Saturday , January 11 2025

News

P900-M shabu nahukay sa Cagayan

UMAABOT sa P900 milyong halaga ng shabu na nakabaon sa isang farm ang nakompiska ng mga awtoridad sa Claveria, Cagayan nitong Linggo ng gabi. Sa press briefing nitong Lunes, sinabi ni Philippine National Police (PNP) Director Ronald “Bato” Dela Rosa, sinalakay ng Anti-Illegal Drugs Group ang tila abandonadong taniman makaraan makatanggap ng tip mula sa isang concerned citizen. Sinabi ni …

Read More »

PPA execs sinampahan ng graft

NAGSAMPA ng kasong graft sa Office of the Ombudsman ang operator ng Manila North Harbor laban kay Philippine Ports Authority (PPA) Officer-in-Charge and Assistant General Manager for Operations Raul Santos dahil sa pagharang sa kanilang operasyon bilang isang international port. Sa kanilang reklamo, sinabi ng Manila North Harbour Port, Inc. (MNHPI) na si Santos ay may pananagutan sa ilalim ng …

Read More »

July 6 Eid’l Fitr regular holiday

IDINEKLARA ni Pangulong Rodrigo Duterte kahapon bilang regular holiday sa buong bansa sa Miyerkoles, Hulyo 6, bilang pagdiriwang ng Eid’l Fitr o pagtatapos ng Ramadan. Ayon sa tanggapan ni Pangulong Duterte, ang Eid’l Fitr ay isa sa pinakamahalagang okasyon sa Islam kaya walang pasok sa eskuwela sa lahat ng antas at sa trabaho, sa pribado man o gobyerno sa buong …

Read More »

‘Pulis-Abakada’ binalaan ng NCRPO chief

NAILIPAT na ang liderato ng National Capital Region Police Office (NCRPO) mula kay Supt. Joel Pagdilao patungo sa bagong hepe na si Senior Supt. Oscar Albayalde nitong Lunes. Sa change of command ceremony, nagbabala si Albayalde na bawal na sa hanay ng NCRPO ang mga pulis-ABAKADA o mga kawaning abusado, bastos, kotongero at duwag. Tinaningan din niya ang mga tauhan …

Read More »

Laban ng Gilas Pilipinas papanoorin ni Duterte

MALAKI ang tsansa na personal na panoorin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang laban ng Gilas Pilipinas at France sa FIBA Olympic Qualifying Tournament sa Mall of Asia Arena bukas. “He might watch,” matipid na sagot ni Presidential Spokesman Ernesto Abella nang tanungin kung manonood si Duterte ng laban ng Gilas at France. Matatandaan, noong nakaraang buwan ay binisita ni Samahang …

Read More »

4-anyos anak ginawang drug courier, ama arestado

arrest prison

LAOAG CITY – Arestado sa mga awtoridad sa Bacarra, Ilocos Norte, ang isang ama na ginawang drug courier ang kanyang 4-anyos anak para sa kanyang mga kustomer. Kinilala ni Senior Insp. Jephre Taccad, chief of police ng PNP-Bacarra, ang suspek na si Ferdinand Matutino, 22, may live-in partner, walang trabaho at residente sa Brgy. 16, San Roque, sa nasabing bayan. …

Read More »

Taas-sahod ng pulis inihain sa Senado

INIHAIN na sa Senado ang panukalang humihiling na itaas ang sahod ng mga tagapagpatupad ng batas sa bansa, partikular ang Philippine National Police (PNP). Ayon kay Senador Alan Peter Cayetano, ito ang isa sa mga pangako na kanyang binitiwan nang tumakbo siya sa pagka-bise presidente bilang katambal ng noo’y presidential candidate na si Rodrigo Duterte. Kilala bilang Philippine National Police …

Read More »

