ZAMBOANGA CITY – Tatlong suspek ang napatay habang isang pulis at limang sibilyan ang sugatan sa nangyaring shootout sa Brgy. Poblacion sa bayan ng Talusan, Zamboanga Sibugay kahapon. Base sa report ng Zamboanga Sibugay police provincial office (ZSBPPO), isinagawa ang operasyon dakong 3:50 a.m. sa pangunguna ng mga kasapi ng Provinial Public Safety Company (PPSC) at ng iba pang mga …
Read More »Ex-Bucor execs swak sa iregular na P3.7-M bidding
KINASUHAN sa Office of the Ombudsman ang ilang opisyal ng Bureau of Corrections (BuCor) ng paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act at Government Procurement Reform Act. Nahaharap sina dating BuCor Acting Director Gaudencio Pangilinan at Chief Administrative Officer Ligaya Dador ng limang counts sa paglabag sa Section 3 ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act. Habang ang mga administrative officer …
Read More »Hirit na extension sa voters’ registration ibinasura ng SC
IBINASURA ng Supreme Court (SC) ang hirit na palawigin pa ang voters’ registration para sa 2016 elections. Sinabi ni SC spokesman Theodore Te, walang merito ang inihaing petisyon ng Kabataan party-list. Hiniling ng nasabing grupo na palawigin hanggang Enero 2016 ang pagpaparehistro ng mga botante. Ayon sa petitioners, ilegal ang itinakda ng Commission on Elections na deadline noong Oktubre 31. …
Read More »Preso naglaslas ng pulso sa selda
ISINUGOD sa ospital ang isang notoryus na drug pusher nang maglaslas ng pulso sa loob ng selda ng San Simon Police Station makaraang madakip sa buy-bust operation sa Brgy. Sta. Monica, San Simon, Pampanga, kamakalawa. Kinilala ang biktimang si Anthony Palad, 38, ng Brgy. Sta. Monica, San Simon ng nabanggit na lalawigan. Ayon kay PO2 Romeo Abat, nagtangkang magpakamatay si …
Read More »2015 positibo para sa INC — Spokesman (Sa kabila ng mga hamon)
INIHAYAG ng tagapagsalita ng Iglesia Ni Cristo (INC) na naging mabuti para sa Iglesia ang taon 2015 dahil sa mga gawaing nagtala ng mga panibagong “world records,” ang pagpapatuloy ng lumalagong bilang ng mga programang pangkabuhayan para sa publiko at ang pagdami ng mga benipisyaryo ng mga kawanggawang isinakatuparan ngayong taon, sa kabila ng mga hamon na kinailangan nilang harapin …
Read More »Bagatsing pambato ni Duterte sa Maynila
OPISYAL nang inendoso ni Presidential candidate, Davao City Mayor Rodrigo Duterte si three-termer congressman Amado Bagatsing ng 5th District of Manila, bilang kanyang official candidate sa pagka-alkalde ng itinuturing na capital city ng bansa sa darating na 2016 elections. Sa isang simpleng seremonya at pagtitipon na ginawa sa Century Park Hotel sa Maynila, itinaas ni Duterte ang kamay ni Bagatsing …
Read More »SWS survey pabor kay Duterte ‘luto’ (Ayon kay Sen. Sonny Trillanes)
BINATIKOS ni vice presidential aspirant Senator Antonio Trillanes IV kahapon ang Social Weather Station (SWS) sa pagpapalabas ng aniya’y “rigged and invalid” survey bilang propaganda pabor sa kampo ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte. Si Duterte ang nanguna sa SWS survey na kinomis-yon ng Davao-based businessman at isinagawa nitong huling linggo ng Nobyembre, o lima hanggang anim na araw makaraang …
Read More »Pangunguna ni Duterte sa SWS Survey wa epek sa palasyo
WA epek sa Palasyo ang pamamayagpag ni Davao City Mayor at PDP-Laban standard bearer Rodrigo Duterte sa resulta ng presidential survey na inilabas ng Social Weather Station (SWS). Sinabi kahapon ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, walang bigat sa Palasyo ang sunod-sunod na surveys kahit manguna pa ang mga kalaban ng administrasyon dahil may anim na buwan pa ang mga kandidato …
Read More »Ex-lover ng GF, binoga ng businessman (Nahuling magkasiping)
PATAY noon din ang isang call center agent makaraang barilin ng lalaking kasalukuyang live-in partner ng dating ka-sintahan sa Quezon City kahapon ng madaling-araw. Sa ulat ng Quezon City Police District-Cri-minal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), kinilala ang biktimang si Davy Lan Joseph Aguelo, 44, call center agent, residente ng 5/2 LTJ Francisco St., Brgy. Krus na Ligas, Quezon City. …
Read More »Mag-asawang sexagenarian patay sa sunog
PATAY ang mag-asawang kapwa 68-anyos nang hindi makalabas sa kanilang nasusunog na bahay sa Pasig City kahapon. Magkayakap na na-tagpuan ang bangkay nina Boy at Lourdes Santos sa kanilang tahanan sa Brgy. Sumilang. Batay sa paunang imbestigasyon, pasado 1:00 a.m. nang magsi-mula ang sunog sa kuwarto ng pamangkin ng mga biktima na si Jonjon Paroa. “Naalimpungatan po ako noon, mataas …
Read More »Dalagita minartilyo ng maysapak, tigbak
PATAY ang isang 17-anyos dalagita makaraang pukpukin ng martil-yo sa ulo ng kapitbahay na hinihinalang may topak sa Quezon City kamakalawa ng gabi. Namatay noon din ang biktimang si Mary Joy Lazo, ng Lot 10, Blk. 30, Bougainvillea St., Maligaya Park Subd., Brgy. Pasong Putik, Quezon City. Habang agad naaresto ang suspek na si Melford Alinsolorin 25, kapitbahay ng biktima. Sa …
Read More »Bagets tinaga sa sayawan, kritikal
NAGA CITY – Kritikal ang kalagayan ng isang menor de edad makaraang pagtatagain habang nasa sayawan sa San Narciso, Quezon kamakalawa. Kinilala ang suspek sa pa-ngalang Regie, residente ng nasabi ng bayan. Napag-alaman, sa kasagsagan ng sayawan ay nakita ng biktimang si Jhon Yaon, 17-anyos, na habang sumasayaw ang suspek ay nakabigkis sa beywang ang isang itak. Nilapitan ng biktima …
Read More »IS recruitments sa Mindanao ibinunyag ng mayor
KORONADAL CITY – Kinompirma ni Cotabato City Mayor Japal Guani Jr., patuloy ang recruitment ng armadong grupo na konektado sa Islamic State (IS) group, sa mga kabataan sa kanilang lugar upang sumailalim sa pagsa-sanay sa paggawa ng bomba. Ito ang naging rebelasyon ng alkalde sa gitna nang pagtanggi ng militar at pulisya sa naturang impormas-yon. Nagpahayag ng pag-kabahala ang alkalde …
Read More »ACTO naglunsad ng transport holiday (Sa phase-out ng old jeepneys)
NAGSAGAWA ng transport holiday ang ilang miyembro ng Alliance of Concerned Transport Organizations (ACTO), nitong Lunes. Pasado 6 a.m. nang okupahin ng 50 raliyista ang tatlong linya sa FTI rotonda sa Taguig. Kanilang kinokondena ang kautusan ng LTFRB na i-phase out ang mga jeep na may 15 taon na, pataas. Anila, anti-poor ang ginagawa sa kanila. Bumalik din sa pamamasada …
Read More »INC sumagot vs bugso ng paninira (Walang ebidensiya!)
