Friday , January 10 2025

News

Anti-political dynasty bill may basbas ni PNoy

INAMIN ng Palasyo na may basbas ni Pangulong Benigno Aquino III ang pagsusulong ng Liberal Party na maipasa ang anti-political dynasty bill. Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, narinig niya kay Interior Secretary Mar Roxas sa forum ng Koalisyon ng Mamamayan para sa Reporma (Kompre) noong Lunes, na kinonsulta niya si Pangulong Aquino nang magpasya ang LP na suportahan ang …

Read More »

Sanggol utas, ina sugatan sa boga ni tatay

KORONADAL CITY – Binawian ng buhay ang isang sanggol na lalaki habang sugatan ang kanyang ina nang aksidenteng mabaril ng ama sa Sitio Mayada, Brgy. Libas, Tantangan, South Cotabato kamakalawa. Kinilala ng Tantangan PNP ang biktimang namatay na si Carl Steven Cabel, isang taon gulang, tinamaan ng bala sa noo. Habang sugatan din ang kanyang ina na si Jocelyn Anton, …

Read More »

P5-M natupok sa Quiapo warehouse

TINATAYANG P5 milyong halaga ng mga ari-arian ang natupok makaraan ang limang oras na sunog sa isang warehouse sa Quiapo, Manila kamakalawa ng gabi. Aminado ang mga bombero na nahirapan silang apulain ang apoy sa Orozco Street. Napag-alaman, nagsimula ang sunog dakong 7:35 p.m. at umabot sa ikalimang alarma. Nakontrol ang apoy at naapula dakong 11:39 p.m. Ang nasabing bodega …

Read More »

PNP media hotline inapura ni Sen. Poe

PINAMAMADALI ni senadora Grace Poe sa Philippine National Police (PNP) ang agarang pagtatayo ng hotline para sa maagap na pagbibigay ng proteksiyon sa mga miyembro ng media na nagbubunyag ng ano mang uri ng katiwalian o anomalya. “Hindi na dapat tumagal pa ang pagkakaroon ng hotline tungo sa madaliang pagre-report ng mga mamamahayag ng mga panganib sa kanilang buhay kaugnay …

Read More »

Toxic, hazardous chemicals ibinawal ni Cory

NILAGDAAN ni dating Pangulong Corazon Aquino, yumaong ina ni Pangulong Benigno Aquino III, noong Oktubre 26, 1990 bilang batas ang Republic Act 6969, naglalayong ipagbawal at kontrolin ang importasyon, pagbebenta, paggamit ng nakalalason at mapanganib na mga kemikal. Kilala bilang “Toxic Subtances and Hazardous Waste Chemicals Act of 1990,” ipinagbabawal nito ang pagpasok sa bansa ng chemical subtances na mapanganib …

Read More »

Payroll money hinoldap sa sekretarya

NATANGAY ang dalang P114,000 payroll money ng isang sekretarya ng dalawang lalaking holdaper na naki-angkas sa sinasakyan niyang tricycle kamakalawa ng hapon sa Caloocan City. Salaysay ng biktimang si Baby Jean Magtibay, 34, company secretary, residente ng #156 P. Sevilla St., Brgy. 54, ng nasabing lungsod, dakong 3:30 p.m. sakay siya ng tricycle pauwi sa kanilang bahay nang may sumabit …

Read More »

Misis sumama sa ibang lalaki mister nagbigti

CALAUAG, Quezon – Nagbigti ang isang 30-anyos driver sa Brgy. 3 ng bayang ito kamakalawa makaraan iwan ng kanyang misis at sumama sa ibang lalaki. Kinilala ang biktimang si Jhon Jhon Dollosen Villaflores ng nabanggit na lguar. Ayon sa imbestigasyon ng Calauag PNP, dakong 8 p.m. nang iulat sa himpilan ng pulisya ni Janneth Villaflores ang pagbibigti ng kanyang kapatid …

Read More »

Tongpats ni VP Binay inamin ng ex-partner (Makati Parking Bldg. P1.2-B original budget)

NAGSAGAWA ng kilos-protesta ang grupong United Makati Against Corruption (UMAC) sa Senate habang dinidinig ang kaso ng mag-amang Binay na tongpats upang pabilisin ang special COA Audit sa Makati City Parking Building na P2.7-bilyon parking building. KUMITA si Vice President Jejomar Binay ng malaking halaga mula sa tong-pats ng kontrobersiyal na Makati Parking Building. Ito ang ikinanta sa Senado ni …

Read More »

Philhealth coverage sa senior citizens — Abante (Ngayon na!)

