Monday , November 25 2024

Gov’t/Politics

48 bedridden at hirap umalis ng bahay
NABAKUNAHAN NG BOOSTER SA NAVOTAS

Navotas

UMABOT sa 48 bedridden na Navoteño at hirap umalis ng kanilang bahay ang nakatanggap ng booster ng bakuna kontra CoVid-19, ayon sa pamahalaang lungsod ng Navotas. Binabahay-bahay sila ng mobile vaccination team ng lungsod para mabakunahan ng AstraZeneca booster. Kabilang sa mga barangay na nabisita ng vaccination team ang barangays Tanza 1, Tanza 2, Tangos North, at Tangos South. Personal …

Read More »

Tanodra-Armamento, bagong CHR chair

Leah Tanodra-Armamento

ITINALAGA bilang bagong chairperson ng Commission on Human Rights (CHR) si Leah Tanodra-Armamento kahapon. Pinalitan ni Tanodra-Armanento ang namayapang dating CHR chair na si Jose Luis Martin “Chito” Gascon. Siya ay namatay dahil sa komplikasyon sa CoVid-19 noong nakaraang taon. Hindi bago sa CHR si Tanodra dahil naging komisyoner din siya sa ilalim ng kasalukuyan at ikalimang Commission en banc. …

Read More »

Mula sa red-tagging
CYBER ATTACKS IWINASIWAS NG NTF-ELCAC VS MEDIA

HINDI katanggap-tanggap na ang isang task force na pinopondohan ng pera ng bayan ay sumusuporta at nagsusulong ng cyber attacks laban sa ilang news sites sa nakalipas na mga buwan. “Cyber censorship has no place in a democracy. It is deplorable that a publicly funded task force supports and promotes cyber attacks on news sites,” pahayag ng National Union of …

Read More »

‘Pabahay at Palupa’ project ni Rep. Vargas, inakusahang nanloko ng 500 pamilya

QC quezon city

INAKUSAHAN ng isang konsehal sa Quezon City ang kongresista ng Ika-5 Distrito ng parehong lungsod ng panloloko sa 500 pamilya dahil peke umano ang programang “Pabahay at Palupa” nito. Sa kanyang privilege speech nitong 14 Pebrero 2022 sa Sangguniang Panglunsod, ibinunyag ni Konsehal Allan Francisco na noong 2016 pa inalok at hinimok ng opisina ni Quezon City District Representative Alfred …

Read More »

Sa ‘di maawat na oil price hike
SAMBAYANAN MAGTIYAGA, MAGTIPID — DOE 

021722 Hataw Frontpage

ni ROSE NOVENARIO            “HABANG maiksi po ang kumot, magtiyaga po muna tayo, magtipid po muna tayo.” Panawagan ito sa publiko ni Department of Energy (DoE) – Oil Industry Management Bureau assistant director Rodela Romero kahapon sa Laging Handa briefing hinggil sa hindi maawat na pagtaas ng presyo ng langis. Simula ng taong 2022, pitong beses na ang oil price hike …

Read More »

Aarestohin kapag tumapak sa US
MARCOS JR., $2-B ‘SINUBA’ SA HR VICTIMS, $365-M UTANG SA KORTE 

021622 Hataw Frontpage

ni ROSE NOVENARIO PUWEDENG arestohin ang anak ng diktador at presidential aspirant na si Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., kapag tumapak sa Estados Unidos dahil sa pagkakautang na $365 milyon sa hukuman at $2 bilyon sa mga biktima ng human rights violations ng rehimeng Marcos. Sinabi ni dating Presidential Commission on Good Government (PCGG) commissioner Ruben Carranza, nahaharap sa contempt judgment …

Read More »

CitySavings Supports DepEd in Promoting Health and Safety Offers Incentives to Vaccinated Teachers

CitySavings Supports DepEd in Promoting Health and Safety Offers Incentives to Vaccinated Teachers

With the ‘progressive expansion’ of physical classes, City Savings Bank, Inc. (CitySavings) joins DepEd in its nationwide vaccination drive among its teaching and non-teaching personnel through a raffle promo to reward fully vaccinated teacher-clients. More than 230 were doubly delighted as they received their prizes of PHP 2,000 each. “Para sa (mga) bata, at para sa bayan.” This is what …

Read More »

Holcim Bulacan secures DPWH accreditation for material testing (Holcim Philippines, kinilala ng DPWH)

Holcim Bulacan secures DPWH accreditation for material testing

APRUBADO ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang planta ng Holcim Philippines, Inc. sa Bulacan bilang premyadong pasilidad na may kakayahang masuri ang tibay ng mga produktong magagamit para sa mga proyektong pang-enprastraktura ng pamahalaan. Ipinagkaloob ng DPWH sa planta ng semento ng Holcim Philippines, Inc, — nangungunang building solution provider sa bansa —  sa Norzagaray, Bulacan ang pagkilala …

