Sunday , November 24 2024

News

15-anyos kritikal sa saksak ng kalaban

KRITIKAL ang  kondisyon ang isang 15 anyos binatilyo makaraan pagsasaksakin ng kalabang grupo sa Tondo, Maynila kahapon ng madaling-araw. Nilalapatan ng lunas sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang biktimang si Jamuel Musngi, out of school youth, porter at residente ng 1455 Antonio Rivera St., Tondo, Maynila. Habang tumakas ang suspek na si alyas Abo Manalo at kanyang mga kasama makaraan ang …

Read More »

Ginang nagbigti sa naudlot na outing

NAGBIGTI ang isang 34-anyos negosyanteng ginang nang maudlot ang planong outing makaraang mag-away sila ng kanyang mister sa Cainta, Rizal, kamakalawa ng hapon. Kinilala ni PO3 Andrew Focasan ang biktimang si Rosemarie Indino-Cabatuan, nakatira sa Kayumanggi St., Karangalan Village ng nabanggit na bayan. Sa imbestigasyon ng mga awtoridad, dakong 3 p.m. nang matagpuan nina Rowena Cabatuan, 23, at Jane Cabatuan, …

Read More »

P.022/kWh dagdag singil ng Meralco ngayong Abril

MAGTATAAS ng singil sa koryente ang Meralco ngayong Abril. Karagdagang P0.22 bawat kilowatt-hour (kWh)ang babayaran ng mga konsumer na mataas kompara sa binayaran nila noong nakaraang buwan ng Marso. Sa mga bahay na karaniwang kumukonsumo ng 200 kWh ay karagdagang P44.48 ang babayaran nila ngayong buwan. Sinabi ni Meralco spokesperson Joe Zaldarriaga, mas tumaas ang generation charge kaya magtataaas sila …

Read More »

BITBIT ng mga operatiba ni MPD Central Market Police Station 3 commander, Supt. Jackson Tuliao ang mga suspek na sina Orlando de Guzman, 27, ng 045 Bagong Nayon, Baliwag, Bulacan, Julius Jamir,  20, at isang alyas Paul, 17, kapwa residente ng Sta. Cruz, Maynila, naaresto sa kasong paglabag sa P.D. 1602 (Illegal Gambling) at Sec.11, Art. II ng R.A. 9165 …

Read More »

NAKOMPISKA mula sa 83 kalalakihan ang P2.5 milyon halaga ng shabu, drug paraphernalia at mga baril sa isinagawang anti-drugs operation ng Manila Police District Station 3 sa loob ng Golden Mosque Compound sa Quiapo, Maynila. ( BONG SON )

Read More »

NAGKALOOB ng computer set si Anthony Chan sa bagong talagang hepe ng QCPD Galas Police Station (PS 11) na si P/Supt. Christian dela Cruz, sinaksihan ni chairman Ramoncito Medina ng Brgy. Santol at ibang opisyal ng barangay sa maikling seremonya sa conference ng estasyon. ( ALEX MENDOZA )

Read More »

NAG-AAGAWAN ang mga residente upang makapagparetrato, makayakap o makipagkamay sa nagbabalik na si Manila Mayor Alfredo S. Lim sa kanyang mga house-to-house campaign sa District 1 ng Maynila kahapon ng umaga.  Ang ganitong pangyayari ay palagiang nakikita sorties ni Mayor Lim. Kasama niya sina reelectionist first district Councilor Niño dela Cruz at dating Chief of Staff Ric de Guzman.

Read More »

Mas importante kaysa magsasaka sina Mar at Leni — Sanlakas (Gabinete missing in action)

“Gutom ang bunga pag inuuna ang pulitika sa pangangailangan ng magsasaka.” Nanggagalaiting sinabito ni Sanlakas Party-list nominee Leody De Guzman ngayong Martes kasabay ng pagtuligsa sa mga opisyal ng administrasyong Aquino na ginagawang prayoridad ang pangangampanya para kay Mar Roxas at Leni Robredo ng Liberal Party (LP) imbes tugunan ang kalagayan ng mga magsasakang lubhang sinalanta ng El Niño. Magugunitang …

Read More »

Barangay Chairwoman, lover, 5 pa tiklo sa drug bust

ARESTADO ang isang barangay chairwoman at kanyang live-in partner gayondin ang limang iba pa sa mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) sa magkahiwalay na drug-bust operation sa Quezon City. Sa ulat kay QCPD director, Chief Supt. Edgardo Tinio, mula kay QCPD – District Anti-illegal Drugs Special Operations Task Group (DAIDSOTG) chief, Chief Insp. Enrico Figueroa, ang nadakip na …

Read More »

MIAA GM Honrado ‘di magbibitiw sa brownout

INIHAYAG ni Manila International Airport Authority general ma-nager Jose Angel Honrado kahapon, hindi siya magbibitiw kaugnay sa naganap na limang-oras  na brownout sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 na nagresulta sa kanselasyon nang mahigit 80 flights. “Service is our priority. If everytime there will be a problem, every month if you asked the official to resign, then buwan-buwan …

Read More »

Tserman utas sa atake sa puso (Suspek sa pagpatay sa pulis, 1 pa)

HINDI na mapapanagot sa batas kaugnay sa pagpatay sa isang bagitong pulis at isang vendor sa Caloocan City ang isang barangay chairman makaraan bawian ng buhay nang atakehin sa puso kamakalawa ng gabi habang nagpapagaling sa pagamutan kaugnay sa tama ng bala ng baril sa hita. Ayon kay Sr. Supt. Bartolome Bustamante, hepe ng Caloocan City Police, dakong 10 p.m. …

Read More »

Caloocan ‘Dirty City’

NASAAN ang P1.4B pondo sa basura? Malamang sumabit si Caloocan Mayor Oscar Malapitan sa mga botante ng lungsod kun hindi niya maaayos ang hindi maipaliwanag na paggamit ng kanyang mga tauhan ng pondo sa basura sa ngayon ay tinaguriang ‘dirty city.’ Napag-alaman na halos P1.4 bilyon na ang nailaan na pondo sa garbage hauling services mula nang maupong alkalde ng …

Read More »

INC sa Jerusalem (Makasaysayang pagsamba)

INIHAYAG sa publiko nitong Biyernes ng Iglesia Ni Cristo (INC) ang pangangasiwa ni Executive Minister Eduardo V. Manalo sa kauna-unahang pagsamba sa lokal ng Jerusalem sa bansang Israel, ang sentro ng Kristiyanismo. Sa pagbubunyag ni Bro. Edwil Zabala, tagapagsalita ng INC, ang pagsamba ay kasabay ng ika-20 anibersaryo ng pagkakatala ng Iglesia sa Israel. “Aming ikinagagalak ang pagkakataong makapagpahayag sa …

Read More »

Bigas hindi bala sagot sa Kidapawan – Binay

“HUMIHINGI sila ng bigas, ngunit ang isinagot ay bala. Bigas, hindi bala.” Ito ang batikos ni United Nationalist Alliance (UNA) standard-bearer Vice President Jejomar Binay sa patuloy na pagtanggi ng pamahalaan na tulungan ang mga magsasakang humihingi ng bigas dahil sa matinding tagtuyot na nararansan sa North Cotabato. Ani Binay, obligasyon ng pamahalaan na tulungan ang mga magsasaka ngayong kasagsagan …

Read More »

Independent probe sa Kidapawan carnage – PNP (Walang tiwala sa PNP, CHR)

BINATIKOS ng militanten grupong Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) kahapon ang anila’y napipintong cover-up sa madugong dispersal sa kilos-protesta ng mga manggagawa na humihingi ng pagkain mula sa gobyernong Aquino sa gitna ng epekto ng tagtuyot, at nanawagan ng independent investigation. Inihayag ito ng KMP kasunod ng mga ulat na sa briefing kina Interior and Local Government Secretary Mel Senen …

Read More »

PNoy walang kinastigong NAIA official sa brownout

WALANG kinastigo si Pangulong Benigno Aquino III ni isa mang opisyal ng Manila International Airport Authority (MIAA) at Department of Transportation and Communications (DOTC) sa kabila nang malaking aberyang idinulot nang halos pitong oras na brownout sa NAIA Terminal 3 noong Sabado hanggang Linggo. Sinabi ni Communications secretary Herminio Coloma Jr. sa ginanap na pulong ni Pangulong Aquino sa DoTC …

Read More »