NANAWAGAN ang senior citizens advocate at dating Manila Congressman Benny M. Abante sa kanyang mga dating kasamahan sa dalawang kapulungan ng Kongreso na bigyang prayoridad ang mga panukalang batas na magbibigay ng libre at buong Philhealth coverage sa senior citizens habang iginiit na ang mga nabanggit na panukala ay maaaring isagawa kahit na nag-aalala ang mga opisyal ng Philhealth kung …

Read More »

DWIZ station manager sugatan sa ambush

DAGUPAN CITY – Nilalapatan ng lunas sa pagamutan ang station manager at komentarista ng DWIZ na si Orlando “Orly” Navarro makaraan barilin ng hindi nakilalang suspek kahapon ng madaling-araw sa lungsod na ito. Napag-alaman, pauwi na sa kanyang bahay si Navarro kahapon ng madaling-araw nang barilin ng suspek sa Brgy. Pantal sa lungsod ng Dagupan. Patuloy na inaalam ng mga …

Read More »

Dennis Roldan, 2 pa guilty sa kidnapping

NAPATUNAYANG guilty sa kasong kidnapping ng Pasig Regional Trial Court ang former character actor at dating Quezon City congressman na si Dennis Roldan o Mitchell Gumabao sa tunay na buhay. Ang kasong kidnapping laban kay Roldan, 53-anyos, ay kaugnay sa 3-anyos batang Fil-Chinese na dinukot noong 2005. Sa desisyon ni Presiding Judge Rolando Mislang, guilty sa naturang pagdukot si Roldan …

Read More »

Misis ini-hostage ni mister (2 anak, 3 buwan ‘di nakita)

DAGUPAN CITY – Dahil sa hindi pagsunod ng kanyang asawa sa kanilang kasunduang magkikita silang mag-anak, ini-hostage ng isang padre de pamilya ang kanyang misis sa bayan ng Malasique, sa lalawigan ng Pangasinan kamakalawa. Hindi napigilan ng suspek na si Julius Palomino ang sama ng loob na nararamdaman nang hindi tumupad ang misis na iharap ang dalawa nilang mga anak …

Read More »

Apela ng BIR sa SALN request ibinasura muli ng SC

MULING ibinasura sa ikalawang pagkakataon ng Supreme Court ang kahilingan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na makakuha ng kopya ng Statement of Assets, Liabilities and Networth (SALN) ng mga mahistrado. Ayon kay SC Spokesperson Atty. Theodore Te, ibinasura ng korte ang Motion for Reconsideration (MR) ni BIR Commissioner Kim Henares dahil sa kakulangan nang makatwirang basehan. Maalala, unang humirit …

Read More »

3 impeachment vs PNoy ‘sufficient in form’ (Naka-first base sa Kamara)

NAGING mainitan ang debate ng komite sa Kamara kaugnay sa inihaing tatlong impeachment complaints laban kay Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III. Ilang mga congressman mula sa administration party coalition ang mahigpit na tumutol at tinangkang harangin ang complaint dahil marami anilang kakulangan sa porma. Ayon kay Eastern Samar Rep. Ben Evardone, dapat maging estrikto ang komite sa pagtanggap ng impeachment …

Read More »

Japanese niratrat sa Antipolo (Ex-misis sabit)

PATAY ang 66-anyos Japanese national makaraan tadtarin ng bala ng riding in tandem habang naghihintay ng masasakyan kamakalawa sa Antipolo City. Sa ulat na tinanggap ni Senior Supt. Bernabe Balba, Rizal PNP Provincial Director, kinilala ang napatay na si Kazuki Tzuya, nakatira sa 2nd floor ng Crisostomo Building sa Sumulong Highway, Brgy. Mayamot sa lungsod. Ayon sa imbestigasyon ni PO3 …

Read More »

Walo tiklo sa Bulacan sextortion

ARESTADO ang walo katao sa pagsalakay ng pinagsanib na pwersa ng PNP Anti-Cybercrime Group (ACG) at International Police (Interpol) sa organisadong crime networks na responsable sa ‘sextortion.’ Ayon sa ulat, limang menor de edad ang nasagip ng mga awtoridad sa magkasunod na pagsalakay sa mga bayan ng San Jose del Monte at Norzagaray sa lalawigan ng Bulacan. Ang operasyon ay …

Read More »

CoA special report madaliin (Sa tongpats sa Makati Bldg.)

HINIKAYAT kahapon ng United Makati Against Corruption (UMAC) ng Commission on Audit (COA) na madaliin ang special audit report na kanilang gagawin sa sinabing overpriced parking building sa Makati na nagkakahalaga ng halos P2 bilyon. Ayon sa UMAC  members, sa pangunguna ni lead convenor Atty. Renato Bondal, dapat isama ng COA ang iba pang bulding projects ng Makati kasama na …

Read More »

Geriatric hospital iligtas vs politika

Ang pagtugon sa pangangailangan ng ating mga nakakatanda sa paraan ng National Geriatric Hospital ay labas sa saklaw ng politika. Ito ang apela ng dating mambabatas na si Benny Abante, Chairman ng Bayan Mamamayan Abante Movement, sa Sangay Ehekutibo at sa Kongreso sa kanyang paglikom ng suporta para sa Eva Macaraeg-Macapagal National Center for Geriatric Health (NCGH) na pangunahing pasilidad …

Read More »

20K lumahok sa anti-pork barrel rally

ANTI-PORK, ANTI-CHACHA RALLY. Libo-libong raliyista ang nagtungo sa Luneta upang lumahok sa anti-pork at anti-Chacha protest kahapon. (BONG SON) TINATAYANG umabot sa 20,000 katao ang nakilahok sa isinagawang anti-pork rally sa Luneta, Manila kahapon umaga. Ito ang inihayag ni Bagong Alyansang Makabayan secretay general Renato Reyes Jr. Sinabi ni Reyes, umabot sa 20,000 katao ang nagtungo sa Luneta para makiisa …

Read More »

Kelot tumirik sa sex

LEGAZPI CITY – Binawian ng buhay ang isang 50-anyos lalaki makaraan atakehin sa puso habang nakikipagtalik sa isang babae sa loob ng isang motel sa Camarines Sur. Kinilala ang biktimang si Jose Osio, residente ng Brgy. San Juan, bayan ng Libmanan, na-sabing lalawigan. Sa salaysay ng babae na itinago sa pangalang Vivian, 30-anyos, hiwalay sa asawa, resi-dente ng Brgy. South …

Read More »

Misis, lover tinaga ni mister habang magkasiping

LEGAZPI CITY – Pinagtataga ng isang mister ang kanyang misis nang maaktohan habang may ibang kasiping sa Brgy. Sampa-loc, Sorsogon City. Kinilala ang biktimang si Melinda Janer, 39, at sinasabing kanyang kalaguyo na si Renante Malazarte, 26-anyos. Napag-alaman, sinugod ng suspek na si Felixberto Janer Jr., 44-anyos, ang tinutuluyang bahay ng kalaguyo ng kanyang misis makaraan may magsumbong na naroroon …

Read More »

50,000 Pinoys apektado sa California quake

LOS ANGELES – Umaabot sa 50,000 Filipino ang apektado ng magnitude 6.0 lindol sa California. Ang nasabing mga Filipino ay nasa Napa county, higit na naapektohan ng pagyanig. Ang ilan ay nasira ang mga bahay bunsod ng lindol. Marami rin ang nanatili pansamantala sa mga hotel. Bagama’t patuloy pang ina-alam kung may mga Filipino sa mga sugatan. Nabatid, 170 ang …

Read More »

Coed na sex slave ng ama ‘nagsiwalat’ sa class report

CEBU CITY – Sa pama-magitan ng Psychology class, naisiwalat ng isang 17-anyos dalagita ang ginawang panggagahasa sa kanya ng kanyang sariling ama sa ba-yan ng Cordova, sa lungsod ng Cebu. Ayon sa biktimang si Anna, simula Hunyo nitong taon ay naging sex slave siya ng sariling ama ngunit natatakot si-yang magsumbong sa pulis dahil baka siya ay patayin. Dahil dito …

Read More »

PNR train nadiskaril sa Sta. Mesa

NAANTALA ang operasyon ng Philippine National Railways (PNR) nang madiskaril ang isa sa mga tren nito sa Ramon Magsaysay Boulevard, malapit sa Altura station kahapon ng umaga. Nauna rito, tumirik din ang tren ng PNR noong Agosto 18. Ayon sa ulat, kumawala ang hulihang bahagi ng PNR train 8088 kaya agad itong inayos ng mga train engineer upang maibalik sa …

Read More »

College stud todas sa excursion

NAGA CITY – Nauwi sa trahedya ang sana’y masayang excursion ng mga estudyante nang isa sa kanila ang malunod makaraan tangayin nang malakas na agos ng tubig sa isang ilog sa lungsod na ito kamakalawa. Ang biktimang si Aron James Tandog ay tinangay nang malakas na alon ng tubig habang habang tumatawid sa na-sabing ilog. Nabatid, nagtungo ang 18-anyos biktima …

Read More »