Wednesday , September 28 2022

2 sangkot sa droga todas sa pulis

PATAY ang dalawang lalaking kabilang sa drug watchlist ng pulisya, makaraan makipagbarilan sa mga awtoridad sa anti-criminality operation habang natagpuan ang bangkay ng hindi nakilalang lalaking hinihinalang biktima ng summary execution  sa Navotas City.

Ayon kay Senior Supt.  Dante Novicio, hepe ng Navotas Police, dakong 2:00 am nang magsagawa ng anti-criminality operation ang pinagsanib na puwersa ng NPD-DPSB, PCP-3, SIB at SAID-SOTG sa Brgy. North Bay Boulevard North ngunit nakatunog ang suspek kaya nakipagpalitan ng putok na kanyang ikinamatay.

Sa kabilang dako, nakipagbarilan sa mga tauhan ng SIB sa anti-criminality operation sa Alley Lacson, Brgy. NBBN ang isang alyas Ron-Ron na nagresulta sa agaran niyang kamatayan.

Nauna rito, dakong 11:55 pm nitong Martes, natagpuan sa C-3 Road, Brgy. North Bay Boulevard South ang bangkay ng hindi kilalang lalaki na may dalawang tama ng bala sa  ulo. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

FRIENDSHIP route sticker las pinas

Sa Las Piñas
72-ORAS TRO PABOR SA ‘FRIENDSHIP ROUTE’ PINALAWIG NG KORTE

ISA PANG DAGOK sa bagong administrasyon ng BF Resort Village Homeowners Association, Inc. (BFRVHAI) ang …

Zasa Aliman Stone Hope Company Diesel

Oil importer dudulog sa Malacañang dahil sa pagbasura ng DOE sa kanilang aplikasyon

DUDULOG sa Office the President (OP) ang isang oil importer kaugnay sa hinalang pagbasura ng …

Arrest Posas Handcuff

Sa P.6-M shabu
‘ILLEGAL DRUG DEALER’ ARESTADO SA KANKALOO

ISANG hinihinalang tulak ng ilegal na droga ang arestado matapos makuhaan ng mahigit P600,000 milyong …

shabu drug arrest

Tulak na 2 kelot at bebot tiklo sa drug buy bust

TATLONG tulak ng ipinagbabawal na droga ang arestado, kabilang ang isang babae matapos masakote sa …

NBI

Tinapyas na budget ng NBI ibalik, laban vs cybercrimes paigtingin – solon

SA LAYUNING mapaigting ang laban ng bansa kontra insidente ng cybercrimes, kumilos si Senador Win …

Leave a Reply