Saturday , January 11 2025

News

Pasya kay FM iginagalang ng Palasyo

IGINAGALANG ng Palasyo ang pasya ni incoming President Rodrigo Duterte na payagan nang mailagak sa Libingan ng mga Bayani ang labi ni dating Pangulong Ferdinand Marcos. “We respect his views and beliefs,” pahayag kahapon ni Communications Secretary Herminio Coloma Jr. Ngunit hindi pa rin aniya nagbabago  ang paninindigan ni Pangulong Benigno Aquino na hindi dapat mailibing si Marcos sa Libingan …

Read More »

Inaugural speech ni Digong simple, 5 minuto lang

Davao CITY – Nangako si President-elect Rodrigo Duterte na aabot lamang sa limang minuto ang kanyang speech sa inauguration ceremony sa Hunyo 30. Ayon sa incoming president, hindi na kailangan ng mahahabang speeches dahil may cabinet secretaries siya na magbibigay ng pahayag sa polisiya ng administrasyon. Samantala, muling iginiit ni Duterte na mananatiling simple pa ang kanyang oath-taking na isasagawa …

Read More »

Ilibing si FM sa Libingan ng mga Bayani — Duterte (Bilang sundalong Filipino)

  DAVAO CITY – Pabor si President-elect Rodrigo Duterte na mailibing sa Libingan ng mga Bayani ang labi ni dating President Ferdinand Marcos sa kabila nang pagtutol ng karamihan. Ito ang inihayag ng outgoing mayor sa press conference sa lungsod ng Davao, ngunit nilinaw na hindi bilang bayani kundi bilang isang sundalong Filipino. Gusto ni Duterte na ayusin agad ang …

Read More »

Cybercrime vs Smartmatic, Comelec IT personnel inihain

PORMAL nang inihain ng kampo ni Vice Presidential candidate Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., ang kasong paglabag sa cybercrime law laban sa Smartmatic at Commission on Elections (Comelec) IT personnel makaraan illegal na palitan ang script ng transparency server ng poll body noong gabi makaraan ang halalan. Batay sa 15-pahinang reklamong inihain ni Abakada Rep. Jonathan dela Cruz,  campaign advisor …

Read More »

Probe team binuo para sa deadly concert sa Pasay

BUMUO kahapon ng isang probe team o task force group ang pulisya na tututok sa imbestigasyon nang pagkamatay ng lima katao sa isang concert sa Pasay City nitong Linggo. Ayon sa pulisya, bumuo sila ng Special Investigation Task Group (SITG) para matutukan ang pag-iimbestiga sa pagkamatay ng lima katao kabilang ang isang American national, na dumalo sa isang “Close Up Forever …

Read More »

SSS pension hike veto override lumakas sa Kamara

NADAGDAGAN pa ng suporta ang resolusyon na naglalayong i-override ang veto ni Pangulong Benigno Aquino III sa SSS Pension Hike Bill. Kamakalawa ng gabi ay umabot na sa 103 ang bilang ng mga kongresistang lumagda para rito. Ngunit kapos pa rin ito para abutin ang kailangang 192 pirma para maisakatuparan ang override. Sa kanyang privilege speech, muling nakiusap si Bayan …

Read More »

Tsinoy comatose sa suntok

COMATOSE ang isang 36-anyos Tsinoy makaraan suntukin ng isang lalaki sa panga at nabagok ang ulo nang bumagsak sa kalsada sa Binondo, Maynila kamakalawa ng gabi. Kinilala ni PO2 Joseph Villafranca, ng Manila Police District-Police Station 11, ang biktimang si Kendrich David Lim, ng Martinez Leyba Compound sa 928 Benavidez St., Binondo. Habang tumakas ang suspek na si Gary Fernandez, …

Read More »

3-child policy ‘order’ ni Duterte

SINABI ni incoming president Rodrigo Duterte, susuwayin niya ang Roman Catholic Church sa isusulong niyang three-child policy, na maaaring muling magresulta sa banggaan nila ng mga obispo. Ang mayor ay hindi pa naidedeklarang panalo sa May 9 polls, ngunit sa unofficial vote count ng election commission-accredited watchdog, malaki ang lamang niya sa apat niyang mga karibal, tatlo sa kanila ay …

