PATAY ang isang 45-anyos security officer makaraang tarakan sa dibdib ng hindi nakikilalang suspek habang ang biktima ay naka-backride sa tricycle ng kaibigan sa Caloocan City kamakalawa ng gabi. Hindi na umabot nang buhay sa Valenzuela Medical Center ang biktimang si Ramon Diaz III, residente ng San Miguel Homes, Santolan Road, Brgy. Gen T. De Leon, Valenzuela City. Patuloy ang …
Read More »Higit 70K OFWs gagamit ng postal voting — Comelec
MAGPAPATUPAD ng postal voting ang Commission on Elections (Comelec) para sa mahigit 70,000 Overseas Filipino Workers (OFWs) na nais bomoto sa 2016 elections. Batay sa Comelec data, kabuuang 75,363 voters ang maaaring bomoto sa 26 embassies o post sa mga tukoy na bansa. Ito ay kinabibilangan ng Lisbon (European Region); Bangkok, Brunei, Chongqing, Dhaka, Dili, Guangzou, Islamabad, Jakarta, Macau, Manado, …
Read More »Kaso ni Poe, EDCA prayoridad ng SC
MAGIGING abala ang Korte Suprema sa pagpasok ng kanilang trabaho ngayong 2016 para tutukan ang malalaking kaso na nakabinbin sa hukuman. Sa Enero 7 at 8, pangungunahan ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno, bilang chairperson ng Judicial and Bar Council, ang pagsasagawa ng public interviews sa 16 kandidato para maging mahistrado ng Korte Suprema bilang kapalit ni outgoing Associate Justice …
Read More »Dalagita nagbigti (Makaraang makipagkita sa BF)
TUGUEGARAO CITY- Nagbigti ang isang 17-anyos dalagita sa bayan ng Baggao, Cagayan kamakalawa. Kinilala ang biktimang si Alona Alonzo,17-anyos. Batay sa salaysay ng ina ng biktima na si Ginang Leonor, sa PNP Baggao, nagpaalam ang kanyang anak na pupunta sa bahay ng kanyang kasintahan na si Jess Taberdo. Ngunit pagbalik ng tanghali ay sinabihan siya na huwag siyang distorbohin sa kanyang …
Read More »Fireworks Display Susungkitin Ng PH (Tatlong world records sisirain)
BAGONG world record sa bagong taon. Malaking fireworks display na ikamamangha ng mga manonood sa pagsalubong ng bansa sa Bagong Taon ang babasag sa tatlong records sa mundo na kasalukuyang nakatala sa Guinness Book of World Records. Ang nasabing fireworks display ay isasagawa sa Ciudad de Victoria na kinaroroonan ng pamosong Philippine Arena bilang bahagi ng taunang aktibidad na isinasagawa …
Read More »5-anyos nene patay, 26 nalason sa buko juice
BACOLOD CITY – Patay ang 5-anyos batang babe habang 26 iba pang menor de edad ang naospital makaraang malason sa ininom na buko juice sa bayan ng Calatrava, sa Negros Occidental, kamakalawa. Batay sa kompirmasyon ni Negros Occidental health officer, Dr. Ernell Tumimbang, ang buko juice ang dahilan ng pagkahilo ng mga biktima na inihain sa Christmas party ng nasa …
Read More »‘Tiwalag’ mali sa paratang (Ocular inspection hiniling ng INC)
NAGPAHAYAG ngayon ang pamunuan ng Iglesia ni Cristo (INC) na ang “ocular inspection” sa pangangasiwa ng hukuman sa INC compound noong Disyembre 16 ay patunay sa kawalan ng basehan at kabalintunaan ng mga alegasyong inihayag ng mga tiniwalag na miyembrong sina Angel Manalo at Lottie Hemedez na nagsabing pinagbabantaan ang kanilang kalayaan at sila ay binabarikadahan sa loob ng nasabing …
Read More »Paglago ng INC tuloy sa 2016
SA gitna ng sunod-sunod na pagpapatayo ng 1,155 kapilya dito at sa ibang bansa sa loob lamang ng limang taon at ilan pang mga gusaling-sambahan na nakatakdang pasinayaan sa ilang buwan mula ngayon, sinabi ng tagapagsalita ng Iglesia ni Cristo (INC) na si Edwil Zabala kahapon na ang “di-matawarang” paglago ng Iglesia ay nagaganap sa ilalim ng pamumuno ni Executive …
Read More »P100-M shabu nakompiska sa 2 courier
