Saturday , July 27 2024

Mga hepe ng local traffic mag-ingat sa hitman

HINDI biro-biro ang nangyaring pagpaslang kay Inspector Renato Sto. Domingo ang hepe ng Marikina City Traffic Management  and Enforcement  Division (TMED) noong Martes na pa-traydor na inupakan ng umano’y hitman ng Partisano  Unit ng New People’s Army (NPA) sa kanyang lugar sa Marikina.

Si Inspector Sto. Domingo ay isang retired na miyembro ng Philippine National Police na nakapaglingkod nang maayos sa kanyang mga kababayan.

Ang masaklap, ang pamamaril sa kanya ng hitman ay naganap sa Barangay Concepcion Uno, sa Marikina.

Abala sa paglilinis ng kanyang Toyota Innova ang biktima nang siya ay lapitan at barilin ng hitman.

Nag-iwan ng sulat ang hitman na nagpapakilalang sila ay grupo ng Partisano Armadong Operatiba Partido Rebolusyon para sa Sosyalismo Lenie Katindig National Operational Command.

Four minors rescued in Nueva Ecija sex den house

FOUR victims of human trafficking residing in Muntinlupa City were rescued by the police in a suspected prostitution den in the town of San Leonardo, Nueva Ecija last July 9.

Members of Muntinlupa Police Women’s and Children Protection Desk (WCPD) and Saklolo at Gabay ng Ina at Pamilya (SAGIP), an NGO organization, coordinated with San Leonardo Police Station for the conduct of a rescue operation to four minors.

Muntinlupa City police chief, Senior Supt. Allan Nobleza said the arrested suspect initially transported two minors, aged 15 and 14,  from Muntinlupa City to San Leonardo, Nueva Ecija on May 10. From Nueva Ecija, the girls were promised to be given a better job as waitress.

Nobleza added that another suspect, known as Cecile Flores also recruited two minors from Muntinlupa without their parents’ consent. She is now being hunted.

The team responsible to the recovery the minors were Inspector Benedict Lagmay of WCPD, DSWD, the Muntinlupa City police  and San Leonardo Police Station,

The rescued minors are now in the custody of SAGIP center.

The arrested suspect will face charges for violation of RA 9028 as amended by RA 10364 or the Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2012. Muntinlupa Police also set to file charges against the other suspect who is still at large.

Muntinlupa City Mayor Atty. Jaime “JRF” Fresnedi urged local folks to report any information of human trafficking incident to the local police at telephone number 862-2611, and SAGIP center 862-0061 to 63.

Kanya-kanyang diskarte sa Pasay

KAPAG walang ulo ay talagang natataranta at nagkakagulo ang mga supporters at ang mga politikong nagbabalak sumabak sa 2016 local elections sa Pasay City.

Napakahirap kasi na ang isang namumuno ay nagpaalam na sa larangan ng politika.

Dahil sa ganoong sitwasyon, hindi pa rin daw malaman nina Richard, Marlon at Dok Roxas kung sino sa kanila ang maglalakas loob na labanan ang liderato ni incumbent Pasay City Mayor Tony Calixto. Kaya karamihan sa mga political observers sa Pasay ay nakanganga at nakaabang.

Ang barko ng CALIXTO TEAM punong-puno ng crew at gasolina. Kapag naglayag ang barko, ang energy ng barko ay lalampas pa ng 2016 elections. Mas marami ang nakasakay sa Calixto Team.

Pero, abangan ang tinatawag na ‘balikloob’ o ‘baliktaran.’ Baka biglang makita na lang ng mga botante sa Pasay na ang ilan sa kulay ube ay muling sumama sa kulay  berde. Imposibleng hindi iyan mangyari. Subaybayan!!!

Pahaging!!! Kaawa-awa ang mga manunugal

WALA raw ginagawang aksiyon ang command ng provincial police office sa lalawigan ng Quezon tungkol sa napakalaking pasugalan-pergalan ni Aling Mely sa Barangay Lusacan sa bayan ng Tiaong, Quezon.

Kung walang aksyon ang PD ng PNP ng Quezon, dapat umaksiyon dito ang striking force laban sa anti-illegal gambling ang command ng PNP sa Region 4-A. Paki-sampolan nga po general Richard Albano.

About Mario Alcala

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pacquiao at Lapid ‘basurang’ kandidato ni Bongbong

SIPATni Mat Vicencio DAPAT pag-isipang mabuti ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., kung nararapat bang …

Dragon Lady Amor Virata

Mag-asawa for mayor sa 2025 local elections

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SABI ni Parañaque City Cong. Edwin Olivarez, ang utol …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Paghihintay sa SONA

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. INAASAHANG nakatutok ang mata ng lahat sa Presidente sa …

Dragon Lady Amor Virata

Daming fake news sa socmed mga apektado kawawa naman

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SIYENTO PORSIYENTONG lumilitaw na ang social media ay ‘marites’ …

Sipat Mat Vicencio

Manalo kaya si Digong sa 2025 elections?

SIPATni Mat Vicencio NAGKAKAMALI ang marami kung inaakalang tuluyang makalulusot si dating Pangulong Rodrigo “Digong” …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *