Saturday , January 11 2025

News

Palaboy na Kano tiklo sa shoplifting

KALABOSO ang isang 51-anyos American national makaraan mag-shoplift ng beauty products kamakalawa ng umaga sa Maynila. Nahaharap sa kasong theft (shop[lifting) ang suspek na si David Allen James, palaboy sa Bay Walk, Roxas Boulevard, Maynila makaraan mahulihan ng halagang P3,199 halaga ng Olay beauty products na  kanyang inumit sa Robinson’s Supermarket sa Ermita, Maynila. Nabatid na binitbit nina PO1s Jonathan …

Read More »

Massage therapist arestado sa rape  

ARESTADO sa kasong panggagahasa ang isang 22-anyos massage therapist sa bahay ng kanyang kamag-anak kamakalawa ng hapon sa Sampaloc, Maynila. Ayon kay Supt. Mannan Muraip, station commander ng MPD-PS 4, nakatakdang i-turn-over sa Regional Trial Court ng Ligao, Albay ang suspek na si Maximino Prollamante,  residente ng Binanowan, Ligao City. Naaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na …

Read More »

‘Knockout’ si Floyd hangad ng Pinoy boxing fans (Sa kamay ni Manny)

HABANG isinasagawa at hanggang matapos ang weigh-in kahapon, bumaha ang obserbasyon at kanya-kanyang forecast ng boxing fans sa radyo at sa internet. Marami ang nagsasabing mistulang eksenang Samson at Goliath ang nasaksihan sa weigh-in kahapon nina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather sa siksikang MGM Grand. Pagpasok pa lamang ng dalawang boksingero, lumalabas na dominado ni Mayweather ang sitwasyon dahil ‘ika …

Read More »

Walang blackout knockout meron – Meralco

WALANG mararanasang “blackout,” “knockout” lang. Ito ang siniguro ng Manila Electric Corporation (Meralco) sa bakbakan ni Rep. Manny Pacquiao at American undefeated boxer Floyd Mayweather Jr. ngayong araw. Ayon kay Rolando Cagampan, senior vice president at head ng energy department ng Meralco, walang mararanasang brownout sa kalakhang Maynila sa pinakaaabangang “Battle for Greatness.” Paliwanang niya, mas mababa ang demand ng …

Read More »

Sa Araw ng mga Manggagawa: Obrero dumaing (Mababa ang sahod, kulang ang benepisyo, at talamak ang kontraktuwalisasyon)

ni Leonard Basilio. DAAN-DAANG militante ang lumahok sa kilos-protesta sa Mendiola Peace Arch sa Maynila bilang paggunita sa Labor Day. Bago nagmartsa patungong Mendiola, nagtipon muna ang mga demonstrador sa España, Manila City Hall, Liwasang Bonifacio sa Lawton at iba pang lugar. Sumama rin sa pagkilos ang mga grupo mula sa Southern Tagalog at iba pang karatig lalawigan. Panawagan ng …

Read More »

Mababang welga ibinida ni PNoy

LABOR DAY. Nagtipon sa paanan ng makasaysayang Mendiola ang ibat’ibang mga militranteng grupo upang batikosin ang administration Aquino dahil lalo pa umanong nadagdagan ang mga walang trabaho sa kabila ng ipinatutupad na contractuallization sa mga manggagawa  habang ginugunita ang dakilang Araw ng Paggawa kasabay na pinagbabato ng kamatis ng mga raliyista ang larawan ng mukha ng Pangulo. (BONG SON) IPINAGMALAKI …

Read More »

PNoy sinalubong ng protesta sa Cebu

CEBU CITY – Sinalubong ng kilos protesta ang pagpunta ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa Cebu para sa pagtitipon kaugnay sa Labor Day celebration. Sa itinerary ng presidente, dumalo siya sa isang job fair sa J. Mall sa lungsod ng Mandaue, Cebu at pagkatapos ay pumunta sa Philippine labor market forum sa bagong tayong gusali ng University of Cebu …

Read More »

Dole job fair sa Pasay dinagsa

Thousands of jobseekers flock the Department of Labor and Employment (DOLE) Job and Livelihood Fair in line with the observance of Labor Day on Friday (May 1, 2015) at the Forum 1 & 2 of the Philippine International Convention Center (PICC) Complex in Pasay City. The “Araw ng Paggawa 2015” is themed “Disenteng Trabaho at Kabuhayan, Alay Natin sa Bayan.” …

Read More »

Dalagita sinaktan, inihulog sa hagdan ng sariling ama (Dahil sa pagpapaligaw)

BAGUIO CITY – Nilalapatan ng lunas sa ospital ang isang dalagita makaraan saktan ng sarili niyang ama sa inuupahan nilang bahay sa Pico, La Trinidad, Benguet kamakalawa. Ayon sa kapatid ng biktima, nakikipag-inoman ang kanilang ama nang komprontahin ang 16-anyos biktima hinggil sa pagpapaligaw. Hindi umimik ang biktima na ikinagalit ng kanilang ama kaya pinagpapalo siya ng walis at sinuntok …

Read More »

Pamilya Veloso masama ang loob sa gobyerno

SA pagbabalik-Filipinas naglabas ng hinanakit ang pamilya at mga abogado ni Mary Jane Veloso hinggil sa anila’y kakulangan ng tulong ng gobyerno. Giit ni Celia Veloso, ina ni Mary Jane, sisingilin na nila ang pamahalaan na aniya’y nanloko sa kanila sabay patutsada kay Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III. “Dumating kami rito sa Filipinas para maningil… Marami kaming pautang e kaya …

Read More »

Veloso maililigtas ‘pag kumanta vs drug syndicate (Kampo ni MJ naghahanda na sa prelim probe vs recruiter)

INILUWAS ng mga tauhan ng Cabanatuan police patungo sa PNP GHQ sa Camp Crame sa Quezon City ang sinabing sumukong recruiter ni Mary Jane Veloso na si Maria Kristina Sergio. Kasama ni Sergio ang kanyang abogadong si Atty. Percida Acosta ng Public Attorneys’ Office (PAO) nang humarap kay DILG Secretaray Mar Roxas, PNP chief, Gen. Leonardo Espina at Justice Secretary …

Read More »

Mary Jane pabuwenas kay Manny

ANG pagkakaligtas kay Mary Jane Veloso sa kamatayan ay indikasyong mananalo si eight-division world champion Manny Pacquiao sa kanyang laban kay Floyd Mayweather Jr. Ayon sa kilalang sports analyst na si Quinito Henson, ‘blessing’ para kay Pacman ang nangyari kay Veloso. Aniya, dahil sa kapangyarihan ng panalangin mula sa mga kababayang nagmamahal kay Mary Jane ay hindi natuloy ang firing …

Read More »

Brownout sa Mindanao posible sa laban ni Pacquiao

TALIWAS sa pahayag ng National Electrification Administration (NEA), posible pa rin magka-brownout sa Mindanao sa bakbakang Manny Pacquiao-Floyd Mayweather Jr. sa Linggo, Mayo 3. Sinabi ni Department of Enery (DoE) Secretary Jericho Petilla, batay ito sa pagre-review niya sa kontrata ng mga kooperatiba sa rehiyon. Una nang inireklamo ni Jaime Rivera, regional governor ng ARMM Philippine Chamber of Commerce and …

Read More »

Pacman richest, Hicap poorest sa House solons

NANANATILING pinakamayamang kongresista si Filipino boxing superstar at Sarangani Rep. Manny Pacquiao. Sa inisyal na impormasyon, halos P2 bilyon ang yaman ni Pacman na kinita niya mula sa pagboboksing. Si Pacquiao din ang isa sa itinuturing na top taxpayers, nagbayad siya nang mahigit P160 milyong buwis. Samantala, may pinakamababang asset record sa Kamara si Anak Pawis Rep. Fernando Hicap. Nagdeklara …

Read More »

Project manager tigok sa motel  

PATAY ang isang 57-anyos project manager makaraan manikip ang dibdib at mahirapang huminga mahigit isang oras makaraan mag-check-in sa motel kasama ng isang babae kamakalawa ng hapon sa Caloocan City. Hindi na umabot nang buhay sa John Paul Hospital ang biktimang kinilalang si Armando Singson, ng Block 4, Lot 34, Phase E-1, Francisco Homes, Brgy. Mulawin, San Jose Del Monte, …

Read More »

Factory worker patay, sanggol, 1 pang anak sugatan sa Tamaraw FX

PATAY ang isang factory worker habang sugatan ang kanyang dalawang anak makaraan araruhin nang nawalan ng prenong sasakyan habang nakatayo sa bangketa kahapon ng umaga sa Malabon City. Durog ang ulo at katawan ng biktimang kinilalang si Edgar Sarmiento, 47, empleyado ng Globe Paper Mills, at residente ng 78 Melon St., Brgy. Potrero ng nasabing lungsod, sanhi ng pagkakabundol at …

Read More »

Barker kritikal sa kabaro

BUNSOD ng inggit sa kinikita, agaw-buhay sa pagamutan ang isang barker makaraan saksakin ng kapwa barker sa Pasay City kahapon ng tanghali. Nilalapatan ng lunas sa Pasay City General Hospital ang biktimang si Grover Stephen Rogo, 30, ng Edang St. Malibay Pasay City, sanhi ng isang tama ng saksak sa dibdib. Habang pinaghahanap ng mga awtoridad ang tumakas na suspek …