Pipi’t bingi hinalay ng textmate

MAKARAAN ang mahigit isang taon pagtatago ng isang construction worker na humalay at nakabuntis sa textmate niyang pipi’t bingi, naaresto ang suspek nang bumalik sa kanilang bahay sa Caloocan City kamakalawa. Kinilala ang suspek na si Mark Angelo Siriban, 26, residente ng 54 Z. Ignacia St., Brgy. 162, Sta. Quiteria ng nasabing lungsod, nahaharap sa kasong rape. Si Siriban ay …

Read More »

6-anyos kritikal sa mainit na tubig (Kaldero naupuan)

CAGAYAN DE ORO CITY – Dumanas ng first degree burn sa katawan ang isang batang lalaki makaraan mabuhusan ng mainit na tubig sa Brgy. San Juan, Balingasag, Misamis Oriental kamakalawa. Kinilala ang biktimang si Henjie Alexi Garcia, 6, residente sa nasabing lugar. Sinasabing naupuan bata ang kaldero na nilagyan ng mainit na tubig dahilan upang malapnos ang katawan ng biktima. …

Read More »

Kasambahay binugbog, amo kalaboso

SWAK sa kulungan ang isang lalaki makaraan bugbugin ang 23-anyos niyang kasambahay dahil sa ilang linggong hindi pagpasok sa trabaho sa bahay ng amo sa nasabing lungsod. Ayon sa pagsusuri ng Pasay City General Hospital, ang biktimang si Erwina Carolina ay nagkaroon ng hematoma o pamumuo ng dugo dahil sa pagbugbog sa kanya. Samantala, nakapiit na sa detention cell ng …

Read More »

Hiyas Water Resources, Inc., sa Balagtas binira ng 4K

Binatikos ni Kilusan Kontra Kabulukan at Korupsiyon (4K) Chairman Dominador C. Pena Jr., ang kapabayaan ng Hiyas Water Resources, Inc., dahil sa hindi tamang pagbibigay ng kanilang serbisyo para sa mamamayan ng Balagtas, Bulacan. Para kay Pena, Overall Chairman ng 4K advocacy group, hindi isinasaalang-alang ng Hiyas Water Resources, Inc. ang kapakanan ng kanilang ipinagmamalaking pagbibigay ng serbisyo para sa …

Read More »

10% diskuwento sa dormitory hiniling

DAPAT gumawa ang gobyerno ng mga pamantayan sa operasyon para sa mga dormitory at boarding houses alinsunod sa kautusan ng National Building Code and Fire Code of the Philippines. Ayon kay dating Congresswoman Catalina Cabrera-Bagasina sakaling palarin manalo ang Association of Laborers and Employees (ALE) sa party-list election sa Mayo 9, isang panukalang batas para sa mga dormitoryo at boarding …

Read More »

Poe tiwala kay Recom

MALAKI ang tiwala ni presidential bet Senadora Grace Poe sa kakayahang mamuno ni Caloocan City 1st District Congressman Atty. Enrico “Recom” Echiverri kaya’t siya ang napiling iendoso bilang alkalde ng lungsod. Ayon kay Senadora Poe, sa tulong ni Echiverri na muling tumatakbong alkalde ng lungsod sa ilalim ng Nationalist People’s Coalition (NPC) ay pagsusumikapan nilang sagipin ang mga taga-Caloocan sa …

Read More »

Magdalo: Poe-Trillanes kami

PINABULAANAN ng Magdalo Party-list na sinusuportahan nila ang kandidatura ni Vice Presidential candidate  Chiz Escudero, matapos lumabas ang balita na tatlumpong party-list groups ang nagkaisa upang iendoso ang nangungunang presidential candidate na si Sen. Grace Poe at ang kanyang bise presidente na si Sen. Chiz Escudero.  Ayon kay Magdalo Representative Gary Alejano, “Gustong linawin ng aming grupo na si Grace …

Read More »

Pinas lubog sa kahirapan — UP Profs (Noong panahon ni Marcos)

KAIBA sa deklarasyon ni Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang bansa sa ilalim ng pamumuno ng kanyang amang si Ferdinand Marcos ay hindi ang ‘ginintuang siglo’ ng Filipinas kundi isang panahon ng malubhang kahirapan na halos kalahati ng kabuuang populasyon ay lugmok sa paghihikahos hanggang mapatalsik sa poder noong 1986. Sa pahayag na nilagdaan ng mga miyembro ng mga propesor at …

Read More »