“Narinig lamang, sabi-sabi at walang pruweba.” Ito ang naging reaksiyon ni Iglesia ni Cristo (INC) spokesman Edwil Zabala sa panibagong mga alegasyon ng iregularidad na muling ipinupukol sa pamunuan ng Iglesia na umano ay ‘binibiktima’ nang paulit-ulit at sinadyang mga hakbang upang sirain ang kanilang reputasyon, pagwatak-watakin ang mga kapatid at sa huli’y pasamain ang imahe ng Iglesia sa mata …
Read More »Eleksiyon sa 2016 Ililiban (TRO ng SC kapag nanatili)
NAGBABALA ang Commission on Elections (Comelec) na maaaring ipagpaliban ang May 9, 2016 elections kung hindi babawiin ng Korte Suprema ang temporary restraining order (TRO) laban sa “No Bio, No Boto” policy nito. Ito ang sinabi ni Comelec Chairman Andres Bautista sa isang panayam. “I hope na ma-realize nila. Kami naman ginagawa namin ang lahat ng magagawa para ma-meet ang …
Read More »Pinay Miss Earth winner
BUMUHOS ang pagbati sa Ilongga beauty queen na si Angelia Ong makaraang magtagumpay sa 2015 Miss Earth pageant na ginanap sa Austria (Linggo ng madaling araw, Manila time). Naibigay ng 24-anyos na si Ong ang back-to-back win sa bansa, kasunod ni Jamie Herrell ng Cebu noong nakaraang taon. Sa iba’t ibang social media, buhos ang mga pagbati mula sa mga …
Read More »31-anyos ship oiler nagbigti sa fire exit
PATAY ang isang 31-anyos ship oiler nang magbigti sa fire exit ng isang gusali sa Malate, Maynila kamakalawa. Kinilala ang biktimang si John Robert Gregg Elejan, walang asawa, tubong Guimaras, Iloilo City at walang permanenteng tirahan. Ayon sa imbestigasyon ni PO3 Alonzo Layugan ng Manila Police District Homicide Section, dakong 3:10 p.m. nang matagpuan ang biktima habang nakabigti sa fire …
Read More »DQ case ni Poe dedesisyonan na
INIHAYAG ni Commission on Elections (Comelec) Chairman Andres Bautista kahapon, maaaring magpalabas na ang First Division ng resolusyon sa tatlong iba pang nakabinbing disqualification cases na inihain laban kay Sen. Grace Poe. “Meron pang tatlong kasong nakabinbin sa aming First Division naman na submitted for decision as of last Thursday (December 3), and sa aking palagay ay siguro magbababa na …
Read More »CDO no. 2 sa HIV-AIDS cases sa PH
CAGAYAN DE ORO CITY – Tumaas pa ang bilang ng mga dinapuan ng Human immunodeficiency virus (HIV) sa lungsod ng Cagayan de Oro. Ayon kay Fritzie Estoque, chairperson ng Misamis Oriental-Cagayan de Oro AIDS Network (MOCAN), nananatiling numero uno ang katergoryang “men having sex with men” sa bilang ng mga tinamaan ng impeksiyon. Nangamba si Estoque dahil ayon sa kanilang …
Read More »5 patay sa van vs truck sa Samar
TACLOBAN CITY- Lima ang namatay habang tatlo ang nasugatan sa banggaan ng pampasaherong van at dump truck sa Sitio Ilawod Brgy. Naparaan Salcedo Eastern Samar kamakalawa. Idineklarang dead on the spot ang limang sakay ng van na si Rhodora Garcia Pedrosa, mag-asawang sina Gilberto at Julita Labikani, at anak nilang si Jasmine at ang driver na kinilala lamang bilang si …
Read More »Helper tinuklaw ng cobra kritikal
CAUAYAN CITY, Isabela – Kritikal ang kondisyon ng isang helper makaraang tuklawin ng cobra sa Brgy. Tagaran, Cauayan City kamakalawa. Ang biktima ay si Joseph Mora, 37, residente ng Linao, Tuguegarao City. Inihayag ni Ginang Angelina Mora, habang naglilinis ang kanyang anak sa kanyang silid ay kanyang nakita at aksidenteng nahawakan ang mahigit isang metrong habang cobra dulot nang matinding …
Read More »20-day TRO vs Uber, Grabcar
NAGPALABAS ng temporary restraining order (TRO) ang Quezon City Regional Trial Court laban sa operasyon ng Uber at Grab Car na pawang online based transport service. Base sa inilabas na kautusan ng QCRTC Branch 217, pagbabawalan munang mag-operate ang Uber at Grab Car sa loob ng 20 araw. Ang TRO ay bilang tugon sa petisyon ng grupong Stop and Go …
Read More »Humatol sa DQ ni Poe walang K — Kapunan (Walang election lawyer sa Comelec 2nd Division)
DAHIL sa kawalan ng beteranong election lawyer sa 2nd Division ng Comelec na nagdiskwalipika sa presidential frontrunner na si Sen. Grace Poe, mariing sinabi ni Galing at Puso senatorial candidate Atty. Lorna Kapunan na hindi siya magtataka kung ang nasabing desisyon ay mababaliktad ng Comelec En Bac at ng Korte Suprema. “Ang election law ay isang expertise, isang linya ng …
Read More »INC walang eroplano
“Walang airbus ang Iglesia.” Ito ang mariing tinuran ni Iglesia Ni Cristo (INC) Spokesperson Edwil Zabala kahapon bilang tugon sa alegasyon na nagmamay-ari sila ng Airbus 330-202, ang multi-milyong dolyar na eroplanong ginagamit umano sa kanilang mga biyahe sa ibang bansa. Sa ilang naunang balita ngayong linggo, inakusahan ng mga itiniwalag na ministro ng Iglesia na sina Isaias Samson, Jr., …
Read More »