Friday , June 2 2023
Balaraw ni Ba Ipe
Balaraw ni Ba Ipe

Armas sa halalan

DALAWA ang armas ng pangkat ng Davao City upang manatili sa poder sa katapusan ng termino ni Rodrigo Duterte sa 2022: una, mayroon silang bilyones na salapi upang bilhin ang mga mabibili; at pangalawa, kakampi nila ang Commission on Elections (Comelec).

Noong 2016, malakas ang koalisyon na sumuporta kay Duterte – mga malalaking pamilyang politikal na tulad nina GMA, Marcos, at iba pa, mga lapiang politikal tulad ng PDP-Laban, Nacionalista, at Lakas-NUCD, at iba pa, at ang puwersang national democrats, o nat-dem. Nasa kanila ang santambak na trolls at bots.

Inakala ng marami sa koalisyon na magaling si Duterte. Ihahatid umano ang bansa sa 3 Ks – kaunlaran, kasaganaan, at katatagan. Maling-mali ang kanilang akala; sakitin si Duterte at tamad sa gawaing bayan. Malinaw na naduterte sila. Mahihirapan ang pangkat ng Davao City na umulit sa 2022.

Lumayo na ang karamihan ng puwersang politikal na sumuporta kay Duterte noong 2016. Kahit may salapi si Duterte, kanya-kanya nang lakad, kanya-kanyang ambisyon. Hindi sila pumayag pailalim kay Duterte sapagkat nauunawaan nila na mabaho ang imahen sa publiko ni Duterte. Hanggang survey lang siya.

May katuwiran ang ibang puwersa na lumayo kay Duterte kahit may hawak siyang limpak-limpak na salapi at hawak niya sa leeg ang Comelec. Una sa lahat ang kanyang kataksilan sa bayan. Hindi niya naitago na alipin siya ng China. Interes ng China ang kanyang ipinaglalaban at hindi interes ng Filipinas.

Hindi lahat ng puwersa ay susunod sa kanya sapagkat hindi matatanggap ang maging alipin ang Filipinas ng China. Hindi lang iyan; sobrang tamad ni Duterte sa mga gawain sa gobyerno. Hindi siya marunong gumising nang maaga para sa mga gawaing publiko.

Ano ang tawag sa lider na minsan kada linggo nakikita ng publiko? Masakit tawagin ang isang tao na batugan. Ngunit ito ang taguri sa mga taong ayaw magtrabaho. Babagay sa kanya ang salitang ito.

Hindi ito ang isyu sa kanya. Hindi siya nagbibigay giya sa maraming usapin. Sa halalan sa Estados Unidos, kumampi kay Donald Trump. Hinikayat ang Fil-Ams sa Amerika na iboto si Trump. Ngunit natalo si Trump at hindi na siya nagsalita.

Hindi siya nagsalita nang magkaroon ng riot sa Capitol Hill sa Washington DC. Mas lalong hindi nagsalita si Duterte nang sumumpa si Joe Biden bilang bagong pangulo ng Estados Unidos. Walang narinig sa kanya.

***

ISA kami sa mga pinalad na nakarating sa Canyon Woods, isang resort facility sa bayan ng Lemery sa Batangas. Maayos na lugar ito at magandang pahingahan ng mga mamamahayag na napagod sa magulong pamumuhay sa Metro Manila.

Nagulantang kami sa balita na may 64 turista at bumabalik na OFWs na inilagay ng mga gobyerno doon bilang bahagi ng kanilang kuwarantina ang umalis dahil sa kawalan ng pasilidad. Nagulat kami sa paliwanag ng isa sa mga OFW na sinabing basta dinala na lamang sila ng gobyerno roon.

Walang pag­hahanda at walang pasabi sa resort. Walang ko­ordin­asyon sa maikli. Basta ibinilin ni Quarantine Czar Vince Dizon na dalhin sila sa resort. Wala ang mga trabahador na nagpapatakbo nang maayos sa resort. Biktima sila ng lockdown.

BALARAW
ni Ba Ipe

About Ba Ipe

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Solusyunan ang unemployment, Mr. President

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. Nabunyag sa pinakabagong survey ng Social Weather Stations (SWS) …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Mga bugok sa QC hall, magbago na kayo

AKSYON AGADni Almar Danguilan Mayroon pa palang mga bugok na kawani sa Quezon City Hall. …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Panibagong fertilizer scam?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. TILA walang katapusan ang pagpapalabas ng Department of Agriculture …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Gera ni MGen. Okubo vs “1602”; si J. Bernardino at “137” sa Las Piñas

AKSYON AGADni Almar Danguilan KALIWA’T KANAN na naman ang operasyon ng limang distrito ng pulisya …

Dragon Lady Amor Virata

Extension ng SIM card registration tigilan

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata HUWAG na sanang magkaroon ng extension para sa SIM …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *