One thing you can’t hide – is when you’re crippled inside. — John Lennon PASAKALYE: Sa anim na dekadang pamumuhay sa mundong ibabaw, marami na rin tayong natutuhan — mga leksiyon sa buhay na dapat nating pagyamanin at isapuso upang maging maayos ang ating kabuhayan at pagkatao tungo sa huling hantungan bago humarap sa Lumikha. Ngunit iilan din sa atin …
Read More »Actor Robin Padilla nagkaloob ng P5-M para sa mga batang apektado ng giyera
ITO ang tunay na aksiyon, hindi sa pelikula kundi sa tunay na buhay. Kung hindi nga lang sa transparency policy ng gobyernong Duterte, ayaw sana ng aktor na si Robin Padilla na mailabas pa sa media ang kanyang donasyon na P5 milyon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na tinanggap ni Undersecretary Emmanuel Leyco para sa mga batang …
Read More »Hamon sa MMDA chief: Salot na illegal terminal sa Plaza Lawton, buwagin
INALMAHAN ng mga bus company ang pagsasara ng Metro Manila Development Authority (MMDA) sa mga terminal sa EDSA, Quezon City. Kasama ang kanyang mga kawal sa MMDA, pinangunahan ni dating Army general at ngayo’y Chairman Danilo ‘Danny” Lim ang paglusob sa mga ipinasarang terminal ng ES Transport Inc., Lucena Lines Inc., Amihan Bus Lines Inc., First North Luzon Transit Inc., …
Read More »Bloggers
KAMAKAILAN ay binigyan ng Social Media Practitioner Accreditation ng Malacañang ang mga social media bloggers para opisyal na makapag-cover ng mga malalaking kaganapan sa palasyo, lalo na ‘yung may kaugnayan kay Pangulong Rodrigo Duterte. Walang problema ang Usaping Bayan sa ginagawang pagpapahayag ng mga bloggers sa kanilang mga saloobin o paniniwala kahit ito ay hindi katanggap-tanggap basta inililinaw sa mga …
Read More »May silbi ba ang Presidential Task Force on Media Security?
ANO pa ang saysay ng Presidential Task Force on Media Security (PTFMS) kung wala rin lang namang makitang resulta sa kanilang mga nagagawa sa mga patayang nangyayari sa hanay ng media? Sa ilalim ng pamahalaan ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte, apat na ang napapatay na journalist pero hanggang ngayon mailap pa rin ang hustisya sa mga naiwan nilang pamilya. Unang …
Read More »Drug killing is overkilled?! (PNP chief DG Bato dela Rosa)
SINUSUPORTAHAN natin ang kampanya ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte laban sa ilegal na droga. Pero mukhang hindi maayos ang implementasyon nito pagdating sa pulisya. Pansinin natin… pagkatapos sumampol ng isang sinsabing bigtime gaya ng pamilya Parojinog, tumira ng maliliit gaya sa Bulacan na umabot sa 32 drug suspects ang naitumba ng pulisya. Pinuri ni Pangulong Digong ang Bulacan, kaya hayun, …
Read More »Hari ng taxi operators hinamon na tumakbo sa barangay elections
SOBRA talaga ang lakas ng pangulo ng Philippine National Taxi Operators Association (PNTOA) na si Atty. Bong Suntay sa mga opisyal ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) dahil matapos buwisitin ang Grab at Uber operations, naghayag siya ng interes na gumamit ang mga taxi driver ng application na katulad ng ginagamit ng Transport Network Vehicle Service (TNVS). Kung …
Read More »Opisyal, empleyado ng nat’l, local gov’t dapat daw mag-commute isang beses kada buwan (Bill ni Aangat Tayo Rep. Neil Abayon)
DAPAT sigurong budburan ng lebadura ang utak nitong si Aangat Tayo Rep. Neil Abayon para naman umalsa o umangat at makapag-isip nang tama. Hindi natin alam kung may mag-a-adopt na iba pang mambabatas sa panukala ni Abayon. Ang kanyang panukala, dapat daw sumakay sa mga pampasaherong sasakyan ang mga opisyal at empleyado ng national at local government tuwing weekdays at …
Read More »May drugs money ba sa “demolition job” laban kay Faeldon?
PINABILIB na naman tayo ni beloved Pres. Rodrigo “Digong” Duterte na mas pinili ang manindigan sa katapatan ni Commissioner Nicanor Faeldon bilang hepe ng Bureau of Customs (BOC). Sa kanyang talumpati kahapon sa Ozamiz City, muling idiniin ni Pres. Digong na nananatiling buo ang kanyang tiwala kay Faeldon at tinawag na honest man. Tama si Pres. Digong, nalusutan si Faeldon …
Read More »Basura ang Kamara
PLAYING safe? Ito marahil ang maaring sabihin sa nangyayari ngayon sa mga miyembro ng Kamara dahil sa kabila ng kontrobersiyang kinakaharap ni Commission on Elections (Comelec) chairman Andres Bautista tahimik na tahimik ang mga kongresista. Wala ni isa man lamang na kongresista na maglakas ng loob na direktang mag-file ng reklamo laban kay Bautista para tuluyan siyang ma-impeach at masipa …
Read More »DILG, DSWD bakante
DALAWANG magagaling na performer ang mawawala sa Gabinete ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte. Una, si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Sec-retary Judy Taguiwalo na tuluyang tinanggihan at hindi pinalusot ng makapangyarihang Commission on Appointments (CA) kahapon. Umabot sa 13 mambubutas ‘este mambabatas ang tumutol sa kompirmasyon ni Prof. Judy Taguiwalo bilang kalihim ng DSWD. Siya ay inirekomenda ng …
Read More »Barangay election tuloy pa rin
KUNG pagbabasehan ang batas, tuloy ang barangay election sa darating na Oktubre. Isang panukalang batas pa lamang ang pagpapaliban ng eleksiyon sa barangay na pumasa sa committee level ng Kamara nitong nakaraang Lunes. Ibig sabihin, mahabang proseso pa ang dadaanan ng panukulang postponement ng barangay election na tiyak na hihimayin ng House of Representatives at Senado. Hindi kailangan magdiwang ang …
Read More »Makapangyarihan pa rin ang Dasal
UNA sa lahat, nais natin pasalamatan ang Pangi-noong Diyos sa Kanyang kapangyarihang hipuin ang gobyerno ng North Korea partikular na si NoKor President Kim Jong-Un na huwag ituloy ang planong pag-atake sa Guam, isa sa estado ng Amerika, sa pamamagitan ng missile attack. Praise God. Ngunit, huwag munang makontento ang lahat – dapat ay magpatuloy pa rin tayo sa panalangin …
Read More »Barangay ni Ligaya buwagin
MAINIT na mainit mga ‘igan ang usaping pang-transportasyon sa pagitan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at ng Uber, matapos suspendihin ng LTFRB ang operasyon ng Uber. Ayon sa LTFRB, nilabag ng Uber ang kautusan ng ahensiya na nagbabawal, pansamantala, sa pagtanggap ng mga bagong application ng mga sasakyan. Sa isinumiteng “Motion for Reconsideration” ng Uber, ibinasura ito …
Read More »HB 6028 o Reversion to Maiden Name Act ni rep. GMA malaking tulong sa single moms
MALAKING tulong ang panukalang batas na “reversion to maiden name act” sa mga babaeng pinamanahan lang ng apelyido ng lalaking pinakasalan sila pero hindi naman talaga nila naging partner sa buhay. O hindi nila nakatulong sa pagtataguyod ng kanilang pamilya. Sa totoo lang, sa lipunang gaya sa Filipinas, ang isang babae na gumagamit ng apelyido ng tatay niya o ng …
Read More »Mag-ingat sa bird flu virus
HINDI biro ang avian flu virus na tumama sa daan-daang libong manok, itik at pugo sa Pampanga. At lalong hindi biro ang posibleng animal-to-human infection, sa sandaling hindi ito maabatan ng ating pamahalaan. Kaya ngayon pa lamang ay dapat paigtingin ang pagmo-monitor sa mga manok na itinitinda sa mga pamilihan upang matiyak na hindi kontaminado ng virus. Hindi lamang ang …
Read More »Taguba, Chinese financiers and Company ikulong agad!