Read More »

Importasyon ng 200-K MT asukal ipinatigil ng Korte

Sugar

INIHAIN sa pangunahing tanggapan ng Sugar Regulatory Administration (SRA) sa lungsod ng Quezon ang temporary restraining order (TRO) na nagpapatigil sa importasyon ng 200,000 metriko toneladang asukal papasok ng bansa nitong Martes, 15 Pebrero. Ayon kay Executive Judge Reginald Fuentebella ng Sagay City Regional Trial Court Branch 73 ng Negros Occidental, magiging epektibo ang TRO sa loob ng 20 araw …

Read More »

Ping nagpasalamat kay Kris

Ping Lacson Pnoy Kris Aquino

“I thank Kris back for posting this on IG. Since it was a quick Q&A from Jessica, my reply came straight from the heart.” Ito ang naging tugon ni Presidential aspirant Ping Lacson sa magagandang salitang ibinigay ni Kris Aquino sa kanya. “Every word was meant. Truth is the only thing we do not need to memorize,” sambit pa ni Ping   kasunod ng pagbati sa …

Read More »

Sa sponsored presidential debate
QUIBOLOY ‘BINOYKOT’ NG 4 ASPIRANTS

021522 Hataw Frontpage

ni Rose Novenario INISNAB ng apat na presidential aspirants ang itinakdang presidential debate ng Sonshine Media Network International (SMNI), broadcasting arm ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) ni Pastor Apollo Quiboloy ngayon. Hindi kaya ng konsensiya ni presidential candidate Senator Manny Pacquiao na dumalo sa naturang debate lalo na’t si Quiboloy ay wanted sa US sa iba’t ibang kaso kabilang …

Read More »

Leni-Kiko suportado ng urban poor group

Leni Robredo Kiko Pangilinan

NAGPAKITA ng buong-puwersang pagsuporta ang mga kinatawan mula sa iba’t ibang chapter ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay) sa tambalang presidential candidate Leni Robredo at vice presidential candidate Francis “Kiko” Pangilinan. Ang suporta ng grupo sa tambalang Leni-Kiko ay nag-ugat sa ipinadamang pagkalinga upang sila’y makatawid noong 2020 sa kasagsagan ng unang Luzon hard lockdown. “Gusto namin si [Kiko] na …

Read More »

Kasalan sa QC District 6

Joy Belmonte Kasalan sa QC District 6 Feat

Pinag-isang dibdib ni QC Mayor Joy Belmonte ang 105 magkasintahan sa libreng magarbong wedding ceremony sa loob ng QUEZON n City Memorial Circle (QCMC) na dinaluhan din bilang ninang at ninong ang Team Marangal na Paglilingkod sa pangunguna ni Congresswoman Marivic Co Pilar, Councilors Eric Medina, Vic Bernardo, Doc Ellie Juan, Kristine Matias, Banjo Pilar, at Vito Sotto. Kasama rin …

Read More »

Sa pagkalat ng kasinungalingan
MARCOS, JR., MAY MALAKING PAKINABANG SA ‘FAKE NEWS’

021422 Hataw Frontpage

ni ROSE NOVENARIO NAKIKINABANG ang anak ng diktador at presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., sa mga kumakalalat na kasinungaligan o falsehoods, ayon sa grupo ng fact-checkers para sa 2022 elections sa bansa. Sa weekly update sa website ng tsek.ph, grupo ng fact-checkers, nakasaad na ang mga lumalaganap na kabalintunaan ay pumapabor kay Marcos, Jr. Inihalimbawa ng grupo ang umano’y …

Read More »

Kris pinasalamatan si Ping; Coco bet ni Lacson

Kris Aquino Ping Lacson Coco Martin

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio PINASALAMATAN ni Kris Aquino si Senator Panfilo Lacson ukol sa pagpapahayag nito ng magagandang salita tungkol sa kanyang kapatid na si dating Pangulong Benigno S. Aquino III. Ani Kris, naliwanagan siya sa mga sinabi ng senador. “From watching Jessica Soho’s interviews then seeing his statement repeated sa INQUIRER, I’d like to personally THANK Sen. Ping Lacson for making me feel …

Read More »

Ex-PNP Chief Eleazar:
ANAK PABAKUNAHAN

Guillermo Eleazar Vaccine

IMUS, CAVITE — Siya mismo ay kaka-recover lang sa CoVid-19 kamakailan, nagpahayag ng pag-asa si dating Philippine National Police (PNP) chief at Partido Reporma senatorial aspirant Guillermo “Guimo” Eleazar sa positibong turnout ng vaccine rollout para sa mga menor de edad mula 5-11 anyos, darami ang mga magulang na papayagang pabakunahan ang kanilang mga anak para sa proteksiyon laban sa …

