NAUNGUSAN ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte ang kinagigiliwan na si Pope Francis at maging ang sikat na Facebook founder and CEO na si Mark Zuckerburg sa Time “Most Influential” poll. Tinalo rin niya maging ang hinahangaan at guwapong Canadian Prime Minister Justin Trudeau at ang pinakamayaman sa buong mundo na si Bill Gates. Nanguna si Digong sa poll ng Time …
Read More »48 stranded OFWs sa Riyadh, inilihim ng POLO kay PDU30
TIYAK na may mga humaharang upang hindi makarating sa kaalaman ni Pres. Rodrigo R. Duterte ang nalathala nating kolum noong nakaraang Miyerkoles (April 12) tungkol sa kalagayan ng 48 stranded OFWs sa Riyadh, Saudi Arabia. Kaya naman ang 48 OFW na sampung buwan nang stranded sa Riyadh ay hindi napabilang sa mahigit 100 OFW na kasamang umuwi ni Pres. Digong …
Read More »Kura paroko ng Sto. Niño sa Pasay nabiktima ng politikong mahilig mag-OPM
IBANG klase rin ang politikong ito sa Pasay City na kasalukuyang nakaluklok sa isa sa matataas na posisyon sa lungsod. Mantakin ninyong maging ang Kura Paroko ng Sto. Niño at nagmi-misa sa Pasay City Jail na si Fr. Sonny ay pinangakuan pero hindi tinupad?! Kunsabagay, ano ang bago sa ganitong attitude ng mga politiko?! ‘Di ba running joke nga ang …
Read More »Holy Week sa Metro Manila generally peaceful (Ayon kay NCRPO chief C/Supt. Oscar Albayalde)
NASA labas man ng Filipinas ang inyong lingkod, tayo po’y patuloy na nakikibalita sa mga bagong kaganapan sa bansa. Ang isa sa nakatutuwang balita, generally peaceful daw po ang Metro Manila nitong nakaraang Holy Week, ayon kay NCRPO chief, C/Supt. Oscar Albayalde. Kasi naman, malaking porsiyento ng Metro Manila population ay umuwi o nagbakasyon sa iba’t ibang lugar. Mayroon pa …
Read More »May gestapo ba sa QCPD-DSOU?
NAGTATAKA tayo kung bakit kailangan umaktong tila mga Gestapo ang mga kagawad ng District Special Operations Unit ng Quezon City Police District (QCPD-DSOU). Mayroon kasing nakakulong na 21 katao na inakusahan ng DSOU na dinakip nila dahil umano sa kasong ‘cybersex.’ Mula nang lumakas ang kampanya ng Philippine National Police (PNP) laban sa ilegal na droga, tila naghanap ng ibang …
Read More »PNP Police Traffic Division, ‘wag maliitin!
KADALASAN ang napapansin na accomplishment ay malalaking kaso – pagkakakompiska ng kilo-kilong shabu, pagkahuli ng bigtime drug dealer/courier, pumatay ng maiimpluwensiyang tao o kontrobersiyal na kaso at iba pa at sa halip, hindi nakikita ang trabaho ng ibang sangay o yunit ng Philippine National Police (PNP) partikular ang Traffic Enforcement Unit. Kapag traffic unit kasi ang pag-uusapan, ang alam natin …
Read More »Kalma lang, pero alerto
DAHIL halos maya’t maya ay niyayanig tayo ng lindol — kahapon lang ay nasa magnitude 5.6 na lindol ang naitala sa Northern Samar matapos ang serye ng lindol na tumama naman sa Batangas at mga karatig lalawigan at sa Metro Manila, Sabado at Martes noong isang linggo — kailangan maging doble ingat tayo. Sino ba naman ang hindi matatakot at …
Read More »DOTr Secretary Arthur Tugade namumuro na nga ba kay Digong?