Read More »

2 sugatan sa karambola ng 3 sasakyan sa flyover

SUGATAN ang dalawa katao makaraan magkarambola ang tatlong sasakyan sa Katipunan Flyover kahapon. Pasado 4 a.m. nang mawalan ng preno ang isang 10-wheeler truck na may kargang alak habang paakyat sa northbound lane at tumama sa isang Toyota Vios. Tuluyang nawalan ng kontrol ang truck na tumawid sa center island patungong southbound at sumalpok sa isang taxi. Isinugod sa pagamutan …

Read More »

3 kelot kalaboso sa damo at boga

TATLONG SABOG TIMBOG. Nadakip ng mga tauhan ni Sr. Insp. Robert Bunayug ang tatlong suspek na sina Zarwin Hernandez, Jeff Contreras, at Jerickson Castro, pawang sabog sa marijuana, habang lulan ng Mitsubishi Lancer sa kanto ng Adriatico St. at Malvar St, Ermita, Maynila makaraan magpaputok ng baril sa na-sabing lugar. (BONG SON) ARESTADO ang tatlong lalaki makaraan magpaputok ng baril …

Read More »

8 katao kinasuhan ng tax evasion

ISINAMPA ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa Department of Justice ang magkakahiwalay na tax evasion complaints sa walo katao na sangkot sa P414 million unsettled obligations. Ayon kay Revenue Commissioner Kim Henares, ang walo katao ay haharap sa kaso dahil sa pagmamatigas at tangkang hindi pagbabayad ng buwis, kabiguang magbigay nang tamang impormasyon sa annual income tax return at …

Read More »

2 sugatan sa granada (Sa North Cotabato)

KIDAPAWAN CITY – Tatlo ang sugatan sa pagsabog dakong 7:05 p.m. kamakalawa sa lalawigan ng Cotabato. Kinilala ang mga sugatan na sina Shiela Calambro, 16; Leo Caligayan, 34; at Nenita Calambro, 41, pawang mga residente ng Sitio Balisawan, Brgy. Tomado, Aleosan, North Cotabato. Ayon kay Cotabato PNP provincial director, Senior Supt. Danilo Peralta, bumibili ng pagkain ang mga biktima sa …

Read More »

Trabaho, mataas na kita sa bansa kailangan — Angara (Para pigilan ang pangingibang bansa)

TAHASANG sinabi ni Senador Sonny Angara sa pamahalaan na ang paglilikha nang maraming trabaho at mataas na suweldo ang susi upang hindi na makipagsapalaran sa ibang bansa ang mga Filipino para lamang matustusan ang pangangailangan ng kanilang pamilya. Ayon kay Angara, marapat lamang na pakinabangan ng Filipinas ang kakayahan at talento ng mga Filipino. “Sabihin na nating malaki ang naitutulong …

Read More »

Dekriminalisasyon sa Libel ‘nabuburo’ sa Senado — ALAM (Sa paggunita ng World Press Freedom Day)

HALOS matatapos na ang 16th congress pero hanggang ngayon ay hindi pa rin pumapasa ang panukalang batas na magbibigay daan para tuluyang mawala ang parusang pagkakakulong sa batas ng libel. Ito ang malungkot na pahayag ngayon ni Alab ng Mamamahayag (Alam) chairman Jerry Yap kaugnay sa matagal na pagkakabinbin ng panukalang  batas para i-decriminalize ang libel. “Nakapagtataka naman, halos ilang taon …

Read More »

Unyonista, endo workers sanib-puwersa kontra kontraktuwalisasyon (Ngayong Mayo Uno – Araw ng Paggawa)

DALAWANG araw bago ang Araw ng Paggawa, nagrali kasabay ng pakikipag-diyalogo ang mga kasaping pangulo ng Union Presidents Against Contractualization (UPAC) at mga kasapi ng Solidarity of Workers Against Contractualization (SWAC) sa opisina ni Secretary Rosalinda Baldoz ng Department of Labor and Employment (DOLE) para hingin na ibasura ang kontraktuwalisasyon sa sistema ng paggawa sa bansa. Tinukoy ng  mga raliyista …

Read More »

Commutation hihilingin ng PH para kay Veloso

HINDI iniwanan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang kaso ni Mary Jane Veloso, kahit naipagpaliban na ang pag-execute sa kanya. Ayon kay DFA spokesman Asec. Charles Jose, mas lalong puspusan ang ginagawang koordinasyon sa kanilang counterparts sa Indonesia para sa development ng kaso. “We’ve employed diplomatic track since Veloso’s conviction in 2011. In fact, we’ve been able to stay …

Read More »