Friday , November 15 2024

Opinion

National ID system dapat suportahan ng mamamayan

Bulabugin ni Jerry Yap

IMBES iprotesta, panahon na para suportahan ng mamamayang Filipino ang isinusulong na national identification (ID) system. Panahon pa ni dating Pangulong Ferdinand Marcos ay pinag-uusapan na ang pagpapatupad ng national ID system. Pero mariin itong tinututulan ng human rights activists noon. Ang national ID system umano ay tahasang paglabag sa indibiduwalidad ng isang mamamayan. Nang mawala sa poder si Marcos, …

Read More »

Inggit, yabang at dahas

EDITORIAL logo

ARAW-ARAW, bantad tayo sa mga nagaganap na karahasan na nakikita natin sa telebisyon, nababasa sa diyaryo at ‘yung iba sa atin, mismong sa harap ng dalawang mata nagaganap ang iba’t ibang uri nito. Pero kung bubusisiin, marami sa mga karahasang ito ay nagsisimula sa inggit at yabang hanggang maging palalo lalo’t kung may hawak na kapangyarihan. Inggit at yabang na …

Read More »

‘Sinister plot’ cum impeachment at pagtarantado sa rule of law

BALEWALA na sanang sulatin at pag-aksaya­han ng espasyo ang walang kabuluhang impeachment complaint na pinagkakaabalahang busisiin ng House Committee on Justice sa Kamara sa impeachment complaint na inihain ng abogadong si Larry Gadon para makabuo ng Articles of Impeachment na gagamitin para patalsikin si Supreme Court (SC) Chief Justice Ma. Lourdes Sereno sa puwesto. Mula’t sapol naman ay maliwanag na ‘fishing …

Read More »

There’s a joke but not really?! (Sa P3.5-B Dengvaxia scam)

Bulabugin ni Jerry Yap

ISANG joke ang nabasa ko kamakailan… Corny pero ganitong-ganito ang bumulaga sa sambayanang Filipino nang mabuyangyang ang P3.5 bilyong Dengvaxia scam — o ‘yung sakuna ‘este bakuna na sinasabing aaresto sa virus na dala ng lamok na pinagmumulan ng dengue. Ganito po ang joke: Isang nanay ang tumawag sa 911 at sinabing nakakain ng langgam ang kanyang 3-year old baby …

Read More »

Presidential appointees  na ‘bogus’ ang diploma?

NAPALUSUTAN ba ng appointees na ‘bogus’ o walang bisa ang academic credential ang kasalukuyang administrasyon? Aba’y, dapat paim­bestigahan agad kung sino-sino sila na ‘bogus’ naman pala ang diploma pero nagawang maitalaga sa iba’t ibang puwesto ni Pang. Rodrigo “Digong” Duterte sa kanyang administra­syon. Ang mga sinasabing nakapasok at humahawak ng matataas na puwesto sa administrasyon ni Presidente Digong ay nagawa umanong …

Read More »

Huling pagkilos ng kaliwa

Sipat Mat Vicencio

MATAPOS langawin ang isinagawang kilos-protesta ng grupong dilawan at kaliwa nitong nakaraang Bonifacio Day, muling tatangkain ng nasabing mga grupo na makakuha ng malawak na suporta ng bayan sa paggunita ng International Human Rights Day sa Disyembre 10. Kung tutuusin, ito ang huling aktibidad ng pagkilos na isasagawa ng grupong dilawan at leftist groups sa taong ito. Ibubuhos ng mga grupong …

Read More »

PhilWeb e-Games stations online again?!

Bulabugin ni Jerry Yap

KUNG dati ay bingo, mahjong at tong-its, hindi na ngayon. Maraming indibidwal lalo sa hanay ng mga housewife (pasintabi) po at mga  daily wage earner ang tiyak na muling magbabalik sa kanilang e-Games stations online. ‘Yan ay matapos muling makakuha ng ‘permiso’ ang PhilWeb Corp., sa Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR) para muling makapagpatuloy ng kanilang mga operasyon. Ang …

Read More »

Pambabastos kay Bonifacio

GAMIT na gamit na naman ng mga nagmamaskarang makabayan ang bayaning si Gat Andres Bonifacio sa paggunita ng kanyang ika-154 na kaarawan. Kahapon (Nov. 30), muling nairaos ng iba’t ibang grupo ang palsi­pikadong pagdakila sa itinuturing na Ama ng Rebolusyon na itinaya ang sariling buhay para sa bayan. Taon-taon na lang ay iyon at ‘yun din ang mamamalas na tagpo tuwing …

Read More »

Lupit ng senatorial race sa 2019

Sipat Mat Vicencio

SA susunod na taon, 2018, nakatitiyak tayong kanya-kanya nang posisyonan ang lahat ng mga politikong nagnanais sumabak sa senatorial race para sa midterm elections sa May 2019. Ang lahat ng partido politikal sa bansa, lalo ang PDP-Laban ng administrasyong Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte ang nakalalamang sa darating na halalan kung makinarya at orga­nisasyon ang pag-uusapan. Kung matatandaan, halos sinusuyod na …

Read More »

Filipino Time

TAYONG mga Filipino ay napupuna dahil sa ating palagiang pagiging huli sa mga appointment o schedule. Ito ang dahilan kaya nabansagan ang pagi­ging huli natin sa mga lakaran na “Filipino Time.” Subalit hindi naipaliliwanag ng bansag na ito ang dahilan ng ating kakaibang pagbibigay halaga sa oras o panahon na ikinasusuya ng hindi lamang iilan, lalo na ‘yung mga tagalungsod. …

Read More »

War on drugs kailangan bang pag-awayan ng PDEA at PNP?!

Bulabugin ni Jerry Yap

MAGKAISA at hindi magsisihan. Mukhang ‘yan ang dapat gawin ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isinusulong na giyera laban sa ilegal na droga ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte. Pero sa nakaraang pahayag ni PDEA chief, Aaron Aquino, hindi niya nagustuhan ang statement ni PNP chief, Director General Ronal “Bato” dela Rosa, na kaya raw …

Read More »

ENDO sa NAIA winakasan ni GM Monreal

Bulabugin ni Jerry Yap

MAGANDANG balita sa mga building maintenance na matagal nang nagtatrabaho sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminals pero hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin nareregular. Simula sa 16 Disyembre 2017, magkakaroon na sila ng bagong employment status at makatatanggap na ng mga benepisyo alinsunod sa napagkasunduan sa pagitan ng Manila International Airport Authority (MIAA) at service providers na nanalo …

Read More »

BBL dapat nang ipasa

MARIIN ang panawagan ng mga mamamayang Muslim sa administrasyong Duterte na kung maaari ay maipasa na ang Bangsamoro Basic Law na magiging malaking kapakinaba­ngan hindi lang ng mga Muslim sa Mindanao kundi sa buong rehiyon ng Mindanao. Sa isinagawang Bangsamoro Summit sa Sultan Kudarat kamakailan, na dinaluhan ng libo-libong mga Muslim, government officials at ilan pang mga stake holders, nangako …

Read More »

Goyo

NGAYONG 2 Disyembre 2017 ay ika-118 anibersaryo ng kamatayan ni Gregorio Del Pilar sa Tirad Pass para mabigyan ng panahon ang kanyang padron na si Emilio Aguinaldo na makalayo mula sa mga humahabol na sundalong Amerikano kahit malinaw pa sa sikat ng araw na winaldas niya ang pagkakataon para magtagumpay ang rebolusyon na inumpisahan ng kanyang ipinapatay na si Andres …

Read More »

Walang batas sa nagugutom

MALUPIT ang batas para kay Almira Cartina matapos siyang maa­resto ng mga pulis dahil sa umano ay pagna­nakaw kamakalawa ng umaga sa Marikina City. Agad ikinulong si Cartina sa salang pagnanakaw ng 1 ½ kilong karne mula sa isang meat shop sa nabanggit na lungsod. Kulang kasi ang detalye ng ulat na lumabas sa pahayagan dahil hindi kasi nila marahil itinuturing na …

Read More »

Saan patungo ang impeachment hearing laban kay CJ Sereno?

Bulabugin ni Jerry Yap

SA pinakahuling development, pinayagan na ng Supreme Court na humarap ang en banc justices kung ipatatawag ng House Committee on Justice sa impeachment hearing laban kay Chief Justice Lourdes Sereno. Sa pagpayag ng Supreme Court, ang tatlong justices at court employees ay puwede nang humarap sa House panel sa impeachment rap laban kay Chief Justice Sereno. Ibig sabihin nakahanda na …

Read More »

Kung ang protektor ay instrumento ng panunupil sino pa ang magtatanggol?