PUMUTOK sa social media na si Transportation Secretary Arthur Tugade ay nasabon umano nang walang banlawan ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte. Ilang buwan na lang at matatapos na ang one-year ban sa ma kandidatong talunan noong nakaraang eleksiyon. Kaya hindi na nakapagtataka kung bakit maraming ‘ulong gumugulong’ matapos madale ng palakol lalo kapag umiinit ang ulo ng Pangulo dahil walang …
Read More »Ang Bataan (Ikalawa at huling Bahagi)
WALANG masama na ginunita natin kahapon ang kabayanihan ng ating mga sundalo na nakasama sa pagtatanggol sa Bataan at Corregidor noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig pero dapat din ilahad ang mga tunay na pangyayari upang maging makabuluhan ang kanilang sakripisyo. Ang madugong nangyari sa Bataan at Corregidor noong 1942 ay ginagamit hanggang ngayon upang mapanatili ang mito na parehas ang antas …
Read More »Sisihin ang mga paring Katoliko
ANG Mahal na Araw ay kasing kahulugan ng pagdarasal. Ito ang panahon ng pangungumpisal at panahon ng pagtitika. At para lalong lumalim ang pananampalataya sa Diyos, panahon ito ng pagsisimba at paggunita sa paghihirap at sakripisyo ni Hesu Kristo. Pero bakit kapag dumarating ang Mahal na Araw, kakaunti na lamang ang mga Katoliko na nagtutungo sa mga simbahan? Bakit mas …
Read More »Let’s pray for Syria let’s pray for world peace
ISANG mensahe po ang ating natanggap. Ito po ang nagaganap ngayon sa Syria. Kamakalawa ay ika-100 anibersaryo ng paglahok ng Estados Unidos sa World War I (WWI). Nagkataon na kahapon rin ang nakagugulat na 180 degree turn-around decision ng US na hindi siya makikialam sa Syria ay inilunsad ang 59 Tomahawk missiles bilang “flexible deterrent action” para ipakita ang tugon …
Read More »Agaw-bahay ng Kadamay parang kalamay
ANO kaya ang gagawin ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte ngayong puta-putakting nagsusulputan ang mga kababayan nating ‘nangangahoy’ ng bahay sa mga proyektong pabahay ng pamahalaan. ‘Yan ay mula nang pagpasyahan ni Pangulong Digong na ipagkaloob sa mga miyembro ng KADAMAY na nang-agaw ng bahay sa mga pabahay projects sa City of San Jose del Monte at Pandi, Bulacan. Malinaw nga …
Read More »Gordon bumanat kay PresDU30
BINATIKOS ni Sen. Gordon ang naging desisyon ni PRESDU30 na mapunta nang tuluyan ang mga housing units sa mga miyembro ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap (KADAMAY). Para kay Gordon, masamang senyales ang ginawa ng Pangulo at hindi dapat ibigay ang mga bahay sa mga nanggugulo. Ani Gordon, “Again, you’re falling on your own sword. Nadadapa ka sa sarili mong espada …
Read More »Mag-asawang terorista tiklo
ARESTADO ang mag-asawang pinaghihinalaang miyembro ng damuhong teroristang grupo ng Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) sa operasyon na isinagawa ng mga awtoridad sa Bonifacio Global City, Taguig. Nagsanib-puwersa ang mga elemento ng Bureau of Immigration, pulis at military kaya natiklo sa harap ng isang mall sa Taguig sina Hussein Aldhafiri alyas “Abu Muslim,” 40 anyos; at Rahaf Zina …
Read More »Krisis sa OT pay ng BI employees, mismanagement ni Diokno ng DBM!?
SUPPOSEDLY ang Department of Budget and Management (DBM) na kasalukuyang pinamumunuan ni Secretary Benjamin ‘joke-no’ Diokno ang dapat na makaresolba sa nagaganap na krisis sa Bureau of Immigration (BI). Ito ‘yung isyu ng biglaang pagpapatigil o permanenteng pag-aalis sa overtime pay ng mga empleyado ng BI na labis na nakaapekto sa normal na pamumuhay ng kanilang pamilya. Ang ipinagtataka natin …
Read More »Illegal terminal queen sa Maynila lagot sa NBI
PINAKAKASUHAN ni Pres. Rodrigo R. Duterte ang sinomang opisyal ng barangay na babalewalain ang kampanya laban sa mga illegal parking at illegal terminal ng mga sasakyan sa lansangan. Tiyak na nangangatog na ang operator na nagkakamal sa pinakamalaking illegal terminal ng mga kolorum na sasakyan sa Maynila na nakasasakop sa Liwasang Bonifacio at Plaza Lawton na pinagkakakitaan din ng City …
Read More »Si Cacdac ang sibakin ni Digong
MUKHANG tuloy-tuloy na ang nangyayaring “purging” sa hanay ng matataas na opisyal ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte matapos na sibakin si DILG Sec. Ismael Sueno dahil sa kaso ng katiwalian. Ang paglilinis na nangyayari ay bahagi ng programa ni Digong para maalis sa kanyang pa-mahalaan ang mga opisyal na sangkot sa corruption at iba pang uri ng katiwalian. …
Read More »Ombudsman Conchita Morales ma-disbar kaya?