Read More »

Inasunto sa pambabastos ng babae,
GADON MASAMANG EHEMPLO BILANG ABOGADO

Larry Gadon

ISANG masamang ehemplo para sa mga nagnanais maging abogado si senatorial aspirant Larry Gadon. “You know the country just held the Bar exam, and it’s sickening to imagine Gadon as an example of what a lawyer is to those who took the exam. He is a terrible example, a terrible human being,” ayon kay investigative journalist Raissa Robles, nagsampa ng …

Read More »

Arjo Atayde nag-donate ng 49 laptops para sa mga daycare centers ng QC District 1

TULOY TULOY ang serbisyo publiko ng internationally acclaimed actor na si Arjo Atayde na tumatakbo bilang Kongresista ng Unang Distrito ng Quezon City. Nag-donate and actor ng 49 laptops para sa lahat ng mga daycare center ng District 1 ng Quezon City na maaring magamit ng mga guro at mga estudyante sa kanilang pag-aaral. Iginawad ni Atayde ang mga laptop …

Read More »

Laylayan sentro ng gobyerno ni Leni Robredo

021022 Hataw Frontpage

HATAW News Team IPINANGAKO ni Vice President Leni Robredo na ang mga nasa laylayan ng lipunan ang magiging sentro ng kanyang pamahalaan sakaling siya ay palarin na maging susunod na Pangulo ng bansa. Sa kanyang talumpati sa grand rally sa Naga City noong Martes, 8 Pebrero, tiniyak ni Robredo na ang kanyang pamahalaan ay makikinig sa mga hinaing ng taong­bayan. …

Read More »

Bello pinarangalan ng MMC para sa contact tracing efforts ng DoLE

Benhur Abalos Bebot Bello MMC DoLE

MAKATI CITY, METRO MANILA — Binigyan ng rekognisyon ng  17 local chief executives (LCEs) na bumubuo ng Metro Manila Council (MMC) ang inisyatiba ng Department of Labor and Employment (DoLE) sa ilalim ng pamumuno ni Secretary Silvestre ‘Bebot’ Bello III para sa pagbibigay-daan sa deployment ng aabot sa 6,000 contact tracer na sumuporta sa kapasidad ng pamahalaan upang matugunan at …

Read More »

Abalos nagbitiw bilang MMDA chairman, GM Artes tinalagang OIC

Benhur Abalos Romando Artes MMDA

MAKATI CITY, METRO MANILA — Sa pagsisimula ng pangangampanya para sa halalan sa Mayo 9 ngayong taon, mangangailangan ng bagong administrador ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) makaraang magbitiw bilang chairman si dating Mandaluyong city mayor Benjamin “Benhur” Abalos, Jr. Sa kanyang letter of resignation kay Pangulong Rodrigo Duterte sinabi ni Abalos: “I would like to announce that I am …

Read More »

Lacson hindi iiwan at tatalikuran si Sotto

Tito Sotto, Ping Lacson

WALANG balak na iwan at talikuran ni presidential aspirant Senator Panfilo “Ping” Lacson si Vice Presidential aspirants Senate President Vicente “Tito” Sotto III kapalit ng napapabalitang Lacson-Sara tandem. Ayon kay Lacson kung paano nila inihayag ang pagsuporta nila sa isa’t isa simula pa noong magdeklara sila ng kanilang tandem ay hindi ito matatapos hanggang sa huling laban sa halalan sa …

Read More »

Ekonomiyang sadsad, buhay ng tao sabay sagipin – De Lima

Leila de Lima

IMINUNGKAHI ni reelectionist Senator Leila de Lima sa papasok na bagong administrasyon, kasunod ng pagrerekober ng ating ekonomiya ay dapat matiyak na ligtas ang bawat buhay ng mamamayang Filipino lalo sa pagharap sa pandemyang dulot ng CoVid-19. Ayon kay De Lima, panahon na para tulungan ang mga negosyo na makaalpas sa pandemyang kinaharap ng ating bansa. “This means ensuring that …

Read More »

Endoso ni PRRD ginto

Ping Lacson Tito Sotto Rodrigo Duterte

AMINADO si vice presidential candidate Senate President Vicente “Tito” Sotto III, ginto pa rin ang endoso ni Pangulong Rodrigo Duterte sa sinomang tumatakbong pangulo para sa May 9 elections. Ayon kay Sotto at kay presidential candidate, Senator Panfilo “Ping” Lacson, kanilang iginagalang ang pasya ng Pangulo. Anila Lacson at Sotto, ito ay bahagi ng karapatan ng Pangulo na dapat igalang …

Read More »