Friday , April 19 2024
FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.
FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Palakpakan

SA pagkakataong ito ay hayaan ninyong purihin natin ang dapat purihin at ito ay walang iba kundi si President Duter­te, ang kanyang Gabi­nete at lahat ng mga nagtulung-tulong upang harapin ang kinatata­kutang super-lakas na bagyong Ompong.

Ang naturang bagyo ay may lakas na 205 kilometers at bugso na 255 kilometers per hour at malawak ang sinasakop. Kung titingnan sa mapa ay halos kasing laki ng buong Luzon ang parating na bagyo.

Maaga pa lang ay nagsagawa na ng mga preparasyon ang mga tauhan ng Pangulo. Noong Huwebes ay nakitang si Duterte ang nasa tuktok ng mga preparasyon dahil siya mismo ang namuno sa pagpupulong ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) at nagtatanong sa mga miyembro ng kanyang Gabinete kung ano ang aksyon na kanilang ginawa para paghandaan ang bagyo.

Noong Huwebes at Biyernes ay abala ang kanyang mga opisyal dahil libu-libo ang pinalikas sa kanilang mga tahanan sa northern tip ng Luzon kung saan inaasahang direktang tatama ang bagyo. Gayon din ang mga pagsisikap na ibinuhos ng mga taong-gobyerno sa paghahanda ng mga evacuation center para sa mga naninirahan sa mababang lugar na madalas makaranas ng matinding pagbaha.

Ang mga residente naman sa mga lalawigan ay naging abala sa pagtatakip ng kanilang mga bintana, pagse-secure ng kanilang mga bubong at pagtatali sa kanilang kabahayan sa mga poste at puno upang hindi matangay ng malakas na hangin. Maraming magsasaka ang maagang nagsagawa ng kanilang pag-ani bago pa ito masira sa pagragasa ng bagyo.

May average na 20 bagyong tumatama sa ating bansa bawat taon at si Ompong ang maituturing na pinakamalakas. Akalain ninyong isinailalim sa storm signal number 4 ang ilang lugar na tulad ng Cagayan, Ilocos Norte, Abra, northern Isabela, Babuyan Group of Islands at ibang mga lugar.

Maging ang Metro Manila na nasa ilalim ng storm signal number 1 ay hindi nakaligtas. Magdamag itong nakaranas ng pagbayo ng malakas na hangin at tuluy-tuloy na pagbuhos ng ulan mula Biyernes ng gabi hanggang Sabado sa pagpasok ni Ompong sa Philippine area of responsibility.

Pero bukod kina Duterte ay dapat din purihin ang mga kapatid natin sa hanapbuhay sa media dahil hindi sila nagkulang sa paghahatid ng kinakailangang impormasyon upang makapaghanda ang mga mamamayan at iparating ang mga kaganapan kaugnay ng pananalasa ng bagyo.

May mga nagsasabi na overkill o sobra-sobra ang preparasyon na ibinuhos nina Duterte sa pagdating ng bag­yo pero mas ma­bu­ti na ito kaysa magkulang sa pag­hahanda at magsisisi tayo sa huli dahll marami ang napinsala at nabiktima.

***

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-tweet sa @Side_View.

FIRING LINE
ni Robert Roque, Jr.

About Robert B. Roque, Jr.

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Sinong gustong dumaan sa EDSA Carousel?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa mga nagdududa sa ‘kasagradohan’ ng EDSA Carousel …

Sipat Mat Vicencio

Mayor Abby Binay pasok sa ‘Magic 12’ ng Pulse Asia, hahaha…

SIPATni Mat Vicencio SINO ba naman ang maniniwala sa ginawang survey ng Pulse Asia kamakailan …

Dragon Lady Amor Virata

Ikot-ikot na para sa 2025 local elections

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata IBA’T IBANG pakulo o propaganda na ang sinisimulan ng …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

QCPD nakapagtala ng 82.61% Crime Solution Efficiency sa nagdaang Semana Santa

AKSYON AGADni Almar Danguilan SADYANG hindi maiwasan na saluduhan ang Philippine National Police (PNP) sa …

YANIG ni Bong Ramos

Riders at tricycle drivers, ‘suki’ ng traffic enforcers

YANIGni Bong Ramos KAHABAG-HABAG ang kalagayan ng riders at tricycle drivers dahil sila ay suking …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *