KUNG ang public markets, malls, city hall o municipal hall at ibang establisimiyento ay libre ang alcohol, ang tinatapakan ng mga paa, at kung ano-anong disinfecting devices para maprotektahan ang lahat ng pumapasok bilang health protocol sa pag-iwas sa CoVid-19, negosyo naman ang ipinaiiral ng isang pribadong ospital na matatagpuan sa San Jose del Monte City, Bulacan. Bawat pasyente na …
Read More »May lechong manok ba sa Ping-Ping’s Native Lechon & restaurant?
ITINATANONG natin ito, kasi nagtataka tayo kung bakit ang mga pumapasok sa Ping-Ping’s kapag lumalabas ay manok na ang pinag-uusapan?! Bihira lang siguro ang hindi nakaaalam kung nasaan ang Ping-Ping’s Native Lechon & Resto. Pero sa mga hindi pa, nandoon lang po sa A. Bonifacio Ave., La Loma, Quezon City. Kung nadaraan kayo sa area na ‘yan, mapapansin ninyong parang …
Read More »PNP checkpoints nalusutan ng ‘unipormadong’ holdaper sa Maynila
KUNG kailan mayroong checkpoints at sa bawat kanto ay may nakatayong pulis, saka pa nagkalakas ng loob ang mga holdaper para umatake sa kanilang bibiktimahin. At ‘yun ang ipinagtataka natin. May holdapan sa F. Torres at Soler St., gayong ilang metro lang ang layo nito sa mga police community precinct (PCP) at estasyon ng pulisya pero suwabeng nakalusot ang holdaper. …
Read More »Bakbakan sa 2022 vice presidential race
SA HALIP pagtuunan ng pansin ang mga tatakbong politiko sa pagkapangulo, minabuti nating higit na pulsuhan ang mga posibleng tumakbong kandidato sa pagkabise-presidente sa darating na 2022 presidential election. Asahang sa darating na Enero, kanya-kanyang postura na ang mga tatakbo sa pagkabise-presidente at tiyak na mararamdaman natin ang kanilang presensiya sa media pati na ang gagawing paglilibot sa lugar ng …
Read More »PECO desperado? 2 ‘bogus’ ginamit laban sa bagong DU
NAGALIT ang mga tunay na kasapi ng Koalisyon Bantay Kuryente, Inc., (KBK) laban sa patuloy na paggamit ng Panay Electric Company (PECO) sa kanilang grupo para sa sariling interes nito upang siraan ang distribution utility na More Electric and Power Corp (More Power). Inilantad din ng grupo ang dalawang personalidad na ginagamit ng PECO na sina Jose Allen Aquino at …
Read More »Duque ‘walang kagalos-galos’ sa korupsiyon sa Philhealth
KUNG ikokompara sa mabigat na kisikisan o labanan, masasabi nating walang kagalos-galos si Health Secretary Francisco Duque III sa nagdaang Senate investigation kaugnay ng multi-bilyong iregularidad na nagaganap sa Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth). Nitong nagdaang linggo, inaprobahan ng Senado ang ulat na nagrerekomendang sampahan ng kaso kaugnay ng korupsiyon ang maraming senior officials ng PhilHealth. Kabilang dito si …
Read More »Nakalagda sa tubig
ISA pang linggo ang dumaan, isa pang linggo na kalbaryo para kay Juan De La Cruz. Dala ito ng anim na buwan na bartolina sanhi ng pandemikong CoVid-19. Samantala, nagsimula na ang mga kapit-bayan natin na magbukas ng kanilang mga hangganan. Nagsimula na sila tungo sa normalidad. Samantala tayo sa Filipinas ay dumaranas ng pinakamahabang “lockdown” sa buong daigdig, at …
Read More »Agimat at mahika ni DOH chief Duque kay Pangulong Duterte kakaiba talaga
IBA talaga ang taglay na agimat at mahika ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque sa ating mahal na Pangulong Rodrigo Duterte. Saksi tayong lahat sa ating isyung pinag-uusapan hinggil sa hawak na alas ni Duque, saan man dako o laro tayo humantong. Halos sa lahat ng aspekto ay nagagamit ang kanyang alas at baka joker pa na mas …
Read More »Leave it to the experts, ha DOTr!