KAMAKAILAN ay ipinagharap ng kasong Disbarment ni dating Manila Councilor Greco Belgica si Ombudsman Conchita Morales sa Korte Suprema. Nilabag umano ni Morales ang lawyers oath at professional responsibility, nang absuweltohin si dating Pangulong Benigno Aquino sa mga reklamo hinggil sa Disbursement Acceleration Program (DAP). Dahil sa ginawang pag-absuwelto ni Ombudsman Morales kay Aquino, na kapwa respondent si dating budget …
Read More »PCSO dapat suportahan ng PNP kontra illegal gambling
NAKATUTUWANG mabalitaan na mahigpit ang suporta ng Philippine National Police (PNP) sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO). Kamakailan lang ay nabalitaan natin na sinibak ang tatlong pulis mula sa Police Regional Office 7 (PRO 7) dahil sa pagkakasangkot sa ilegal na sugal sa rehiyon. Kinilala ang mga sinibak sa puwesto na sina P/Supt. Joel Quintero, P/Supt. Nicomedes Olaivar, Jr., at …
Read More »House Speaker Pantaleon “Bebot” Alvarez kinaiinggitan
MAHABA talaga ang suwerte nitong si House Speaker Pantaleon “Bebot” Alvarez. Bukod sa laging napupuwesto na malapit sa kusina, lagi pang happy lalo na sa kanyang lovelife. Kapag nakikita ko nga si Speaker Alvarez sa isang sikat noon na watering hole sa Malate, natutuwa ako sa kanyang aura, parang laging happy, parang walang marital rift. Aba ‘e ilang panahon rin …
Read More »Uulan ng Palakol sa Mayo
SA pagpasok ng buwan ng Mayo, magsisimula na ang pagtatapos ng one-year ban para sa appointment ng mga natalong kandidato noong nakaraang eleksiyon ng 2016. Ang ibig sabihin, malaya nang makapagtatalaga si Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte ng mga bagong miyembro ng kanyang gabinete. Dahil dito, marami sa mga cabinet members ni Duterte ang nagangamba na masisibak sila sa kani-kanilang puwesto …
Read More »Betrayal of public trust at ang death penalty bill
MARAMI ang napailing at napakamot sa ulo nang italaga ni Pres. Rodrigo R. Duterte ang singer-musician na si Jimmy Bondoc sa puwesto bilang assistant vice president for entertainment ng Philippine Amusement and Gaming Corp. (Pagcor). Mabilis nating idinepensa sa ating malaganap na programang ‘Lapid Fire’ sa Radio DZRJ (810 Khz.) ng 8TriMedia Broadcasting Network si Bondoc dahil ang puwestong pinaglagyan …
Read More »Speedy trial kay CIDG R8 Chief Supt. Marvin Marcos et al para sa speedy pardon
MAY kasabihan, nang magsabog ng suwerte ang langit mukhang nasalo lahat ng grupo ni Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Eastern Visayas, Regional Director, P/Supt. Marvin Marcos. Kung inyo pong naaalala, ang grupo ni Supt. Marcos ang itinuturong responsable sa pagpaslang kay Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa na sinabing ‘pinatay’ sa loob mismo ng kanyang selda. Saan ka nga naman …
Read More »Noynoy et al pinananagot sa Kidapawan massacre
HINATULAN ng People’s Court o Kangaroo Court ng National Democratic Front – Southern Mindanao Region (NDF-SMR) si dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa madugong dispersal ng barikada ng mga magsasaka sa Kidapawan noong 1 Abril 2016 — na tinawag na Kidapawan massacre. Bukod kay Noynoy, ipinaaaresto rin ng NDF sina North Cotabato Gov. Emmylou Taliño-Mendoza, Kidapawan City Mayor Joseph …
Read More »Katiwaldas ng mayor sa Bulacan pahirap sa TODA?
THE WHO ang isang tuta ng Mayor sa lalawigan ng Bulacan na halos isumpa ng mga operator at tricycle driver dahil sa ginagawa nitong panggigipit sa kanila. Mukhang matindi ang galit n’yo ha! Ayon sa ating Hunyango, lahat ng kumukuha ng prangkisa ng tricycle o ‘di kaya ay magre-renew ay dumaraan muna sa kanyang mga kamay ang mga dokumento para …
Read More »