PINOPROTEKTAHAN umano ng damuhong rebeldeng grupo ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang mga kidnaper, ayon sa ina ng isang estudyanteng dinukot sa Cubao, Quezon City may dalawang taon na ang nakalilipas. Sa isang ulat ay ibinunyag ni Norhata Dimakuta na kinidnap daw ang kanyang anak na si Muhamad, isang B.S. Architecture student, sa kanto ng P. Tuazon at Cubao …
Read More »Hibang
ANG talumpati kamakailan ng ating espesyal na Pangulong Benigno Simeon Aquino III sa Marikina Elementary School na tiniyak niya na magiging “First World” ang ating bansa kung itutuloy lamang ng susunod na administrasyon ang kanyang “Tuwid na Daan” ang patunay na hindi nakasayad sa lupa ang kanyang mga paa. Dangan kasi ang mga sinasabi ni BS. Aquino ay walang batayan …
Read More »Penitensiya ng MRT, LRT riders
LALONG tumatagal ay lalong nagiging kahabag-habag ang sitwasyon ng mga pasahero ng MRT at LRT. Ito ay sa kabila nang pagpataw ng dagdag-singil sa pasahe magkakalahating taon na ang nakararaan. Hanggang ngayon ay wala pa rin naki-kita at nadaramang pagbabago ang mga pasaherong araw-araw na lang ay na-kikipagbalyahan, pumipila nang mahigit kalahating oras para lang makasakay sa sobrang bagal na …
Read More »Police security ng pul-politiko babawiin sa eleksiyon
ILANG buwan na lang at tatanggalan na ng police security ang mga pulpol ‘este politiko. Magaganap ‘yan kapag opisyal nang pumasok ang election period, ayon sa PNP Police Security and Protection Group (PSPG). Epektibo ito, oras na maghain ng certificate of candidacy ang mga nasabing opisyal. Tumpak lang naman ‘yan! Lalo na siguro ‘yung mga sandamakmak ang mga police security …
Read More »Boses ng netizens sa desisyon ng SC sa DQ ni Singson
TUNGHAYAN po natin ang ilang reaksiyon mula sa masusugid na readers ng pitak na ito at avid listeners ng ma-laganap nating programang “Katapat” sa Radio DWBL (1242 Khz) na sabayang napapanood sa buong mundo via ustream.tv/channel/boses sa internet, 10:30 pm-11:30 pm, Lunes hanggang Biyernes, kaugnay ng desisyon ng Supreme Court (SC) sa disqualification (DQ) case laban kay Ilocos Sur Rep. Ronald Singson. …
Read More »Mar Roxas, ikaw na!
ISANG taon bago ang 2016 elections, nagdeklara na si Pangulong Benigno Aquino III kung sino ang magiging pambato ng Liberal Party. S’yempre walang iba kundi ang herederong si Interior and Local Government Secretary Mar Roxas. Kung credentials ang pag-uusapan, walang kuwestiyon kay Secretary Mar. Bukod sa matalino, masasabing diligent din siya at determinado. At nakita natin ‘yan sa iba’t ibang …
Read More »Fire law, pag-aralan; at Kentex, tapat sa pagtulong
HINDI talaga maiiwasan ang magsisihan sa nangyari kamakailan sa Kentex, isang pagawaan ng tsinelas, na nasunog at kumitil ng 72 katao, kabilang na rito ang anak ng isa sa mga may-ari. Kaliwa’t kanan ang sisihan o turuan kung sino ang dapat managot. Nandiyan daw na maysala ang may-ari at nandiyan ‘yong pagtuturong may sala ang lokal na pamahalaan ng Valenzuela. …
Read More »Para kay dating DILG secretary Raffy Alunan, sinalaula ng BBL ang ating Konstitusyon
NITONG Linggo (Mayo 24), pinangunahan ni dating Department of Interior and Local Government Secretary Rafael “Raffy” Alunan III ang prayer rally laban sa kontrobersiyal na BangsaMoro Basic Law na itinutulak ng pamahalaang Aquino. Para kay Alunan, kawawa ang mga ordinaryong sibilyan sa Mindanao. Ang daming banta na nanggagaling sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) at sa mga sektor na inetsapuwera …
Read More »Ang ‘Express Epal’ ni Madame SoJ Leila, bow!
