atrasado mang masasabi, inirekomenda na ng Kamara ang pagsasampa ng kaso laban sa gobernadora at sa Ilocos Norte provincial officials na lumabag sa Republic Act No. 7171. Isinasaad umano …

Read More »

DPWH malaki pondo kulelat sa trabaho

Bulabugin ni Jerry Yap

NAIMBIYERNA na si Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte sa Department of Public Works and Highways (DPWH) sa sandamakmak na delayed projects sa ilalim ng programang Build, Build, Build. Ang delayed projects ay kinabibilangan ng 622 flood control infrastructure; 879 school buildings; 100 farm-to-market roads at 733 iba pang proyeltong impraestruktura gaya ng kalsada, highways at mga tulay. Ang tila ikinaimbiyerna ng …

Read More »

Pisong dagdag-pasahe hudyat na ng kalbaryo

Pingkian LOGO Ruben Manahan III copy

SIMULA noong Biyernes, pinayagan na ng LTFRB ang mga tsuper ng jeep na maningil ng dagdag-piso, mula P8 tungo sa P9, para sa pasahe sa Metro Manila, Central Luzon at CALABARZON. Dangan nga raw kasi, hindi na mapigil ang pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo tulad ng langis at diesel pati na rin ng spare parts ng mga sasakyan. …

Read More »

May ‘paglalagyan’ si Digong

Sipat Mat Vicencio

HINDI na biro ang sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin sa merka­do. Samahan pa ng nakaambang pagtaas sa singil ng koryente at tubig, kaakibat ang mabigat na gastusin sa pag-aaral ng kanilang mga anak, sino ang hindi mabubur­yong na magulang? Kung nakalusot man si Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte sa mga problemang kanyang kinaharap sa dalawang taon niyang panananatili …

Read More »

Hayaang husgahan ng tadhana si Pres. Digong sa pamumusong

NAALALA ko noong aking kamusmusan ang dating popular na ko­mentarista sa radyo na si Ka Damian Sotto sa klase ng mga pa­mimi­losopo ni Pa­ngu­long Rodrigo Duterte. Malaki ang pagka­kahawig ng paniwala mayroon si Pres. Di­gong kay Ka Damian noon at kapwa sila nagtataglay ng mala­king pagdududa na may Diyos. Malimit maging paksa ni Ka Damian noon sa kanyang programang “Manindigan Ka” …

Read More »

Buking si hepe ng Parañaque

Isumbong mo kay DRAGON LADY ni Amor Virata

PETSA 3 Hulyo 2018 nang ireklamo ng Solaire Resort Casino sa pulisya ng Parañaque City ang isang Taguig City Councilor sa katauhan ni Councilor Richard Paul Jordan, dahil sa kasong pagnanakaw ng ilang gamit sa loob ng isang kuwarto na inokupa nito at nang magresponde ang mga pulis, nakuhaan ang konsehal ng 31 tabletas ng Ecstasy. Petsa 7 Hulyo, tinawagan ng …

Read More »

Walang silbi si Alvarez

Sipat Mat Vicencio

MAITUTURING na wala nang silbi si House Speaker Pantaleon Alvarez bilang lider ng Maba­bang Kapulungan ng Kongreso at secretary general ng PDP-Laban matapos bigyang akreditasyon ng Comelec ang grupong Hugpong ng Pagbabago o HNP bilang isang political party. Malinaw na tinutuldukan na ang anomang posisyon o tungkuling politikal ni Alvarez sa pagpasok ng HNP na binuo ng grupo nina Davao …

Read More »

Confraternitas Justitiae, A Primer

THE founding of Confraternitas Justitiae was a response to the clamor of Adamson Law School students for a fraternal organization that would address the legal, cultural, political and social issues within the Adamson Law school campus in particular and Philippine society in general. On July 5, 1993 at the front lawn of the historic National Press Club of the Philippines …

Read More »

‘Drug war’ sinisi sa overcrowding ng police jails

Bulabugin ni Jerry Yap

PITONG beses na mas malaki ang bilang na 146,302 preso sa ideal na kapasidad na 20,653 preso ng mga kulungan sa bawat presinto ng Philippine National Police (PNP). Ang mga tinukoy na nakakulong sa nasabing police jails ay hindi pa convicted. Marami sa kanila ay sinampahan ng kasong paglabag sa batas ukol sa ilegal na droga at hindi pinapayagang magpiyansa, …

Read More »

‘Pig na pig’ ang peg ng PCOO?!

Bulabugin ni Jerry Yap

NAKAPANLILIIT na ang Presidential Communications Operations Office (PCOO) ang napagsasabihan na ‘patay-gutom’ at team habhab. Ibig sabihin ng habhab sa Tagalog ay lamon. Ang lamon ay hindi magalang na pagtukoy sa salitang ‘kain.’ Ito ay pang-uuyam at panlalait na ang ibig sabihin ay ‘glutony’ o katakawan — isa sa mga itinuturing na seven deadly sins. Sinabi ito ng isang beteranong …

Read More »

Confraternitas Justitiae

BUKAS ang ika-25 taon na pagkatatag ng Confraternitas Justitiae, dating Knights of the Fraternal Order of Justice, isang progresibong Kapatiran ng mga mag-aaral ng batas sa Adamson University. Naalala ko pa kung sino-sino ang mga dumalo sa pulong nang gabing iyon sa harap ng National Press Club. Iyon ay sina Kapatid na Rolando Calara, Mario Cleto Claris, Romencio Lagrimas, Lyndon …

Read More »

Comelec registration na naman?! Voters’ ID nasaan na?

Bulabugin ni Jerry Yap

KAHAPON, opisyal na bukas na naman ang tinatawag ng Commission on Elections (Comelec) na continuing registration of voters. Bukas daw ito, mula kahapon, 2 Hulyo hanggang 29 Setyembre 2018, para sa May 13, 2019 national and local elections. Parang gusto nating bumilib sa walang humpay na pagganap sa tungkulin ng Comelec para sa pagpaparehistro ng mga botante. At isa sa …

Read More »

Sino sa “Cuneta sa Pasay” ang babangga sa mga Calixto?

Isumbong mo kay DRAGON LADY ni Amor Virata

UMUUGONG sa lungsod ng Pasay ang umanoý magtutungo sa tanggapan ng COMELEC ng lungsod ng Pasay ang magkapatid na Chet at Sharon Cuneta upang magpa-Biometrics dahil matunog ang balita na isa sa magkapatid na ito ay tatakbong Alkalde ng lungsod at makakalaban ni Congresswoman Emi Calixto-Rubiano na hahalili sa kanyang kapatid na si Meyor Tony Calixto, habang si Meyor naman …

Read More »

May hustisya sa pusa; Disbarment vs Topacio?

NAGING maamo ang hustisya sa isang nila­lang na walang-awang pinagpapalo sa ulo hanggang sa mapatay ng apat na kalalakihan noong nakaraang taon sa lungsod ng Pasay. Pitong buwan la­mang tumagal ang kaso mula nang mapatay nina John Vincent Tenoria, Avelino Vito Jr., Wesley C. Torres at Jomar Estrada ang biktima. Ibinaba ni Judge Joeven Dellosa ng Pasay City Metropolitan Trial …

Read More »

Bintang sa NAIA Customs personnel, personal na binusisi ni Comm. Isidro Lapeña

Bulabugin ni Jerry Yap

MATAPOS personal na ipaabot ni Tourism Secretary Berna Romulo–Puyat kay Customs Commissioner Isidro Lapeña ang reklamo umano ng isang Chinese national na siya ay kinikilan (extorted) ng ilang Customs personnel sa NAIA, ay agad itong inimbestigahan ng Customs chief. Ang imbestigasyon ay hindi iniutos ni Customs Commissioner Sid kundi personal niyang ginawa. Agad siyang nagtungo sa tinutukoy na lugar sa …

Read More »

PCOO naaning na naman?

Bulabugin ni Jerry Yap

MUNTIK na tayong mahulog sa ating kinauupuan nang mabasa natin ang balita sa pahayagan na hinihinala ‘raw’ ni Presidential Com­munications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar na mayroong nanabotahe sa kanilang tanggapan kaya pirming may lumalabas na nakahihiyang kapalpakan. Ugaling immature ang tirada ni Andanar. Kailan ba siya aahon sa estilong kapag napuna ang mga palpak sa kanyang departamento ay …

Read More »

Mapanira

TAYONG mga Filipino ay likas na may takot sa Diyos, magalang sa kapwa, lalo sa kababaihan dahil natural sa atin ang pagiging maka-nanay; masayahin, mapagtimpi’t matatag sa harap ng mga suliranin. Gayonman ay malinaw na dahan-dahang nagkakaroon ng kontradiksyon sa ating katauhan, katwira’t damdamin dahil ginigiba ang maga­gandang katangian ng ating lahi, ng iilan na mapa­nira nang mabuting asal at …

Read More »

Walang saysay makipag-usap sa Simbahang Katolika

Sipat Mat Vicencio

HINDI na dapat pinag-aaksayahan pa ng panahon ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte ang Simbahang Katolika. Sa halip kasing maki­pag-usap pa rito, mas mabuting pinagtutuunan na lamang ng pansin ni Digong ang ibang pro­blemang kinakaharap ng kanyang adminis­trasyon. Tama, walang saysay na makipag-usap sa Simbahang Katolika! Walang ginawa ang mga pari at obispo kundi ang batikusin ang kasalukuyang administrasyon at ipalaganap …

Read More »

Duty Free shops, ginawang shopping malls ni Wanda: P2.5-million pinababayaran

PINAGBABAYAD ang Department of Tourism (DOT) sa mamahaling branded apparels at luxury goods na kinuha ni noo’y Sec. Wanda Teo sa Duty Free Philippines Corporation (DFPC). Inutusan ng Com-mission on Audit (COA) ang DOT na bayaran ang 277 iba’t ibang items na kinuha ni Teo sa DFP na umano’y nagkaka-halaga ng P2.5-million. Sa 2017 audit report ng COA, ang pama­makyaw ni …

Read More »

Prime Water primo sa singil, adelantado sa putol pero kulelat at bulok sa serbisyo

Bulabugin ni Jerry Yap

READ: Bulok na serbisyo ng Prime Water sa CSJDM Bulacan iniaangal ng consumers HINDI nagbabago ang serbisyo ng Prime Water sa City of San Jose del Monte (CSJDM), Bulacan. Hanggang sa  mga subdibisyon na kinokopo nila ang serbisyo ng tubig at hindi pinapapasok ang operasyon at serbisyo ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) gaya sa lalawigan ng Cavite. Sa …

Read More »

Bulok na serbisyo ng Prime Water sa CSJDM Bulacan iniaangal ng consumers

Bulabugin ni Jerry Yap

DATI, ang serbisyo ng tubig sa City of San Jose del Monte (CSJDM), Bulacan ang pinakamainam at pinakamalinis sa buong Bulacan. Malakas, malinis at tama ang presyo bawat cubic meter (cm3). Bago lumawak ang serbisyo ng San Jose del Monte Water District, ang mga residente sa Poblacion, Gaya-gaya, Paradise, Robes, Muzon, Dulong Bayan, Sapang Palay Proper, Sapang Palay Resettlement Area, …

Read More »

Maynila

NITONG nagdaang araw ng Linggo ay ang ika-447 taon na pagkatatag ng Maynila. Ayon sa tala ng mga historyador na Kastila, ang Maynila ang ikalawa sa pinakamantandang ciudad sa Fiipinas, kasunod ang Cebu sa gitnang Visayas. Ang Maynila ay itinatag noong 24 Hunyo 1571 ng conquistador na si Miguel Lopez de Legazpi matapos gapiin ang Kaharian ng Maynila na pinamumunuan …

Read More »