Friday , January 10 2025

News

Sweet 16 binuntis may-asawang kelot dedbol sa 2 utol

LEGAZPI CITY – Tinutugis ng mga awtoridad ang magkapatid na suspek sa pagpatay sa kanilang kaibigan na nakabuntis sa dalagitang kapatid ng mga salarin. Kinilala ang biktimang si Gener Alamo, 43, may asawa, residente ng Bgry. 1, Ems Barrio, sa Lungsod ng Legazpi, at empleyado ng isang telecommunications company. Sa imbestigasyon ng pulisya, nagkayayaang mag-inoman ang biktima at ang mga …

Read More »

4 HS students biktima ng hazing

DAGUPAN CITY – Na-trauma at nagkapasa sa binti ang apat babaeng estudyante ng Parayao National High School sa bayan ng Binamaley, sa lalawigan ng Pangasinan, makaraan silang mabiktima ng hazing. Ayon kay Supt. Marlou Aquino Castillo, hepe ng Binmaley Police Station, nangyari ang hazing sa isang abandonadong bahay na pag-aari ng pamilya ng isa sa mga menor de edad na …

Read More »

13 Koreano arestado ng NBI sa illegal online gambling

ARESTADO ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang 13 Korean Nationals dahil sa illegal na operasyon ng online gambling business sa Manila. Ang mga suspek ay hinuli dahil sa impormasyon ng NBI na sila ay sangkot sa nasabing pasugalan na walang permit at ninanakaw ang mga impormasyon sa credit card ng kanilang mga biktima. Iniimbestigahan din ng …

Read More »

2 ampon na paslit nalitson sa Cebu fire

CEBU CITY – Tostado ang dalawang bata nang makulong sa nasusunog nilang bahay sa Sitio Binabag, Brgy. Tayod, lungsod ng Consolacion kamakalawa. Sina Mikay, 5, at Raffy 6, kapwa ampon ni Rudy Bandibas, ay natosta sa loob ng bahay. Ayon sa imbestigasyon ni SFO1 Jemeserio Buris ng Consolacion Fire Station, naglalaro sa loob ng kwarto ang dalawang bata at hindi …

Read More »

Boxing trainer naglaslas ng tiyan (GF may kalaguyo)

BAGUIO CITY – Selos sa kanyang girlfriend ang sinasabing dahilan kaya sinaksak ng isang boxing trainer ang sarili kamakalawa. Kinilala ang biktimang si Joven Jorda, 41, boxing trainer, tubong Iloilo, at residente ng La Trinidad, Benguet. Habang ang kasintahan ng suspek ay si Michelle Diang, 24, isang entertainer, tubong Zamboanga del Sur, at residente ng La Trinidad, Benguet. Sa imbestigasyon …

Read More »

Bohemian Rhapsody kinantang mali Kano nagwala (Sa Boracay)

KALIBO, Aklan – Nagwala ang isang turistang Amerikano nang baguhin ang lyrics ng kantang “Bohemian Rhapsody” sa isang videoke bar sa isla ng Boracay. Ayon kay Robert Christopher, 51, American national at nagbabakasyon lamang sa isla, habang masayang umiinom sa loob ng videoke bar ay napikon siya nang baguhin ng kumakantang si alyas “Eric” ang lyrics ng kanyang paboritong awitin. …

Read More »

Bagyong ‘Neneng’ papasok na sa PAR

INAASAHANG papasok ngayong gabi sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Typhoon Phanfone (international name). Pagtaya ni state weather forecaster Gladys Saludes, Biyernes ng gabi inaasahang papasok sa sulok ng PAR line ang sentro ng bagyo. Bagyong Neneng ibabansag dito pagpasok ng PAR. Gayonpaman, agad din itong lalabas dahil dadaan lamang ito sa dulo ng PAR. Taglay ng ‘Phanfone’ ang …

Read More »

HK$100 umento sa sahod kulang — Pinoy workers

MAS mababa sa inaasahan ng grupo ng Filipino workers sa Hong Kong ang ipinatupad na umento sa kanilang sahod. Nagpatupad ang Hong Kong SAR government ng 2.5 porsyentong pagtaas o HK$100 sa minimum allowable wage (MAW) ng mga foreign domestic worker. Ibig sabihin nito, mula HK$4,010, aakyat na ang MAW ng mga DH sa HK$4,110 kada buwan. Ayon kay Dolores …

Read More »

2-anyos baby boy nalunod sa kanal

BACOLOD CITY – Nalunod ang 2-anyos batang lalaki sa isang kanal sa lalawigan ng Negros Occidental kamakalawa. Kinilala ang biktimang si John Semania, residente ng New Binangkaan, Brgy. Daga, Cadiz City. Nangyari ang insidente kamakalawa makaraan bumuhos ang napakalakas na ulan. Napag-alaman, naliligo sa ulan ang bata ngunit hindi namalayan ng nagbabantay na lolo na pumunta sa kanal at posibleng …

Read More »

Beking beautician tinarakan

SINAKSAK ng dalawang beses ang isang 35-anyos beking beautician nang sumagot nang pabalang sa suspek nang gisingin at tanungin ang biktima habang natutulog sa bangketa ng Sta. Cruz, Maynila kahapon ng madaling-araw. Nakaratay sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang biktimang si Aries Ronquillo, tubong Pampanga, walang permanenteng tirahan sa Maynila. Habang hindi pa nakikilala ang suspek na inilarawang payat …

Read More »

Misis binugbog ni mister (Pagkain nilagyan ng lason?)

NAHAHARAP sa kasong paglabag sa Republic Act 9262 (Violence Against Women’s and Children’s Act) ang 44-anyos lalaki makaraan bugbugin ang kanyang kinakasama na inakusahan niyang nilagyan ng lason ang kanyang pagkain kamakalawa ng gabi sa Makati City. Nakapiit na sa detention cell ng Makati City Police ang suspek na si Alberto Gulas, ng 3232 Guerna St., Brgy. Palanan ng naturang …

Read More »

Reporma sa VFP hiniling na kaagad ipatupad ni Gazmin

MULING nanawagan ang mga beterano at kanilang mga kamag-anak kay Department of National Defense (DND) Secretary Voltaire T. Gazmin sa mabilisang implementasyon ng bagong constitution and by-laws (CBL) ng Veterans Federation of the Philippines (VFP). Naunang sumulat si Defenders of Bataan and Corregidor, Inc. (DBC) National Commander Rafael Evangelista kay Sec. Gazmin upang ipanukala ang pagtatatag ng Management Committee para …

Read More »

No wage increase sa gov’t workers — Abad (Insentibo lang)

AGAD kumambiyo si Department of Budget (DBM) Secretary Florencio “Butch” Abad sa kanyang pahayag na walang wage increase na maipatutupad para sa mga empleyado ng gobyerno sa susunod na taon. Sinabi ni Abad, bagama’t walang inaasahang dagdag sa sahod ng mga empleyado ay may dagdag sa kanilang insentibo. Dahil dito, makatatanggap ang mga kawani ng gobyerno ng productivity enhancement incentive …

Read More »

Dagdag sweldo sa guro suportado ng DepEd

WORLD TEACHERS’ DAY. Sumugod sa Mendiola ang mga guro bilang maagang paggunita sa World Teachers’ Day sa Oktubre 5, bitbit ang mga plakard upang igiit ang pagsasabatas ng House Bill 245, naglalayong itaas ang sahod ng mga guro. Hiniling din nila sa nasabing protesta ang pagbaba sa buwis at pagbasura sa K to 12 education program. (BONG SON)   SUPORTADO …

Read More »

Ex ni Philip nagpiyansa vs Estafa

PANSAMANTALANG nakalaya sa kasong estafa si Cristina Decena, dating maybahay ng aktor na si Philip Salvador, makaraan maglagak ng piyansa. Bago mag-5 p.m. kamakalawa nang magtungo si Decena sa Quezon City Regional Trial Court (RTC) Branch 107 sa sala ni Judge Jose Bautista, dala ang P30,000 cash na inirekomenda ng Pasig RTC Branch. Ayon kay Atty. Filomena Lopez, clerk of …

Read More »

Sexy model itinangging kilala ng police general (Sa ‘calling card scandal’)

ITINANGGI ni Chief Supt. Alexander Ignacio na personal niyang kilala ang modelong si Alyzza Agustin na ginamit ang kanyang calling card para malusutan ang kinasasangkutang traffic violations. Nilinaw din ni Ignacio na siya ay one star general at hindi two star general na nakapaloob sa calling card na kumakalat sa social networking sites, at hindi niya executive assistant si Agustin. …

Read More »

Purisima ‘di nagsasabi nang totoo — Osmeña, Poe

HINDI nagsabi ng buong katotohanan sa ginanap na Senate inquiry si Philippine National Police (PNP) chief Dir. Gen. Alan Purisima. Ito ang nagkakaisang pahayag nina Sen. Serge Osmeña at Senate committee on public order and dangerous drugs chairperson Sen. Grace Poe. “I’m not convinced that he’s telling the truth entirely or if he’s revealing the entire truth. Maybe there’s a …

Read More »

Kotongan sa pantalan inamin ng Palasyo

INAMIN ng Palasyo na talamak ang kotongan sa pantalan kaya’t magbabalangkas ng mga bagong patakaran ang Bureau of Customs (BoC) para maayos ang sistema nang paggalaw ng mga kargamento. Sa katunayan, ayon kay Cabinet Secretary Rene Almendras, pwede na siyang magsulat ng ‘Handbook on Kotong’ para talakayin ang malalang pangingikil sa importers at truckers sa loob at labas ng pantalan. …

Read More »

Kilos-protesta banta ng Customs brokers vs port congestion

NAGBANTA ng kilos-protesta ang samahan ng Customs brokers sa Bureau of Customs (BoC) dahil sa hindi pa rin nasosolusyunang port congestion. Isa rin itong pagkilos kontra sa unang araw ng pagpataw ng multa sa importers ng mga overstaying na container. Ayon kay Ray Sulayman, vice president ng Customs Broker Council of the Philippines, imbes solusyunan ang problema sa port congestion …

Read More »

15 estudyante, 2 guro sa Aklan nalason sa cake

KALIBO, Aklan – Aabot sa 15 mag-aaral mula sa high school at dalawang guro ang nalason sa kinaing cake na gawa sa isang uri ng kamoteng kahoy na niluto bilang bahagi ng kanilang experiment para sa kanilang Science Fair sa Batan, Aklan. Base sa report, ang mga biktima ay nakaramdam ng pagkahilo, pananakit ng tiyan at pagsusuka makaraan kumain ng …

Read More »

Kelot ‘di nag-remit sa droga itinumba

PATAY ang isang 33-anyos hinihinalang tulak ng droga makaraan barilin sa ulo nang mabigong i-remit ang P3,000 utang sa kinuhang droga kamakalawa ng gabi sa Tondo, Maynila. Binawian ng buhay habang isinusugod sa Gat Andres Bonifacio Medical Center ang biktimang si Francis Santosidad ng 209 Matiisin Street, Tondo. Habang tinutugis ng mga awtoridad ang suspek na si Winefredo Vegas, alyas …

Read More »

P2.4-M shabu nasabat Tsinoy arestado

ARESTADO ang isang Tsinoy sa buy-bust operation ng District Anti-Illegal Drugs-Special Operations Task Group (DAID- SOTG) at Malabon City Police sa isang fastfood chain sa Caloocan City kahapon ng hapon. Kinilala ang suspek na si Mike Tiu, 36, residente ng Brgy. Sta. Lucia Masantol, Pampanga, nahaharap sa kasong paglabag sa R.A. 9165 (Dangerous Drugs Act), nakapiit na sa detention cell …

Read More »

Bahay ng kaaway sinunog ng karpintero

NAKATAKDANG sampahan ng kasong arson ang isang lalaki makaraan sunugin ang bahay ng nakaalitang kapitbahay sa Meycauayan City, lalawigan ng Bulacan kamakalawa. Kinilala ang suspek na si Victor Policarpio, 40, residente ng Brgy. Lawa sa naturang lungsod, nagkaroon ng mga paso sa katawan nang madikitan ng apoy dahil sa kalasingan. Makaraan ang insidente, nagtago ang suspek sa bahay ng kanyang …

Read More »

8-anyos nene sex slave ng ‘lolong’ manyak

NAGA CITY – Labis ang galit na naramdaman ng isang ina nang malaman na biktima ng panghahalay ang kanyang anak na babae sa Lopez, Quezon. Sa ulat na ipinadala ng Quezon Police Provincial Office, kinilala ang suspek sa pangalang Lolo Ambet. Sa imbestigasyon ng pulisya, naglalaro ang 8-anyos biktima kasama ang kanyang kapatid na lalaki sa bahay mismo ng suspek. …

Read More »

3 tanker nagliyab sa oil depot

TATLONG tanker ang nagliyab at nasunog sa isang oil depot sa Old Panaderos St., Punta, Sta. Ana, Maynila kahapon ng umaga. Ayon kay Manila Fire Marshall Supt. Jaime Ramirez, nagsasalin ng gasolina ang tanker (CUV 851) sa isa pang tanker (WGU 626) nang maganap ang insidente. Sa kalagitnaan ng pagsasalin, nag-start ng makina ang driver ng sinasalinang tanker dahilan upang …

Read More »