MAHILIG daw talagang ‘lumundag si Justice Secretary Leila De Lima. Kumbaga, konting putok lang, ‘napapalundag’ kaagad. In short, mahilig siyang sumawsaw at sumakay agad sa mga bagong issue sa bansa. Gaya na lang nga nang aminin ni Davao City Mayor Rodrigo ‘Digong’ Duterte na konektado siya sa kinatatakutang Davao Death Squad (DDS). Aba, biglang pumutok ang butse ni Madam Secretary …
Read More »Mas dumami ang fans ni Mayor Duterte
NANG sabihin ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa media interview na kapag siya’y naging presidente sa 2016, malamang na maubos ang mga criminal, nag-trending agad ito sa social media. Umani ng maraming “Likes” pero marami rin ang naunsiyame sa inasal ng alkalde. “Yang 1,000 na pinatay, baka maging 50,000 hanggang 100,000 ‘yan. Kaya ‘wag n’yo akong iboto na presidente!” …
Read More »Rep. Singson: “guilty but proven influential”
MAY ‘chilling effect’ sa “peace loving citizens” at anti-illegal drugs advocates ang desisyon ng Korte Suprema na hindi immoral ang kasong illegal possession of prohi-bited substance na convicted si Ilocos Sur Gov. Ronald Singson sa Hong Kong. Idinulog sa Korte Suprema ang disqualification case laban kay Singson ni Atty. Bernard Baterina dahil pinaboran ng House Electoral Tribunal (HRET) at Commission …
Read More »Anti-poor ang Ecowaste Coalition
ISA sa mga aktibong grupong madalas na magbabala sa mga magulang ang Ecowaste Coalition. Sa tuwing darating ang pasukan, madalas itong magpaalala sa kung ano ang nararapat at ‘di nararapat na bilhing gamit pang-eskwela o school supplies para sa mga mag-aaral. Halos taon-taon, ang grupong ito ay umiikot sa Divisoria at sinasabi na ang karamihan sa mga school supplies na …
Read More »Aberya sa LRT/MRT mukhang wala nang solusyon (Mass transportation system bigo sa Pinas, the worst is yet to come)
MUKHANG wala nang solusyon ang hindi na mapigilang pagbagsak ng kalidad ng serbisyo at unti-unting pagkasira ng Light Rail Transit at Metro Rail Transit (LRT/MRT). Nangyayari ito sa administrasyon na dala ang pangako ng ‘daang matuwid.’ Hindi lang natin alam kung naiintindihan ba ni Department of Transportation and Communication (DoTC) Secretary Joseph Emilio A. Abaya ang kanyang tungkulin. Baka akala …
Read More »Ilan resorts, etc., sa Boracay, walang SSS
NITONG nagdaang linggo, binigyan halaga natin ang kalagayan ng mga kawawang manggagawa sa kilalang pasyalan ng marami sa buong mundo – ang isla ng Boracay sa lalawigan ng Aklan. Reklamong nailathala natin ay hinggil sa masyadong mababang pasuweldo ng nakararaming kilalang resorts, restaurants at hotels sa Boracay. Wala sa minimum ang pasahod ng mga establisimiyento. Bukod nga raw sa walang …
Read More »Maynila hindi basurahan nino man
ANG Maynila ay hindi basurahan ng sino man, at kahit dayuhang bansa tulad ng Canada ay hindi nito patatawarin o kukunsintihin na gawing tapunan ang lungsod ng kahit ano mang bagay na hindi na nila kailangan. Ito ang nilalaman ng resolusyon na ipinasa ng Konseho ng Maynila sa isinagawang sesyon noong Mayo 14, na nananawagan sa Canada na agad alisin …
Read More »Plunder cases filed vs Mayor Olivarez et al black propaganda ng mga desperadong politiko
HINDI umano totoo at lalong walang besehan ang graft at plunder case na isinampa ng mga hindi nagpakilalang grupo laban kay Parañaque CityMayor Edwin Olivarez at sa 13 pang city officials. Nasa Estados Unidos (US) si Mayor Olivarez at iba pang city officials para sa isang official trip nang bumulaga sa broadsheet newspapers ang balita tungkol sa kaso. Kitang-kitang sa …
Read More »After “B” sa 2010 VP letter “P” naman daw ngayon ang gusto ni Chiz