DALAWANG miyembro ng international drug syndicate ang bumagsak sa kamay ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police (PNP) makaraang makompiskahan ng P100 milyon halaga ng ilegal na droga sa magkahiwalay na buy–bust operation sa Metro Manila, iniulat kahapon. Base sa report ni PDEA Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac Jr., kinilala ang arestadong mga suspek na si Reyniel Diaz …
Read More »Duterte tsismoso — Lacierda
TSIMOSO si Davao City Mayor Rodrigo Duterte dahil ang pag-atake niya kay Liberal Party standard bearer Mar Roxas ay walang basehan. Sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, maituturing na isang lightweight at tsismoso si Mayor Duterte dahil sa ginawang pag-atake kay Roxas na hindi muna bineberipika ang katotohanan sa likod ng kanyang mga alegasyon. Inakusahan ni Duterte na peke ang …
Read More »Drugs, baril, sex enhancer nakompiska sa Bilibid
MULING sinalakay ng mga tauhan ng Bureau of Corrections (BuCor) ang New Bilibid Prisons (NBP) kahapon ng umaga. Sa nasabing pagsalakay ay muling nakakompiska ng mga baril, sumpak, droga at sex enhancers ang mga awtoridad. Ayon kay BuCor chief Rainer Cruz III, ito ang ika-walong “Oplan Galugad” na kanilang ginawa mula nang maupo siya bilang hepe ng kawanihan. Bagama’t kaunti …
Read More »Ratings ni PNoy pinakamataas pa rin — Palasyo (Kahit bumaba sa SWS survey)
PINAKAMATAAS pa rin ang rating ni Pangulong Benigno Aquino III kompara sa ibang naging president ng Filipinas sa kabila nang pagbaba nito sa bagong survey ng Social Weather Station (SWS), sabi ng Palasyo. “The latest results released by the Social Weather Stations (SWS) from their fourth quarter survey show that public satisfaction with President Aquino remains among the highest in …
Read More »BBL malabong maipasa sa PNoy admin
MAAARING sa susunod na administrasyon na maipasa ang Bangsamoro Basic Law (BBL), ang panukalang batas na naglalayong bumuo ng Bangsamoro Region sa Mindanao, alinsunod sa kasunduang pinasok ng pamahalaan at Moro Islamic Liberal Front (MILF). Ito ang sinabi ni Senate Local Government Committee chairman Sen. Bongbong Marcos, kasabay ng huling sesyon ng Kongreso kahapon para sa kanilang Christmas break. Aminado …
Read More »Armas, bala nakompiska sa gun raid sa Agusan Norte
BUTUAN CITY – Pinaghahanap ang isang babae makaraang makuha sa kanyang bahay ang iba’t ibang uri ng armas at daan-daang mga bala ng short at long firearms sa operasyon ng pulisya sa Cabadbaran City, Agusan del Norte, at mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Surigao del Sur kamakalawa. Ang naturang mga armas at mga bala ay narekober …
Read More »7 arestado sa drug raid sa Sultan Kudarat
KORONADAL CITY- Arestado ang pitong katao sa isinagawang ‘one time big time’ drug raid sa probinsya ng Sultan Kudarat kahapon ng madaling araw. Inihayag ni Sultan Kudarat Police Provincial Information Officer, Supt. Renante Cabico, sabay isinagawa ang naturang drug raid na nag-umpisa dakong 3 a.m. sa tatlong lugar sa Sultan Kudarat na kinabibilangan ng Tacurong City, Lambayong at Isulan. Sa …
Read More »Appointments ng CSC, JBC, DFA at AFP off’ls lusot sa CA
LUSOT na sa makapangyarihang Commission on Appointments ang ad interim appointment ni Hon. Maria Milagros Fernan-Cayosa sa Judicial and Bar Council (JBC) bilang kinatawan ng Integrated Bar of the Philippines (IBP). Makaraang aprubahan ng CA Committee on Justice, wala nang tumutol na mambabatas sa appointment ni Cayosa sa plenaryo. Pagsisilbihan ni Cayosa ang apat taon termino mula Hulyo 9, 2015 …
Read More »INC global na ngayon (Dahil sa pakikiisa ng mga kapatid sa Pangasiwaan)
ANG Iglesiang umusbong sa Filipinas noong 1914, yakap na ng mundo ngayon. Ganito ang pagsasalarawan ng tagapagsalita ng Iglesia ni Cristo (INC) na si Edwil Zabala kasabay ng pagbubunyag nitong Martes na umaabot na sa 64 kapilya sa ibayong dagat ang napasinayaan sa ilalim ng panunungkulan ni INC Executive Minister Eduardo V. Manalo dahil sa suporta ng mga miyembro ng …