NAGSAMPA na kahapon ng kaso sa Department of Justice (DOJ) ang National Bureau of Investigation (NBI) laban sa mga nasa likod ng nasabat na P6.4-B shipment ng shabu sa Valenzuela City. Kinasuhan ng paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga Taiwanese nationals na sina Chen I. Min at Jhu Ming Jyun; Chinese nationals Chen Ju Long (aka Richard …
Read More »Masakit na biro
ANG edukasyon ay napakahalaga sa ating mga Filipino kaya hindi kataka-taka na isinasanla ng mahihirap na magulang ang lahat, kasama na si Kalakian, upang matustusan ang pag-aaral ng kanilang mga anak, lalo na ang mga papakolehiyo. Pero ang katotohanang ito ay halatang hindi binibigyang pansin ng mayayamang mambabatas at ultimo pangulo natin dahil kung gayon ay hindi sana naging batas …
Read More »PNA balasahin, ‘kaburaraan’ arestohin at walisin
MABAIT pa rin si Presidential Communications and Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar. Ilang beses na bang sumalto ang mga ‘iresponsableng’ staff o editor sa Philippine News Agency (PNA) mula nang maupo ang Duterte administration? At hindi simpleng salto. Sabi nga ng isang prominenteng dilawan, may sumasabotahe sa ‘communications group’ ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte. Una, nag-upload ng photo patungkol …
Read More »Maglabas ng ebidensiya vs Paolo Duterte
MINSAN na namang lumutang ang pangalan ng anak ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte na si Davao City vice mayor Paolo sa usapin na may kinalaman sa korupsiyon. Ito nga ay nang ibulalas ng isang resource person ang pangalan ng presidential son sa congressional hearing noong isang linggo tungkol sa mga iregularidad sa Bureau of Customs. Matindi ang paninindigan ng pangulo …
Read More »Cause & effect sa magulong desisyon ng Ombudsman sa Puerto Princesa
LABAN at bawi na desisyon ng Office of the Ombudsman ang nagpapalala sa situwasyon sa lungsod ng Puerto Princesa. Ang ugat ng gulo o nagpapalito sa mamama-yan ng Puerto Princesa ay kaugnay sa magulo at nakalilitong desisyon ng ahensiya hinggil sa kaso ng nakaupong alkalde ng lungsod na si Lucilo Bayron. Noong 18 Nobyembre 2016, nagpalabas ng desisyon ang Ombudsman …
Read More »Pangulong Duterte mabuhay ka!
You’re the best DAPAT lang talaga na ang mga Chinese na involved sa P6.4-B shabu smuggling ay bitayin. Kawawa naman ang mga taga-Customs, nabulaga sila sa nangyari. Talagang napakasa-kit. Ang daming nadamay sa drugs na ito. Mana-got ang dapat managot! Kawawa ang mga idinadawit na walang kaalam-alam sa palusot na ito. *** President Digong is great at kahit sino ka …
Read More »Ugat ng problema
NAPAKAINIT na isyu ang kargamento ng ilegal na droga mula China na nagkakahalaga ng P6.4 bilyon na nakalusot sa Bureau of Customs (BoC) bunga umano ng katiwalian ng ilang opisyal. Ito ang pinakamalaking shipment ng shabu na nakapasok sa bansa kaya nararapat masibak ang mga sangkot na opisyal. Pero ayon sa liham ni Zhang Xiaohui, pinuno ng International Enforcement Cooperation …
Read More »Bilyonaryong Romero kinatawan ng party-list sa Kamara
ALAM ba ninyong ang kinawatan ‘este mali’ kinatawan ng isang party-list ay idineklara ng Forbes magazine na ika-49 sa mayayamang Filipino? ‘Yan ay noong 2016 nang ang kanyang net worth ay US$150 milyon. Dolyares po ‘yan hindi piso. Si Rep. Mikee Romero, kinatawan ng 1-Pacman party-list ay nagdeklara ng kanyang net worth sa P7 bilyones. Habang si Emmeline Aglipay-Villar, kinatawan …
Read More »Walang delicadeza si Sen. Ralph Recto
IPINAGPIPILITAN ng mga mambabatas na idiin ang pagsibak kay Commissioner Nicanor Faeldon sa Bureau of Customs (BOC) para maisalba ang sindikato na nagpasok ng P6.4-B shipment ng shabu sa bansa. Hindi magkandatuto si Sen. Ralph Recto at ang ibang mambabatas kung paano bibilugin ang ulo ni Pang. Rodrigo “Digong” Duterte para sibakin si Faeldon sa puwesto bilang hepe ng Customs. …
Read More »