Panukala para sa Con-con isinulong din sa Kamara

NAGSUMITE na si Cebu Rep. Gwendolyn Garcia ng panukalang batas na nagtatakda ng parameters sa paghahalal ng delegado sa constitutional convention at rules of procedure para sa operasyon ng Concon para sa pagbabago ng saligang batas. Sa ilalim ng House Bill 312 ni Garcia, itinatakda na 107 ang delegadong ihahalal para bumuo ng Concon at ang kuwalipikasyon ay katulad sa …

Read More »

Con-con sa charter change suportado ni Digong

PABOR si Pangulong Rodrigo Duterte na amyendahan ang 1987 Constitution sa pamamagitan ng constitutional convention (Con-con) kaysa Constituent Assembly (Con-ass) Sa kanyang kauna-unahang press briefing sa Palasyo, sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, mas magigiging malawak ang representasyon ng lahat ng sektor ng lipunan sa magiging bagong Saligang Batas kapag binalangkas ito sa pamamagitan ng Con-con kaysa Con-ass. “More representation. …

Read More »

Pulis na papatay kay Erap isasalang sa neuro/psycho exam

NEGATIBO sa drug test ang pulis na nag-amok sa loob ng Manila Police District (MPD) headquarters. Ayon kay Chief Insp. Arsenio Riparip, hepe ng MPD general assignment section, walang traces ng droga sa ginawang test ngunit mahaharap pa rin sa ibang pagsusuri ang nagwalang si PO1 Vincent Paul Solarez. Matatandaan, nagpaputok ng baril ang nasabing Manila policeman at binasag din …

Read More »

Bagyong papalapit lalo pang lumakas

LALO pang lumakas ang bagyong may international name na Nepartak at tatawaging tropical storm Butchoy kapag pumasok sa Philippine area of responsibility (PAR). Mula sa 65 kph, umaabot na ngayon sa 75 kph ang taglay nitong lakas habang may pagbugsong 90 kph. Kumikilos ang bagyo nang pahilagang kanluran sa bilis na 30 kph mula sa 7 kph kahapon. Huli itong …

Read More »

9 parak pa positibo sa droga — PNP chief

SIYAM pang pulis ang nagpositibo sa droga sa isinagawang random surprise drug test. Sa bilang na 2,405 sumalang sa random drug test nitong Biyernes, kasama rito ang 75 matataas na opisyal mula ca PNP headquarters sa Camp Crame. Nilinaw ni PNP chief Director General Ronald “Bato” Dela Rosa, ang mga pulis na nagpositibo sa droga ay mula sa regional police …

Read More »

Koko, tiyak na magiging Senate President — Lacson

TINIYAK ng bagong halal na si Senador Panfilo Lacson na sapat ang bilang ni Senador Aquilino Pimentel III para maluklok bilang bagong Senate President sa Hulyo 25 sa pagbubukas ng Kongreso. Sa panayam ng DZBB, inilinaw ni Lacson na kahit ano ang gawing ‘pailalim na panliligaw’ ng talunang bise presidente na si Allan Peter Cayetano ay malinaw na may 17 …

Read More »

Duterte ‘di dapat makialam sa Senado — Lacson

SA mainit na labanan sa Senate Presidency sa pagitan nina Sen. Koko Pimentel at Sen. Alan Peter Cayetano, muling iginiit ni Sen. Panfilo Lacson na huwag makialam sa usapin ng Senate leadership si Pangulong Rodrigo Duterte. “President Duterte should not interfere with Senate affairs,” pahayag ni Lacson. Si Lacson ay una nang nagpahayag na ang Senado ay hindi isang city …

Read More »

Paglaya ng Norwegian hostage tinatrabaho na

BACOLOD CITY – Tiniyak ni Presidential Adviser on the Peace Process Jesus Dureza na handa siyang makipagnegosasyon sa Abu Sayyaf Group (ASG) upang mapalaya ang Norwegian hostage na si Kjartan Sekkingstad, dinukot mula sa Samal Island noong nakaraang taon. Ayon kay Sec. Dureza, may nakausap na siyang mga tao na maaaring magpaabot ng mensahe kay alyas Abu Rami na sinasabing …

Read More »

