NATAPOS na ang ilang linggong hulaan at usap-usapan kung sino talaga ang magiging running mate ni Mar Roxas para sa nalalapit na eleksiyon sa Mayo 2016. Kahapon, sa makasaysayang Cory Aquino Kalayaan Hall sa Club Filipino ay idineklara na ni Camarines Sur Third District Representative Leni Robredo na tinatanggap niya ang hamon ng Daang Matuwid. “Ngayon, meron na tayong Mar, may …
Read More »PDEA tatapyasan ni Enrile ng pondo
NAIS ni Senate Minority Leader Juan Ponce Enrile na tap-yasan ang panukalang budget ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA). Ayon kay Enrile sa kabila nang taon-taon na pagdagdag Sa budget ng PDEA ay hindi nasusugpo ang problema sa droga ng bansa. Sinabi ni Enrile, ipinagtataka niya na sa kabila ng paghingi ng PDEA nang sapat na budget sa pamahalaan para …
Read More »Suspected bomber sa Saudi inaalam pa kung Pinay
INILINAW ng Department of Foreign Affairs (DFA) na hindi pa maaaring masabi na Filipina talaga ang naarestong kasama ng isang Syrian kaugnay sa terror plot sa Saudi Arabia. Wika ni DFA spokesman Asec. Charles Jose, lumabas lang sa mga report na Filipina ang nahuling babae ngunit hindi pa personal na nakakausap ng mga opisyal ng embahada ng Filipinas ang nabanggit …
Read More »Gilas team sasalubungin (Gaya ng isang bayani)
DUMATING na ang Team Gilas Pilipinas sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kahapon kasunod nang kanilang runner up finish sa prestihiyosong 2015 FIBA Asia Championships na ginanap sa Changsha, China. Mainit na sinalubong ng Filipino fans ang mga player at coaching staff ng national basketball team ng bansa. Isa-isa silang binigyan ng garland bilang pagbibigay-pugay sa kanilang pagsisikap. Iniladlad din …
Read More »3 HS students sugatan sa frat war?
INAALAM pa ng Taguig City Police kung may kinalaman sa frat war ang nangyaring pagbaril sa tatlong high school student ng tatlong binatilyo kahapon sa nasabing siyudad. Nilalapatan ng lunas sa Taguig-Pateros District Hospital ang tatlong biktimang may gulang na 14 hanggang 16-anyos, pawang ng nabanggit na lungsod. Habang nagsasagawa ng follow-up operation ang mga awtoridad laban sa mga suspek …
Read More »Aswang gumagala sa Ilocos Norte
LAOAG CITY – Nababalot ng takot ang mga residente sa Brgy. Magnuang, Batac, Ilocos Norte, dahil sa sinasabing gumagalang aswang sa kanilang lugar. Batay sa impormasyon, mula nang lumabas ang balitang may gumagalang aswang sa nasabing barangay ay natatakot nang lumabas sa gabi ang mga residente at maaga na rin silang nagsasara ng kanilang mga bahay. Ayon kay Brgy. Chairman …
Read More »Pastor itinumba habang nagmimisa (Sa Surigao del Norte)
BUTUAN CITY – Masusing iniimbestigahan ng pulisya sa bayan ng San Francisco, Surigao del Norte ang pagpatay sa preacher ng Lord Jesus Christ fellowship habang nagmimisa sa loob ng simbahan kamakalawa ng hapon sa Brgy. Jubgan sa nasabing bayan. Hindi na nadepensahan pa ng biktimang si Allan Ursabia, 45-anyos, may asawa at residente ng Bagong Silang, Brgy. Washington, Surigao City, …
Read More »Screening vs MERS-CoV hinigpitan — Palasyo
TINIYAK ng Malacañang na puspusan ang pagtatrabaho ng gobyerno sa pangunguna ng Department of Health (DoH), para matiyak na hindi kakalat ang nakamamatay na sakit na Middle East Respiratory Syndrome Corona Virus (MERCoV) sa bansa. Ito ang sinabi ng Malacañang makaraang mamatay sa RITM ang isang Saudia national na nahawaan ng nasabing sakit. Sinabi ni Communications Sec. Sonny Coloma, dumaraan …
Read More »Lola dadalaw sa Taguig jail tiklo sa shabu
NAHULIHAN ng pulisya ng hinihinalang shabu ang isang 63-anyos lola nang dumalaw sa kulungan kahapon sa Camp Bagong Diwa, Taguig City. Si Floridad Patricio, ng Sitio Pag-Asa, Brgy. San Martin de Porres, Parañaque City ay kasalukuyang nakapiit sa detention cell ng Taguig Police. Ayon sa natanggap na ulat ni Taguig City Police chief, Sr. Supt. Arthur Felix Asis, dakong 10:45 a.m. …