Read More »

Kampo ni Bongbong maghahain ng cybercrime vs Smartmatic, Comelec IT rep

INIHAYAG ng kampo ni Vice Presidential candidate Senator Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. kahapon, maghahain sila ng isa pang set ng mga kasong kriminal laban sa Smartmatic executives at sa Commission on Elections (COMELEC) Information Technology (IT) representative dahil sa kanilang hindi awtorisadong pagbabago ng scrip sa transparency server ng poll body noong gabi ng halalan. Sinabi ni Atty.  Jose Amor …

Read More »

Office of the President kasado na sa transition

NANINIWALA si Executive Sec. Paquito Ochoa, magiging maayos at magaling na kapalit niya si Atty. Salvador Medialdea sa Duterte administration. Si Medialdea ay personal lawyer ni incoming President Rodrigo Duterte at napipintong maging Executive Secretary simula Hunyo 30. Sinabi ni Ochoa, sa kanyang pagkakakilala, mabait, simple at magaling na abogado si Medialdea. Ayon kay Ochoa, nagpagawa na siya ng matrix …

Read More »

11 drug suspects ipinarada sa Tanauan

LABING-ISANG drug suspects pa ag ipinarada sa Tanauan, Batangas. Ang mga suspek ay may karatulang nakakabit na may nakasaad na “Ako’y Pusher ‘Wag Tularan” at may arko na may nakasulat na  “Flores De Pusher.” Naaresto ang mga suspeks sa iba’t ibang mga drug buy-bust operation ng mga pulis at civil security unit sa Brgy. III at IV. Kaugnay nito, bagama’t …

Read More »

P3-M alahas natangay ng Dugo-dugo sa Cainta

TARGET ngayon ng Cainta PNP ang kuha ng CCTV-camera sa Pureza St., Sta. Mesa, Maynila para mahuli ang kilabot na miyembro ng “Dugo-dugo gang” na tumangay sa higit P3 milyong halaga ng mga alahas ng isang pamilya sa Cainta, Rizal. Sa salaysay ni Jun Sanchez sa pulisya, laking gulat niya nang makitang bukas na ang kanilang vault at wala na …

Read More »

Sidecar boy kalaboso sa inilabas na etits

KALABOSO ang isang lalaki makaraan magpakita ng kanyang ari sa isang 33-anyos ginang habang naglalakad kasama ng kanyang anak sa Malabon City kamakalawa ng gabi. Kinilala ang suspek na si Eduardo Puyawan, 52, sidecar boy, at residente ng Caingin St., Brgy.Tinajeros ng lungsod. Sa salaysay ng biktimang itinago sa pangalang Korina, kay PO1 Diana Palmores, dakong 11 p.m., naglalakad sila ng kanyang …

Read More »

Kelot nagbaril sa harap ng dyowa

PATAY ang isang lalaki makaraan magbaril sa dibdib sa harap ng kanyang live-in partner habang nagtatalo sa Caloocan City kahapon ng madaling-araw. Hindi na umabot nang buhay sa Dr. Jose Rodriguez Memorial Hospital ang biktimang kinilalang si Hyper Jerome Isidro, 21, ng 57 Don Mariano Marcos Avenue, San Jose, Rodriguez Rizal, tinamaan ng bala ng kalibre .45 baril sa dibdib. …

Read More »

K-12 program ng DepEd ‘di basta maibabasura

DAGUPAN CITY – Iginiit ng Department of Education (DepEd) Dagupan, hindi basta matatanggal ang implementasyon ng K-12 Program ng ahensiya sa kabila ng pahayag ni President-elect Rodrigo Duterte na nais niyang alisin ang naturang programa. Ayon kay Madam Maria Linda Ventinilla, hepe ng School Governance and Operations Division ng DepEd Dagupan, nakapaloob sa isang batas ang K-12 Program kaya’t hindi …

Read More »