Magpinsan sugatan sa tarak ng brgy off’ls

knife saksak

SUGATAN ang magpinsan nang saksakin ng mga nagpakilalang barangay tanod at barangay kagawad makaraan makabasag ng bote ang mga biktima habang nag-iinoman sa Tondo, Maynila kamakalawa ng gabi. Nilalapatan ng lunas sa Justice Jose Abad Santos General Hospital ang biktimang si Brian G. Camanzo, 20, helper, habang naka-confine sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang kanyang pinsan na si Jeffrey …

Read More »

IPINAKITA sa media nina Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director Isidro Lapeña, PNP Chief Director General Ronald Dela “Bato” Rosa at Anti-Illegal Drug Group chief S/Supt. Albert Ferro ang nakuhang 180 kilo ng shabu, tinatayang nagkakahalaga ng P900 milyon na nahukay sa isang resort sa Cagayan Valley sa isinagawang  press-conference sa Camp Crame, Quezon City kahapon. ( ALEX MENDOZA )

Read More »

NAGSAGAWA ng surprise drug test sa mga opisyal at tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) bilang bahagi ng kampanya laban sa droga ni Pangulong Rodrigo Duterte. ( BONG SON )

Read More »

NASABAT ng mga operatiba ni MPD PS3 commander, Supt Jack Tuliao ang 350 gramo ng shabu mula sa suspek na si Gizelle Escarez, 28, residente ng Berberabe St., Batangas City, sa isinagawang buy-bust operation ng SAID-SOTU PS3 sa Arlegui St., Quiapo, Maynila. ( BRIAN BILASANO )

Read More »

NAGPATUPAD ng drug test sa mga kagawad ng pulisya sa Camanava area sa tanggapan ng NPD SOCO sa Caloocan City Police Headquarters. ( RIC ROLDAN )

Read More »

MPDPC 2016 OATHTAKING. Nanumpa kay Alab ng Mamamahayag (ALAM) national chairman Jerry Yap ang mga bagong opisyal ng MPD Press Corps (MPDPC 2016) na sina  President Mer Layson, Vice President Ludy Bermudo, Secretary Gina Mape, Treasurer Jonah Mallari Aure, Auditor Jen Calimon, at directors (mula sa kaliwa, katabi ni JSY) na sina re-elected Brian Gem Bilasano ng HATAW/Diyario Pinoy, Ali …

Read More »

PATULOY ang ipinatutupad na Oplan Tok-Hang ng pamunuan ng Manila Police District (MPD) sa pamumuno ni MPD Acting District Director, Senior Supt. Joel “Jigs” Coronel kasama sina MPD PS7 commander,  Supt. Alex Daniel at kanyang mga operatiba at barangay officials sa area of responsibility (AOR) sa Tondo na nagresulta sa pagsuko ng 60 tao na umaming sangkot sa ilegal na …

Read More »

Anti-poverty initiatives ng INC pasok sa Duterte admin

INIUTOS ni Executive Minister Eduardo V. Manalo nitong Linggo sa kabuuan ng simbahang Iglesia Ni Cristo (INC) na paigtingin ang mga anti-poverty initiatives at gawaing socio-civic, ilang araw matapos ang panunumpa ni Pangulong Rodrigo R. Duterte, na nanawagan sa iba’t ibang sektor ng lipunan na magtulungan sa pagsusulong ng interes ng bansa. Ani INC General Auditor Glicerio B. Santos, Jr., …

Read More »

Rookie cop gustong patayin si Erap (Nagwala sa MPD headquarters)

NABULABOG ang Manila Police District (MPD) headquarters sa United Nations Avenue, Ermita, Manila nang magwala at mamaril ang isang bagitong pulis na nagsabing nais niyang patayin si Manila Mayor Joseph ‘Erap’ Estrada, kahapon ng hapon. Ilang minuto rin ang naganap na habulan bago naaresto ng mga pulis ang suspek na kinilala sa kanyang identification card na si PO1 Vincent Paul …

Read More »