HINDI biro ang kinahaharap nating kalaban, ang COVID 19 – hindi nakikita kaya ang lahat ay pinakikiusapan ng pamahalaan na mag-ingat. Hindi naman lingid sa kaalaman natin na patuloy na pumapatay ang virus lalo’t wala pang bakuna laban dito. Para makontrol ang posibleng hawaan, nakikiusap ang gobyerno sa lahat na sumunod sa mga ipinaiiral na health protocols. Isa …
Read More »Libel ni Manay Sandra ibinasura ng piskalya
SA GITNA ng malungkot at nakahihilakbot na pandemya, isang pagpapala ang natanggap natin kahapon nang umaga. Inirekomenda ni Manila Senior Assistant City Prosecutor Teresa Belinda Sollano sa kanyang resolusyon na ibasura ang kasong Libel na inihain sa inyong lingkod ni Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Director Sandra Cam. Ang kaso ay kaugnay ng naisulat nating kolum na si Manya Sandra …
Read More »DPWH proposed budget sa 2021 parang sasabog sa ‘kabundatan’
PARANG ‘palakang bato’ sa kabundatan ang Department of Public Works and Highways (DPWH) kung pagbabatayan ang kanilang proposed budget na P613.1 bilyon sa kabuuan ng P4.506-trilyong national budget para 2021. Hindi po simpleng numero ang pinag-uusapan natin dito o mathematical equation sa libro. Ang mga numero pong iyan ay kuwarta — kuwarta mula sa hilahod na Filipino taxpayers. Wala pa …
Read More »Regalo ng kabutihang-loob
KAKATWA kung paanong ang ugnayan natin sa makapangyarihang bansa na tulad ng Amerika – na nakasalalay sa mahahalagang usaping tulad ng ekonomiya, pamumuhunan, seguridad at depensa, imigrasyon, ayuda, at ngayon, pandaigdigang kalusugan – ay biglang magbabago sa isang iglap dahil sa pamimik-ap sa isang bar na nauwi sa pagpatay sa loob ng isang motel. Anim na taon na ang …
Read More »Pabalik ng Manila, etc., pahirapan sa pagkuha ng TA
HINDI naman tayo tutol sa mga ipinaiiral na protocol ngayong panahon ng pandemya at sa halip pabor na pabor dahil ang lahat ay para sa kapakanan ng bawat Pinoy para maiwasan ang pagkalat ng nakamamatay na “veerus.” Maraming health protocols ang estriktong ipinatutupad gaya ng paggamit ng face mask/shield, social distancing, palaging paghuhugas ng kamay ng sabon/alcohol, at kung …
Read More »Bawas-agwat o dagdag PUVs (‘Condolencias’ en vez distancias)
NAKANENERBIYOS ang tirada ng mga paboritong Gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte. Isa na rito ang hindi natin maintindihang bagong ideya ni Transportation Secretary Art Tugade na unti-unti na raw bawasan ang distansiya ng mga pasahero sa pampublikong sasakyan para marami na raw ang maisakay. Mula sa isang metro, ang itinakdang physical distance sa pagitan ng mga pasahero ay unti-unting babawasaan …
Read More »Pinoy na ‘nawalan’ ng anak sa Australia 3 senador tututok
SA WAKAS ay nakahanap rin ng kakampi ang Filipino na sinabing tingangayan ng dalawang anak na paslit at ipinakulong sa Australia. Tatlong senador ang sinabing sumaklolo Inocencio “Coy” Garcia at inatasan umano ang Department of Foreign Affairs (DFA) para tulungan at tutukan ang kaso ni Garcia. Isa pang senador ang humiling sa DFA na tulungan at tutukan ang kaso ni …
Read More »Philippine consulate sa Sydney, Australia wala nga bang silbi
BULAG o nagbubulag-bulagan itong Philippine Consul General sa Sydney Australia na si Ezzedin Tago, ito ay dahil sa kaso ni Inocencio “Coy” Garcia. Nahatulan si Garcia ng 14-buwang pagkabilanggo nang walang piyansa o parole sa mga kasong unlawful/broadcast/publication of child’s name ng Mt. Druitt Local Court sa bansang Sydney, Australia. Mantakin n’yo, maraming beses na humingi ng tulong si Garcia …
Read More »DPWH budget sinopla ni Grace at Ping
NITONG nakaraang linggo, pormal nang sinimulan ng dalawang kapulungan ng Kongreso ang pagdinig sa panukalang pambansang budget na nagkakahalaga ng P4.506 trillion para sa gastusin ng Filipinas sa 2021. Sa taong ito, ang pambansang budget ay nakatuon para sa pagpapaunlad sa healthcare system, food security, paglikha ng mas maraming trabaho, at pagsusulong ng digital government at economy para higit pang …
Read More »Isang school year dapat isakripisyo ng DepEd para sa mga estudyante
HINDI lang mga commercial businesses ang nagsara ngayong panahon ng pandemyang CoVid-19. Marami rin sa hanay ng mga pribadong paaralan ang nagsara. At ayon sa tala ng Department of Education (DepEd) umabot lahat ‘yan sa halos 700 private schools. Karamihan daw po sa 700 private schools na ‘yan ay maliliiit na private schools. Sa tala ng DepEd, mayroong 14,000 private …
Read More »Military camps papasukin ng 3rd telco (Sa pagtatayo ng cell sites)
NAGMUMUKHANG give-away ang seguridad ng bansa kapag tuluyang pinayagan ng national government ang pagtatayo ng China-backed 3rd telco ng cell sites sa mga kampo at military bases sa buong bansa. Mismong ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ay umamin na marami silang identified security threats sa communication systems — base sa kanilang telco agreements. Pag-aari umano ng Chinese government …
Read More »Pamilya Laude maghabol na lang sa tambol mayor? (Sino ang tumanggap ng P4.6-M?)
NAKULONG nang limang taon at nagbigay na umano ng P4.6 milyon bilang kabayaran para sa civil damages si dating US Marine Joseph Scott Pemberton sa pamilya Laude. Ito kaya ang rason kung bakit ginawaran ng ‘absolute pardon’ ni Pangulong Rodrigo Duterte, ang sundalong kano na kumana ng Filipino transgender at tila manok na binalian ng leeg noong 2014? Ayon kay …
Read More »Absolute pardon ni Digong kay Pemberton Pinoys desmayado
ISANG sundalong kano na pumatay ng isang Filipino transgender ang nakahulagpos sa timbangan ng katarungan nang tuluyang palayain ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pamamagitan ng ‘Absolute Pardon.’ ‘Yan ay isang kapangyarihan na hindi puwedeng abusohin, dahil katarungan ang pinag-uusapan dito. Pero, ang kapangyarihang ‘yan, na makapaggawad ng ‘ablsolute pardon’ ay parang ‘setro’ na tanging hari lamang ang puwedeng gumamit o …
Read More »Bagong lider, bagong PhilHealth
NAGBIBIRUAN ba tayo rito? Sinabi ni Department of Health Secretary at PhilHealth Chairman Francisco T. Duque III na sinusuportahan niya ang bagongtalagang si PhilHealth President Dante Gierran sa “pagbubulgar sa mga scalawags” sa state medical insurance firm. ‘Yung totoo, nagdodroga na ba si Duque? Malinaw namang sinabi ni Senate President Vicente Sotto III na matapos ang mabilisang mga …
Read More »Simulan mo sa inyong pamilya
BAGAMAT iniulat na medyo bumagal ang pagkalat ng CoVid-19 sa bansa dahil kahit paano ay bumaba (umano) ang bilang ng nagpositibo sa nakamamatay na ‘veerus’ hindi pa rin natin maitago na nananatili pa rin ang pangamba sa kasalukuyang situwasyon. Lahat ay natatakot pa rin mahawaan ng CoVid-19 lalo’t wala pang bakuna na panlaban dito. Ibig sabihin pa rin …
Read More »MTRCB ‘papansin’ sa panahon ng CoVid-19
MASAMA ang tingin ng Movie Television Review and Classification Board (MTRCB) sa video streaming platforms na may operasyon sa Filipinas — ‘yan ang NETFLIX. Itutuloy raw ni MTRCB chair Rachel Arenas ang pagkontrol o pag-regulate sa NETFLIX. “Not because it’s impractical we’re not going to pursue what is written in the law. Slowly, we have to do something about it, …
Read More »Ginigiba si Arnold?
KUNG tutuusin, hindi na bagong balita ang usapin na si Arnold Clavio ang ama ng panganay na anak ni Sarah Balabagan. Panis na ang balitang ito at matagal nang paulit-ulit na lumulutang lalo na kung merong nasasaling si Arnold na malalaking politiko. Kaya nga, hindi nakapagtataka kung bakit biglang pumutok ang balita sa social media at ang biglang paglutang ni …
Read More »