Read More »2 bata, lolo patay sa sunog sa Zambo
ZAMBOANGA CITY – Natupok ang katawan ng isang 75-anyos lolo at dalawang bata sa malaking sunog na naganap sa Brgy. Tumaga, Zamboanga City kahapon. Kinilala ang tatlong biktima na sina Solomon Albuso, 75; Jomar Lumibao, 6, at si Senamae Lumibao, 10. Sumiklab ang sunog mula sa isang bahay sa lugar bago mag-12 p.m. kahapon. Mabilis na kumalat ang apoy dahil …
Read More »Magdalo pabor sa Poe-Trillanes
IDINEKLARA noong Sabado ng Samahang Magdalo ang kanilang suporta sa kandidatura nina Senador Grace Poe sa pagka-presidente at Senador Antonio Trillanes IV sa pagkabise-presidente sa darating na 2016 eleksiyon. “Mahigit walong taon nang magsimulang manilbihan si Senador Trillanes bilang senador, siya ay marami nang naisakatuparan sa pamamagitan ng kanyang mga batas na naipanukala at mga development project na naipatupad. Naniniwala …
Read More »Roxas walang paki – Colmenares (Sa mga empleyadong tutol sa tax reform)
NAGBABALA si Bayan Muna Rep. Neri Colmenares ngayong Linggo na ang oposisyon ni dating Sec. Mar Roxas sa pagpapababa ng income tax ay pagtangkilik sa kawalan ng katarungan laban sa taxpayers sa ilalim ng daang matuwid. Walang aasahang kapahingahan sa bayaring buwis lahat ng fixed income earners sa ilalim ng panguluhan ni Mar Roxas dahil nakatuon umano ang pambato ng …
Read More »Roxas Robredo na nga ba?
“MALAMANG.” Ito ang mariing sagot ni Senate President at Liberal Party Vice Chair Franklin Drilon noong tanungin kung pumayag maging running mate ng pambato ng Daang Matuwid na si Mar Roxas si Camarines Sur Representative Leni Robredo. Ikinuwento ni Drilon ang naging mga diskusyon para sa pagtakbo ni Robredo. “Inalok kay Congresswoman Leni Robredo ang pagka-bise presidente at katandem ni …
Read More »Syrian, Pinay arestado sa terror plot sa Saudi
RIYADH – Inaresto ang isang Syrian at isang Filipina dahil sa tangkang pambobomba sa Saudi Arabia. Ayon sa Saudi Interior Ministry, kinilala ang mga suspek na sina Yasser Mohammad al-Brazy, habang ang Filipina ay tinukoy lamang sa pangalang “Lady Joy”. Hinala ng mga awtoridad, ang Filipina ay pinilit ng Syrian na sumama sa kanya makaraang tumakas sa amo noong nakaraang …
Read More »Palasyo kaisa sa pagbubunyi sa Gilas Pilipinas
NAKIKIISA ang administrasyong Aquino sa sambayanang Filipino sa pagbubunyi sa Gilas Pilpinas sa pagsungkit sa silver medal sa katatapos na 2015 FIBA Asia championship sa Changsa, China. Sinabi ni Communications Secretary Herminio Coloma Jr., sa kabuuan ng kanilang paglalaro, ipinakita ng Gilas Pilipinas ang kanilang tapang at determinasyon, at hinarap nila ang lahat ng mga pagsubok. “Hindi sila nagpatinag at …
Read More »63 mangingisda missing sa 2 rehiyon (Dahil kay Kabayan)
KABUUANG 63 local fishermen sa region 1 at region 3 ang naiulat na nawawala. Ito’y kahit nakalabas na ng PAR ang Bagyong Kabayan. Sa report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (RDMMC), nasa 31 mangingisda ang una nang nasagip ng mga awtoridad. Habang ayon sa report ng RDMMC region 1, nasa kabuuang 7 fishing vessels ang kasalukuyang nakita …
Read More »12 health workers negatibo sa MERS
INIHAYAG ng Department of Health (DOH) na negatibo sa Middle East Respiratory Syndrome Coronavirus (MERS-CoV) ang 12 health workers. Ginawa ang pagsusuri sa health workers na nakasalamuha ng Saudia national na namatay dahil sa MERS-CoV dito sa bansa. Ayon kay DoH spokesperson Dr. Lyndon Lee Suy, isinailalim sa pagsusuri ang health workers dahil sa ipinakitang sintomas ngunit sa ngayon ay …
Read More »20-hour water interruption ‘di natuloy pero mag-ipon pa rin (Ayon sa Maynilad)
NAGBABALA ang Maynilad Water Services Inc. na hindi dapat maging kampante ang kanilang mga consumer kahit ipinagpaliban ang dapat sana’y hanggang 20 oras na water interruption simula ngayong araw, Oktubre 5. Ayon kay Engr. Ronald Padua, pinuno ng Maynilad water supply interruption, dapat ay mag-imbak pa rin ng tubig para matiyak na may magagamit ang mga consumer. Mananatili kasi aniya …
Read More »Saudia national todas sa MERS-CoV (Sa RITM)
KINOMPIRMA ng Department of Health na pumanaw na ang Saudia national na positibo sa Middle East Respiratory Syndrome coronavirus (MERS-CoV), na naka-confine sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) sa Muntinlupa. Ayon kay Health Secretary Janette Garin, noon pang Setyembre 29 binawian ng buhay ang biktima. Ngunit tumanggi si Garin na pangalanan ang nasabing Saudia national. Habang negatibo aniya sa …
Read More »9 patay, 3 sugatan sa bumaliktad na van (Driver nakaidlip)
KIDAPAWAN CITY – Siyam ang patay habang tatlo ang malubhang nasugatan sa bumaligtad na pampasaherong van dakong 2:45 a.m. kahapon sa probinsiya ng Cotabato. Ayon kay Cotabato PNP provincial director, Senior Supt. Alexander Tagum, lulan ang mga biktima sa isang pampasaherong D4D van (LHM-995) mula sa Davao City patungong Kabacan, Cotabato ngunit pagsapit sa Brgy. West Patadon sa bayan ng …
Read More »DepEd officials magpupulong (PH History subject pagbubutihin)
NAKATAKDANG pulungin ni Department of Education Secretary Armin Luistro ang school supervisors upang mabatid ang ano mang kakulangan ng mga mag-aaral sa kaalaman kaugnay sa kasaysayan ng bansa. Ito ay kasunod na pagkadismaya ni Pangulong Benigno Aquino III sa kakulangan ng kaalaman ng ilang mga mag-aaral sa mga pambansang bayani. Pagtitiyak ng kalihim, hindi nagkukulang ang kanilang opisina dahil patuloy …
Read More »Bulacan towns binaha kay Kabayan (Angat, Ipo dam umapaw)
BUNSOD ng bagyong Kabayan, binaha ang ilang pangunahing lansangan sa Bulacan partkular sa kahabaan ng McArthur Highway simula sa siyudad ng Meycauayan hanggang bayan ng Bocaue. Hanggang kahapon ay pahirapan sa pagdaan ang maliliit na sasakyan sa naturang lansangan dahil may mga bahagi na umabot hanggang baywang ang tubig-baha. Nabatid na umapaw ang tubig sa Bocaue at Sta. Maria River na …
Read More »PH history ok tanggalin sa high school — Aquino (‘Misteryo’ ni Ysidra Cojuangco ibabaon na sa limot)
WALANG pagtutol ang Palasyo kahit hindi ituro ang Philippine History sa high school sa kabila nang pagkabahala ni Pangulong Benigno Cojuangco Aquino III sa kakapusan ng kaalaman ng mga mag-aaral sa kasaysasayan ng Filipinas. Ito ang nabatid makaraang magpulong sina Pangulong Aquino at Education Secretary Armin Lusitro kamaka-lawa at sabihin sa Punong Ehekutibo na sa elementary na lang ituturo ang …
Read More »P100-M shabu huli sa Kyusi
TINATAYANG aabot sa P100 milyong halaga ang high grade shabu ang nasabat ng pinagsanib na puwersa ng PNP-Anti Illegal Drugs Special Operations Task Force at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa inabandonang sasakyan sa Novaliches, Quezon City. Ayon kay PDEA Special Enforcement Service Director Esmael Fajardo, natagpuan dakong 10 p.m. kamakalawa ang shabu sa loob ng isang Toyota Avanza (WOL …
Read More »Convoy ng vice mayor pinasabugan, 3 patay (5 pa sugatan)
ZAMBOANGA CITY – Tatlo ang patay habang habang lima ang sugatan sa pagsabog ng bomba sa may Brgy. Sunrise, Isabela City, Basilan pasado 1 p.m. kahapon malapit mismo sa bahay ni Isabela City Mayor Cherrylyn Santos-Akbar. Batay sa report ng mga awtoridad, sumabog ang bomba habang dumadaan ang convoy ni Incumbent Isabela City Vice Mayor Abdulbaki Ajibon. Nabatid na agad …
Read More »