MALAKING kabalintunaan ang mga huling insidente nitong nakaraang linggo para sa isang beteranong mamamahayag — si Mat Vicencio. Matapos mailathala ang mga kolum na kritikal sa isang opisyal ng pamahalaan na nakatutok sa kaligtasan ng mga mamamahayag, nabalitaan ni Vicencio na ipinagtanong ng una ang mga lugar na kanyang pinaglalagian o tinatambayan. Hindi lang sa isa, kundi sa dalawang tabloid …

Read More »

Pagbabalik ng drug war sa PNP

KUNG may natutuwa man ay marami ang nababahala sa balita na balak ibalik ni President Duterte sa Philippine National Police (PNP) ang pangangasiwa sa kanyang kampanya laban sa droga. Nangangamba sila dahil mula nang masi­mulan ang giyera ng Pangulo sa ilegal na droga nitong nakalipas na taon ay naging kontrober­siyal ito sa dami ng mga nasawing suspek. May mga nagsasabi …

Read More »

Anibersaryo ng NBI matagumpay!

“EXCELLENCE in service, now and beyond,” ‘yan ang naging tema ng National Bureau of Investigation (NBI) sa kanilang 81st Anniversary sa pamumuno ng kagalang-galang at respetadong Director na si Atty. Dante Gierran. Simula nang pamunuan niya ang NBI ay napakarami nang nabago. Itinapon ang mga pa­saway at corrupt na agent sa probinsiya. Sa termino lang niya nagkaroon ng day-care center …

Read More »

Pasaway na negosyante sa QC ‘di uubra kay Domingo

IKAW ba ay isang ilegal na negosyante – walang kaukulang business permit ang negosyong pinatatakbo sa Quezon City? Kung isa ka sa tinutukoy na nagnenego­syong walang permit mula sa Quezon city Business Permit Licensing Department (BPLD) na pinamumunuan ni Ginoong Garry Domingo, naku po, mas mabuti pa siguro ay boluntaryo mo nang isara ang negosyo mo kung hindi may paglalagyan …

Read More »

Licensing power ng PAGCOR ililipat sa Kongreso (Sa House Bill No. 6514 nina Alvarez at Bondoc)

Bulabugin ni Jerry Yap

KAPAG naaprubahan ang House Bill No. 6514 na inihain ni Speaker Pantaleon Alvarez na co-author si Rep. Juan Pablo Bondoc, ang Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR) ay magiging Philippine Amusement and Gaming Authority (PAGA) na lamang. Ayon sa explanatory note sa nasabing House Bill, dahil parehong operator at regulator ng mga casino ang PAGCOR, hindi maiiwasang pagdudahan kung may …

Read More »

Absuwelto si Faeldon; Napahiya ang Senado

MAKATARUNGAN  ang pagkakadismis ng kaso laban kay dating commissioner Nicanor Faeldon at iba pang opisyal ng Bureau of Customs (BOC) sa P6.4 billion shabu shipment kamakailan. Si Faeldon at iba pang dating Customs officials ay inabsuwelto ng Department of Justice (DOJ) panel of prosecutors dahil sa kawalan ng probable cause o sapat na kadahilanan para sampahan sila ng kaso sa …

Read More »

Iginuhit ng tadhana

Sipat Mat Vicencio

NITONG nakaraang Sabado, 25 Nobyembre 2017, tuluyang pinag-isang dibdib ang dalawang nagmamahalang nilalang sa katauhan nina Michael Ferdinand “Mouse” Marcos Manotoc at Carina Amelia “Cara” Gamboa Manglapus sa San Agustin Church, Paoay, Ilocos Norte. Tunay na may kakaibang bertud ang pag-ibig dahil si Mouse ay apo ni dating Pangulong Ferdinand Marcos at si Cara naman ay apo ni dating Senador …

Read More »

Joma hindi mamamatay sa sariling bayan — Duterte

Bulabugin ni Jerry Yap

MUKHANG nauubusan ng respeto sa isa’t isa sina Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte at Communist Party of the Philippines (CPP) founder Jose Ma. Sison. Ayon kay Pangulong Digong: “I won’t allow dying Sison to return home.” Inihayag niya ito sa San Beda College of Law alumni homecoming. Sabi ng Pangulo,  “I will not allow him to enter his native land and …

Read More »

PAUMANHIN

Sipat Mat Vicencio

HINDI nakapagpasa ng artikulo para sa kanyang kolum na SIPAT sa araw na ito ang beteranong mamamahayag na si Mat Vicencio, dahil kina-ilangan niyang magpunta sa pulisya at ipa-blotter ang natanggap na death threat. Paumanhin po sa kanyang mga suki. Hinihiling rin namin ang inyong dasal laban sa masasamang intensiyon at elemento a t para iligtas siya sa kapahamakan. — …

Read More »