Saturday , July 27 2024
FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.
FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Ilegal na sugal hindi matuldukan

NAKALULUNGKOT isipin, sa kabila ng masinsinang kampanya ni President Duterte laban sa lumalabag sa batas ay hindi matuldukan ang pamamayagpag ng ilegal na sugal.

At lalong nakagu­gulat na may maliliit na perya na binansagang ‘pergalan’ na naghahandog ng bawal na sugal na tulad ng “color games” at “drop ball” na garapalang tumatakbo kahit malapit sa mga himpilan ng pulisya na inatasang patigilin ang mga ito.

Halimbawa rito ang color games ng tinaguriang ‘reyna’ ng pergalan na si “Marissa” na may puwesto sa Ilaya sa Divisoria na malapit sa mismong police community precinct o PCP at pati sa simbahan.

Hinihintay lang na magsara ang simbahan bago buksan ang kanyang sugalan. May puwesto rin siya sa Batanes Street at sa Blumentritt sa lugar ng Sampaloc.

Marami ang nagtataka kung bakit parang walang takot si Marissa sa pagpapatakbo ng ilegal na sugal kahit naging kapitbahay pa niya ang tahanan ng Panginoon o ang presinto ng pulisya.

Nananawagan tayo kay Superintendent Santiago Pascual III, ang hepe ng Manila Police District (MPD) Station 2 na nakasasakop sa Ilaya sa Divisoria, at kay Superintendent Aquino Olivar, hepe ng MPD Station 4 na may sakop sa Batanes at Blumentritt. Huwag ninyong hayaang paglaruan ni Marissa ang batas na tungkulin ninyong i­patupad. Aksiyonan ang pamamayagpag na ito upang hindi maghinala ang publiko na nakikinabang kayo sa pergalan ni Marissa.

Totoo kaya ang bali-balita na kahit kay Mayor Erap Estrada ay malakas ang reyna ng pergalan? Kung totoo ito, sino naman kaya ang kapit niya para makaporma sa Manila City Hall?

***

Sa lugar ng Pasay ay color games at black jack naman ang talamak ngayon. Halimbawang may burol sa looban, sa kanto pa lang ay ipupuwesto na ang color games at black jack para makapang-akit ng manlalaro.

Pinatatakbo ito nina “Christian” at PO3 Angelito Bebet Aguas. Itong si Aguas ay nakatalaga umano sa Headquarters Support Group ng Region 3 pero hindi nagdu-duty. Bukod sa color games ay nagsisilbi rin umano itong kolektor ng opisyales ng ilang police districts.

Si Christian naman ay unang nakilala sa pagpapatakbo ng bookies ng karera sa iba’t ibang sulok ng Pasay. Naniniwala ang marami na batid ng mga awtoridad na si Christian ang operator pero hindi ito ginagalaw dahil kaanak umano ng isang konsehal sa Pasay.

May mga nagtatanong kung hanggang nga­yon ba ay bulag ang buong Pasay City police at pati na si Mayor Tony Calixto sa pamamayagpag ng ilegal na sugal sa kanilang nasasakupan?

***

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-tweet sa @Side_View.

FIRING LINE
ni Robert B. Roque, Jr.

About Robert B. Roque, Jr.

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pacquiao at Lapid ‘basurang’ kandidato ni Bongbong

SIPATni Mat Vicencio DAPAT pag-isipang mabuti ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., kung nararapat bang …

Dragon Lady Amor Virata

Mag-asawa for mayor sa 2025 local elections

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SABI ni Parañaque City Cong. Edwin Olivarez, ang utol …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Paghihintay sa SONA

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. INAASAHANG nakatutok ang mata ng lahat sa Presidente sa …

Dragon Lady Amor Virata

Daming fake news sa socmed mga apektado kawawa naman

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SIYENTO PORSIYENTONG lumilitaw na ang social media ay ‘marites’ …

Sipat Mat Vicencio

Manalo kaya si Digong sa 2025 elections?

SIPATni Mat Vicencio NAGKAKAMALI ang marami kung inaakalang tuluyang makalulusot si dating Pangulong Rodrigo “Digong” …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *