Friday , January 10 2025

News

Backhoe operator nirapido sa ambush

TODAS sa 17 tama ng punglo ng kalibre. 45 baril ang isang backhoe operator nang tambangan ng tatlo sa apat na ‘di nakilalang suspek na sakay ng isang pick-up sa Valenzuela City. Dead-on-the-spot sanhi ng mga tama ng punglo sa katawan ang biktimang si  Richard Padilla, 39, may-asawa, backhoe operator, ng Sitio San Isidro, Brgy. San Jose, Antipolo City. Sa …

Read More »

Pinoy bitay sa Vietnam (Nagpuslit ng ‘coke’)

HINATULAN ng bitay ang isang Filipino sa Vietnam dahil sa pagpuslit ng cocaine kilala rin sa tawag na ‘coke.’ Batay sa ulat ng state media ng Vietnam, kinilala ang hinatulan na si Emmaniel Sillo Camacho, 39, nagpuslit sa bansa ng 3.4 kilo ng cocaine mula Brazil. Disyembre noong nakalipas na taon nang maaresto si Camacho sa Bai International Airport sa …

Read More »

Sen. Poe sumakay ng MRT (Para sa Senate probe)

SUMAKAY ng MRT kahapon ng umaga si Sen. Grace Poe upang maranasan ang aktwal na sitwasyon ng mga pasahero sa tren mula North Avenue station hanggang sa Taft station sa lungsod ng Pasay. Ito ay sa harap ng napipintong imbestigasyon na isasagawa ng Senate committee on public services na pinamumunuan ni Poe sa Setyembre 1 kaugnay ng kasalukuyang kalagayan ng …

Read More »

.5-M malnourished pupils target ng DepEd, DSWD

MAHIGIT kalahating milyong public schools students na nagpakita ng mga senyales ng severe acute malnutrition ang kabilang sa feeding program ng Department of Education (DepEd) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa susunod na buwan. Sa Aug. 18 memorandum, iniutos ni DepEd Secretary Armin Luistro ang pagpapatupad ng school-based feeding program (SBFP) upang tugunan ang undernutrition and short-term …

Read More »

Binatilyo sinibak sa ulo kritikal

MALUBHA ang kondisyon ng isang binatilyo nang tagain ng kaalitan ang kanyang ulo na parang buko sa Navotas City, kamakalawa. Ginagamot sa Tondo Medical Center (TMC) ang biktimang si Aljon Buenaventura, 16, ng Bikol Area, Brgy. Tanza, sanhi ng malalim na taga sa ulo. Arestado ang suspek na si Richard Guiniguinto, 23, ng nabanggit na lugar. Sa ulat ni PO2 …

Read More »

Salon owner todas sa gunman

TODAS ang isang salon owner nang barilin nang malapitan ng isa sa dalawang ‘di nakikilalang suspek habang nasa loob ng kanyang parlor sa Molino Road, Barangay San Nicolas 2, Bacoor City, lalawigan ng Cavite. Sa ulat na tinanggap ng Bacoor City PNP, kinilala ang biktimang si Redentor Ramos, Jr., 61, may-ari ng Red Ram Beauty Salon, ng Block 14, Lot …

Read More »

Palaboy namatay o nagpakamatay?

INIIMBESTIGAHAN ng Manila Police District-Homicide Section (MPD-HS) ang pagkamatay ng isang palaboy na natagpuang bumubula ang bibig sa Sta.Cruz, Maynila kahapon ng umaga. Inilarawan ni SPO3 Glenzor Vallejo, imbestigador ng MPD-HS, ang biktimang nasa edad 45-50, nakasuot ng asul na polo at  puting short na may stripes na itim. Dakong 6:15 a.m. nang makatanggap ng tawag ang MPD-HS kaugnay sa …

Read More »

Ex-con itinumba

ISANG ex-convict ang namatay nang barilin ng hindi nakilalang suspek habang naglalakad pauwi sa Navotas City, kamakalawa. Dead-on-the-spot ang biktimang si Jeffrey Pasquin, 32, residente ng  #003 Catleya St., Brgy. North Bay Boulevard South (NBBS), ng nasabing lungsod. Sa ulat ni P02 Allan Bangayan, dakong 12:30 a.m., nang maganap ang insidente sa Yellow Bell Alley, sa nasabing barangay. Naglalakad ang …

Read More »

Matanda produktibo pa rin (Payo ni Abante sa gobyerno)