Read More »P6.6-M cocaine nakuha sa tiyan ng Venezuelan drug mule
UMABOT sa 92 pellets ng cocaine ang nakuha mula sa tiyan ng isang Venezuelan drug mule na inaresto sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 2. Tumitimbang ng 1.1 kilograms at may street value na tinatayang P6.6 milyon, ang pellets ay dala ng isang Andres Rodriguez, 39, pasahero ng Philippine Airlines flight PR657 na dumating nitong Disyembre 13 mula sa …
Read More »CPP-NPA nagdeklara ng 12-araw ceasefire
NAGDEKLARA ng 12 araw na tigil-putukan ang National Democratic Front (NDF) para sa pagdiriwang ng Pasko. Batay sa deklarasyon ng NDF sa kanilang website, mag-uumpisa ang anila’y pahinga sa labanan sa Disyembre 23, 2015 hanggang Enero 3, 2016. Ayon sa CPP-NPA, ang unilateral ceasefire ay bilang tanda nang pagkakaisa ng bansa sa paggunita sa Pasko at Bagong Taon. “This will …
Read More »Dinaanan ni Nona wala pang koryente
NANATILING walang suplay ng koryente sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Nona. Sa Quezon, walang koryente sa mga bayan ng Padre Burgos, Agdangan, Unisan, Pitogo, Macalelon, General Luna, Mulanay, Catanauan, San Narciso, San Andres, at Buenavista. Walang koryente ang mga bayan ng Bulan, Matnog, Sta. Magdalena, Bulusan, Irosin, Juban, Casiguran, Magallanes, Gubat, Castilla, Donsol, at Bacon sa lalawigan ng …
Read More »Katawan ng pinugutang Malaysian nakita na?
ZAMBOANGA CITY – Bineberipika na ng militar kung sa Malaysian kidnap victim na pinugutan ng ulo, ang narekober na kalansay sa Sitio Lungon-Lungon, Brgy. Lanao Dakula, Parang, Sulu kamakalawa. Ayon sa Western Mindanao Command (WestMinCom), nagsasagawa ng patrolya ang mga kasapi ng 501st Marine Brigade dakong 10 p.m. kamakalawa nang makita ang kalansay sa naturang lugar. Ayon sa militar, malaki …
Read More »64 flights kanselado
KINANSELA ang 64 domestic flights dahil sa bagyong Nona nitong Martes ng umaga. Sa abiso ng Media Affairs Division ng Manila International Airport Authority (MIAA), anim biyahe ng Cebu Pacific, 10 sa CebGo (dating Tigerair), 46 sa Philippine Airlines Express at dalawa sa Sky Jet ang kinansela. Kabilang sa mga apektado ang mga patungo ng Legaspi, Caticlan, Naga, Catarman, Calbayog, …
Read More »SSS Pension Increase bill transmitted na kay PNoy
NAIPADALA na sa Malacañang ang House Bill 5842 o SSS Pension Bill na naglalayong dagdagan ang pensiyon ng mga pensiyonado ng Social Security System (SSS). Ayon kay House Speaker Feliciano Belmonte, kahapon lang ito na-dala sa Palasyo kaya ina-asahan nilang agad itong aaksiyonan ni Pangulong Benigno Aquino III. Una rito, naapruba-han ng Kamara sa ikatlong pagbasa noon pang Hunyo 9 …
Read More »Boga ng ‘igan nakalabit, senglot tigok
PATAY ang isang 43-anyos lalaki nang aksidenteng makalabit ang gatilyo ng baril ng kanyang kaibigan sa Tondo, Maynila kahapon. Binawian ng buhay habang dinadala sa Ospital ng Tondo ang biktimang si Rogelio Dalida, 43, ng 2127 V. Serrano St., Tondo, Maynila. Sa imbestigasyon ni PO3 Michael Maraggun, imbestigador ng MPD-Homicide Section, dakong 2 p.m. nang maganap ang insidente sa loob ng …
Read More »Apela sa DILG imbestigahan QC kapitan
UMIINIT ang panawagan mula sa mga lehitimong manininda ng Mega Q-Mart sa Department of Interior and Local Government (DILG) na papanagutin ang isang mataas na opisyal ng Barangay E. Rodriguez sa Lungsod ng Quezon na umano’y nasa likod nang pangingikil sa kanila. Hiniling nila kay DILG Secretary Mel Senen Sarmiento na maimbestigahan si barangay chairman Marciano Buena Agua Jr., at …
Read More »