AKALA natin ‘e mapapahanay si Senator Chiz Escudero sa mga mambabatas na puwedeng maging statesman sa hinaharap. Pero nabigo tayo sa ating inaasahan, dahil mas unang natutuhan ni Chiz ang makipagpatintero sa ‘kapangyarihang’ mapoprobetso sa politika kaysa maging isang mahusay na mambabatas. Nakita natin ito noong 2010 elections. Sa kabila na marami ang umasa na susuportahan niya ang tambalang Noynoy-Mar, …
Read More »‘Walang masamang akin’
TODO puri’t kampanya ang ginagawa ngayon ng batikang brodkaster na si Korina Sanchez para sa kanyang mister, DILG Sec. Mar Roxas. Sa kanyang pagpunta sa Lalu-Lapu City, Cebu nitong nakalipas na Biyernes, namigay siya ng mga tsinelas sa mahihirap na kabataan, pakete ng bigas at anniversary bracelets sa piling beneficiaries, sinabi ni Koring na ang kanyang mister ang “most qualified” …
Read More »Moralidad sa PH pinipilipit ng SC
HINDI na pala mga ‘bobo-tante’ ang dapat sisihin kung bakit nasasadlak sa kahirapan ang Filipinas. Kahit kasi immoral ang pagbebenta ng boto at pagtangkilik sa mga magnanakaw na kandidato, ginagawa pa rin ito ng mga ‘bobo-tante.’ Ngunit mukhang magiging normal na sa lipunang Filipino ang magkaroon ng mga adik at mandarambong sa gobyerno dahil sa mga ‘pilipit’ na desisyon ng …
Read More »Ang daan sa impyerno ay pinatag nang mabuting layunin (2)
MARAMI akong natanong kung sino ang napipisil nila na maging pangulo ng ating bansa sa darating na eleksyon sa 2016 at karamihan sa kanila ay nagsabi na ‘yung “lesser evil” na kandidato ang kanilang iboboto. Nalungkot ako sa kanilang sagot kasi parang patunay ito na napakababa nang morale at pamantayan ng ating mga kababayan. Maaari rin na senyales ito nang …
Read More »Takot si Binay kay Grace
DESPERADO na talaga si Vice President Jojo Binay. Matapos pumutok ang balitang tatakbo si Sen. Grace Poe sa darating na halalan bilang pangulo, mabilis na inupakan kaagad ni Binay. Alam ni Binay na sa mga politikong nagbabalak na tumakbo bilang pangulo, tanging si Grace ang kandidatong magpapabagsak sa kanya. Bunga nito, mabilis na kinuwestyon ni Binay ang kasanayan at karanasan …
Read More »Lejos, Lachica nakatakdang kasuhan sa NBI at Ombudsman
MARAMI tayong natatanggap na ulat tungkol kay Lejos at Lachica, na hindi na raw sila dumaraan sa chain of vommand ng Customs. Nasanay kasi sila noon na dumederetso agad kay dating Commissioner John Sevilla na wala namang ginawang kabutihan sa Bureau of Customs. Ang masasabi lang accomplishment ay siraan ang pinaglilingkuran niyang ahensiya. Ganyan daw inilalarawan si Lachica at Lejos …
Read More »NAIA Press Corps bakit sinisingil ng MIAA ng P2.8-M bill sa telepono!?
MEDIA harassment na ba ito? Gusto ba ng Manila International Airport Authority (MIAA) na tuluyan nang ‘lumayas’ ang mga mamamahayag na nakatalaga sa Airport kaya ipinamumukha na may utang na P2.8-milyon telephone bill ang media group?! Nakagugulat na kailangan pa munang lumaki nang ganyan ang bill ng media group tapos saka sasabihin na may utang sa management?! Saan kukuha ng …
Read More »Vice presidentiables na presidentiables
NAKATATAWA ang mga pumupormang tatakbong presidente sa 2016. Ang kinukuha nilang running mate ay mga malakas ding presidentiable at ikinakasang maging standard bearer ng kanilang partido. Tulad ni Vice President Jojo Binay, gusto niyang maging running mate si Senadora Grace Poe o kaya’y si Davao City Mayor Rodrigo Duterte. Pero binasura agad ni Poe ang alok ni VP Binay. Dahil …
Read More »Bakit ipinatawag si Onie Bayona?
LAST week ay ipinatawag ni ex-Pasay City Mayor Atty. Peewee Trinidad ang pinsan niyang si ex-Pasay Councilor Noel “Onie” Bayona. Ang pagkikita daw ng mag-pinsan ay naganap sa bahay ni Peewee sa Park Avenue, Pasay City. Nang panahon na sila ay magkita, nagkataong pumipili na pala si Peewee ng mga pangalan ng kandidato na bibigyan at susuportahan niya para sa …
Read More »