6 illegal fishermen arestado sa Pangasinan

DAGUPAN CITY – Arestado ang anim illegal fishermen sa baybaying sakop ng bayan ng Bani sa lalawigan ng Pangasinan kamakalawa. Kinilala ang mga naaresto na sina Romy Borce, Jerson Cortez, Jerico Carolino, Ricardo Inoc, Lino Inoc at Marlon Nacua, pawang mga residente sa Brgy. Luciente 1, Bolinao. Naaktohan ang mga suspek habang nagsasagawa ng ilegal na pangingisda gamit ang compressor …

Read More »

Kano, 18-anyos DLSU coed, 2 pa namatay sa Close up Open Concert (Bagets Kritikal)

APAT katao na kinabibilangan ng isang American national, isang 18-anyos De La Salle student at dalawang lalaki ang natagpuang nakahandusay at hindi na humihinga sa concert ground ng mala-king mall sa Pasay City kahapon ng madaling-araw. SA ulat mula kay National Capital Region Police Office (NCRPO) spokesperson Chief Insp. Kimberly Molitas, kinilala ang mga biktimang sina Bianca Fontejon, 18, De …

Read More »

No relocation, no demolition isusulong ni Duterte

BILANG proteksiyon sa mahihirap na komunidad sa bansa, isusulong ni President-elect Rodrigo Duterte ang patakarang no relocation, no demolition sa mga informal settlers. Sinabi ni Duterte, sisikapin niyang maipatupad ang patakaran na magbabawal sa pagsasagawa ng demolisyon sa komunidad ng informal settlers kung walang maibibigay na relocation site. Inaasahan ni Duterte, sa pamamagitan ng panukala ay maiiwasan ang madugong komprontasyon …

Read More »

Esperon National Security Adviser

PINILI ni President-elect Rodrigo Duterte si dating AFP chief of staff Hermogenes Esperon para maging National Security adviser. Sinabi ni Duterte, kompiyansa siyang magagampanan ni Esperon ang kanyang trabaho. Si Esperon ang 36th Chief of Staff ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo at miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) …

Read More »

Pananaw sa mining magkaiba kami –  Digong (Gibo: ‘Di pa ako tumatanggi)

NILINAW ni dating Defense chief Gilbert “Gibo” Teodoro Jr., hindi pa niya tinanggihan ang alok ni President-elect Rodrigo Duterte para maging pinunong muli ng Department of National Defense (DND). Ayon kay Teodoro, kanya pang pinag-aaralan ang imbitasyon para hawakan muli ang defense portfolio. Una rito, mismong si Duterte ang nagsabing tumanggi si Teodoro  para muling mamuno sa Department of National …

Read More »

Takeover ni Mikee sa Harbour Terminal kinatigan ng CA

PINAYAGAN ng Court of Appeals (CA) ang kampo ng negosyante at incoming Party-list Rep. Michael Romero na mag-takeover sa operasyon ng 10-ektaryang Harbour Centre terminal na pinatakbo ng amang si Reghis Romero II simula noong Oktubre 2014. Sa 22-pahinang desisyon ni  Associate Justice Leoncia Real-Dimagiba ng CA Special Fifteenth Divison (Division of Five), kinatigan nito ang One Source Port Services …

Read More »

2 tatay nag-suicide sa CamSur

NAGA CITY – Problema sa kanilang karelasyon ang itinuturong dahilan ng pagpapakamatay ng dalawang padre de pamilya sa lalawigan ng Camarines Sur. Ayon sa ulat ng pulisya, nakita ng kanyang mga katrabaho ang katawan ng biktimang si Reynante Remodo, 42, ng bayan ng Tigaon, habang nakabitin sa loob ng pinagtatrabahuang repair shop. Ayon sa mga kaanak ng biktima, bago ang …

Read More »

Biker nahulog, tigok

HINDI na umabot nang buhay sa Ospital ng Maynila makaraan bumagsak mula sa sinasakyang bisikleta nang atakehin sa puso ang isa sa daan-daang bikers na lumahok sa “Fil-Chinese Friendship Day” biking event sa Roxas Boulevard sa Maynila kahapon ng umaga. Ayon sa imbestigasyon ni SPO2 Jonathan Bautista, ng Manila Police District-Homicide Section, kinilala ang biktimang si Virgilio Pagulayan, nasa hustong …

Read More »