Pinangatawan ngayon ng dating mambabatas at kilalang senior citizens rights advocate ang panawagan sa gobyerno na “tumulong sa pagbalangkas, pagpondo at pagpapatupad ng mga proyekto sa ‘grassroots level’ na magpapabuti sa kalagayan ng mga nakakatanda.” Pinayuhan ng dating kinatawan ng Maynila na si Benny M. Abante, Chairman ng Bayan Mamamayan Abante Movement, ang mga pinuno ng bansa at maging ang …

Read More »

Cake sa Makati ‘raket’ ni Nancy

”ALAM naman po ng lahat ng taga-Makati iyon. Si Senadora Nancy naman po talaga ang gumagawa noon … Noong araw nang hindi pa siya senador.” Ito ang tahasang pahayag ng dating bise alkalde ng Makati City na si Ernesto Mercado patungkol sa supplier ng kontrobersyal na cake na ipinamimigay sa senior citizens ng lungsod tuwing kanilang kaarawan. Sa pagdinig ng …

Read More »

Sentensiyador sa tupada todas sa tari ng manok (Panabong pumalag)

PATAY ang isang 68-anyos sentensiyador sa illegal na tupadahan makaraan aksidenteng tamaan ng tari nang biglang pumalag ang hawak na panabong sa Malabon City. Hindi na umabot nang buhay sa Pagamutang Lungsod ng Malabon ang biktimang kinilalang si Ambrosio Gonzales, residente ng #148 Sanciangco St., Brgy. Catmon ng nasabing lungsod, sanhi ng sugat sa dibdib at tiyan. Sa imbestigasyon nina …

Read More »

Biyuda ni Enzo, ‘lover’, pulis inasunto na (Parricide, frustrated murder)

SINAMPAHAN ng kasong parricide at frustrated murder ng mga awtoridad ang biyuda ni international car racing champion Enzo Pastor na si Dahlia Guerrero Pastor. Kasama niyang kinasuhan ang itinuturing na mastermind sa krimen na ang negosyanteng si Domingo “Sandy” de Guzman III at ang gunman na si Police Officer 2 Edgar Angel para sa pagpatay kay Enzo. Tinukoy ng pulisya, …

Read More »

Media killings walang relasyon sa propesyon (Giit ni PNoy)

DISENTE lang ang administrasyong Aquino kaya hindi ibinubulalas sa publiko na walang kinalaman sa kanilang propesyon ang pagpaslang sa ilang mga mamamahayag. Sinabi ni Pangulong Benigno Aquino III kahapon sa panayam ng Bombo Radyo, ang hindi pagkibo ng mga awtoridad sa ilang kaso ng media killings ay hindi nangangahulugan na hindi ito iniimbestigahan, disente lang aniya ang kanyang administrasyon kaya …

Read More »

Sanggol ibinalibag sa baldosa tigok

DAGUPAN CITY – Sapilitang kinuha ng isang 34-anyos lalaking may diperensiya sa pag-iisip ang isang taon gulang na sanggol mula sa kanyang ina at patiwarik na ibinalibag sa baldosa. Pagkaraan ay mabilis na tumakbo ang suspek ngunit hinabol ng mga barangay tanod sa Brgy. Bacnono, Bayambang, sa lalawigan ng Pangasinan. Ayon sa ulat, karga ng ina ang batang si Shaira …

Read More »

Masahista dedo sa dos por dos ng kabaro

PATAY ang isang 56-anyos masahista sa Baywalk makaraan pagpapaluin ng dos por dos ng kapwa niya masahista sa Roxas Boulevard, Maynila kahapon ng madaling-araw. Hindi na umabot nang buhay sa Ospital ng Maynila ang biktimang si Loberico Llaver, ng #589 San Lorenzo St., Malate, Maynila. Habang tinutugis ng mga awtoridad ang suspek na si Renato Castro III, 45, ng #2466 …

Read More »

Kagawad utas sa ambush

BINAWIAN ng buhay ang isang kagawad ng barangay makaraan tambangan ng tatlong hindi nakilalang lalaki sa Olongapo-Gapan Road, San Mateo, Arayat, Pampanga kamakalawa. Kinilala ang biktimang si dating SPO2 Pedro Miranda, 56, retiradong pulis, ng Park 2 ng nasabing lugar, kagawad ng Brgy. Suclayin, Ayon sa report mula sa Kampo Olivas, dakong 6:40 a.m. kamakalawa habang sakay ang biktima ng …

Read More »

20 trucks ng relief goods para sa Yolanda victims sa R-6 nakabinbin pa rin

ILOILO CITY – Ipinaliwanag ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) kung bakit hindi pa naipamamahagi ang mahigit 20 truck ng relief goods para sa mga biktima ng bagyong Yolanda sa Rehiyon 6. Napag-alaman, ang nabanggit na relief goods ay nakaimbak lamang sa covered gym ng Iloilo Sports Complex. Ayon kay Judy Tañate Barredo, public information officer ng DSWD …

Read More »

Amok na piyon nagbigti

BAGUIO CITY – Nagbigti ang isang construction worker makaraan magwala nang hindi sila magkaintindihan ng pinsang babae sa Purok 4, Central Fairview, Baguio City kamakalawa. Kinilala ang biktimang si Lester Salvador Gutierez, 25, construction worker at nakatira sa nasabing lugar. Sa imbestigasyon ng Baguio City Police Office, Stn. 1, umuwing lasing ang biktima at ang pag-uusap nilang magpinsan ay nagresulta …

Read More »

Fastfood delivery boy dedo sa rambol ng 6 sasakyan

NALAGUTAN ng hininga ang isang delivery boy ng isang fastfood restaurant makaraan magkarambola ang anim sasakyan sa Mindanao Avenue, Quezon City kahapon ng umaga. Ayon sa ulat, nawala sa kontrol ang 10-wheeler truck na may kargang buhangin kaya sinalpok ang limang iba pang mga sasakyan sa kanto ng Mindanao at Congressional Avenues dakong 4:30 a.m. Sa puntong iyon, pabalik na …

Read More »

Pinakamalaking mobile recycling program inilunsad ng Globe

INILUNSAD ng Globe Telecom ang pinakamalaking mobile recycling program sa Pilipinas upang lumikha ng kaalaman sa tamang disposal ng electronic waste (e-waste) upang maiwasan ang masamang epekto nito sa kalusugan at kapaligiran. Tinawag na Project 1 Phone, umaasa ang Globe na susuportahan ang kampanya ng may 45 milyong subscribers sa buong bansa. ”Obsolete and discarded electronic and electrical devices which …

Read More »

Utak sa Enzo Pastor slay arestado

ARESTADO na ang mastermind sa pagpatay sa international race car champion na si Enzo Pastor. Kinilala ng QCPD-CIDU ang sinasabing mastermind na ang negosyanteng si Domingo ”Sandy” de Guzman III, naaresto ng pulsiya kamakalawa sa Muntinlupa City. Inaresto si De Guzman makaraan siyang ikanta ng gunman sa krimen. Nakuha sa posesyon ng negosyante ang dalawang armas. Habang kinilala ang gunman …

Read More »

Padaca muling kinasuhan sa Ombudsman

SINAMPAHAN ng kaso sa Ombudsman si dating Commission on Elections (Comelec) Commissioner Grace Padaca ng kanyang kababayang abogado sa Naguilian, Isabela, dahil sa hindi pag-file ng kanyang Statement of Assets and Liabilities and Networth (SALN) noong siya ay gobernador ng Isabela. Ang kasong paglabag sa Section 1, Rule 7 ng Republic Act 6713 o Code of Conduct and Ethical Standards …

Read More »

Suspek sa DWIZ station manager ambush timbog (ALAM nagpasalamat)

DAGUPAN CITY – Arestado na ang suspek sa pagbaril sa DWIZ station manager na si Orlando “Orly” Navarro sa Lungsod ng Dagupan. Ayon kay Dagupan City Chief of Police Supt. Christopher Abrahano, naaresto ang suspek na si Rolando Apelado Lim, Jr., 46, residente sa Brgy. Pantal sa lungsod. Sinabi ni Abrahano, may hawak na silang malakas na ebidensiyang magpapatunay na …

Read More »

Misis uminom ng gasolina tigok

ZAMBOANGA CITY – Binawian ng buhay ang isang ginang makaraan uminom ng gasolina na hinaluan ng katas ng nakalalasong halaman kamakalawa. Kinilala ng pulisya ang biktimang si Juliet Limpar Malintad, 30-anyos, residente ng Brgy. Kabatan ng nasabing bayan. Kwento ng live-in partner ng biktima na si Oscar Alicaway, bago ang insidente ay nag-away sila ni Malintad dahil sa matinding selos …

Read More »

Usurero itinumba sa public market

HINDI na umabot nang buhay sa pagamutan ang isang usurero o nagpapautang ng 5-6, makaraan pagbabarilin ng hindi nakilalang mga suspek sa palengke ng Sta. Maria, Bulacan, kamakalawa. Sa ulat na nakalap mula sa tanggapan ni Supt. Rodolfo ‘Boy’ Hernandez, hepe ng Sta. Maria PNP, kinilala ang biktimang si Ferdinand Libarra y Diaz, 45, residente ng Brgy. Catmon, sa naturang …

Read More »