PORMAL nang sinampahan ng kaso ng Office of the Ombudsman sina Sen. Sherwin Gatchalian, dating Surigao del Sur Rep. Prospero Pichay at 24 iba pang personalidad dahil sa kwestyonableng pagbili sa local thrift bank sa Laguna noong 2009. Si Pichay ay dating chairman ng Local Water Utilities Administration (LWUA). Naghain ng walong magkakahiwalay na kaso ang Ombudsman sa Sandiganbayan laban …
Read More »RJ Jacinto itinalagang presidential economic adviser
ITINALAGA ni Pangulong Rodrigo Duterte si musician-businessman Ramon Jacinto bilang Presidential Adviser on Economic Affairs and Information Technology . Si Jacinto ay isa sa masugid na sumuporta sa kandidatura ni Duterte noong nakaraang presidential elections. Nilagdaan din ni Pangulong Duterte ang appointment ni retired military general Arthur Tabaquero bilang Presidential Adviser on Military Affairs. Si Raymundo de Vera Elefante ay …
Read More »Reso sa Senate probe vs drug killings inihain ni De Lima
INIHAIN na ni Sen. Leila de Lima ang kanyang panukalang magdaos ng imbestigasyon ang Senado kaugnay ng mga pagpatay sa ilang drug suspect sa nakalipas na mga araw. Batay sa Senate Resolution No. 9, hinimok ni De Lima ang mataas na kapulungan ng Kongreso na alamin kung ano ang ginagawa ng mga alagad ng batas sa mga pangyayaring ito. Layunin …
Read More »Pulis sa recycled drugs mananagot — Gen. Bato
Tiniyak ni PNP chief, Director General Ronald dela Rosa, hindi mababawasan sa kanilang imbentaryo ang drogang kanilang nakompiska sa serye ng anti-illegal drug operations na kanilang inilunsad. Siniguro ni Dela Rosa, matitinong mga pulis ang kanilang itinalaga lalo na sa anti-illegal drug campaign. Binigyang-diin ng PNP chief, sinibak na niya sa puwesto ang mga pulis na kilalang nagre-recycle ng mga …
Read More »P2-M shabu nahukay sa Catanduanes
NAGA CITY – Tinatayang aabot sa P2.1 milyon halaga ng shabu ang nahukay sa loob ng isang bahay sa Pandan, Catanduanes kahapon. Ayon kay Chief Insp. Francisco Rojas, tagapagsalita ng Catanduanes Police Provincial Office, nahukay nila sa bahay ng isang Randy Eusebio, 33-anyos, ang tinatayang 71 bulto ng ilegal na droga. Matagal na aniya nilang minamanmanan ang bahay ng nasabing …
Read More »Excellent trust rating ni Digong ikinatuwa ng Palasyo
IKINATUWA ng Palasyo ang nabatid na may tiwala ang publiko sa mga desisyon at aksiyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa simula pa lang ng kanyang administrasyon batay sa nakuha niyang excellent trust rating sa isinagawang survey ng Social Weather Station (SWS). “It’s a positive sign and very encouraging to know that the people trust the judgment, decisions and actions of …
Read More »Driver/bodyguard, yaya patay, among chinese kritikal sa ambush (5-anyos sugatan)
PATAY ang dalawa katao habang malubha ang isang babaeng Chinese at bahagyang nasugatan ang 5-anyos batang babae makaraan paulanan ng bala ang sinasakyan nilang kotse ng isa sa dalawang lalaking magkaangkas sa motorsiklo kamakalawa ng gabi sa Pasay City. Binawian ng buhay noon din ang driver/bodyguard na si Pfc. Mark Neil Alisasis, 33, ng Block 13, Lot 28, Francisco Homes, …
Read More »Mag-ina ng seaman kinatay ng kaanak
TADTAD nang saksak at wala nang buhay nang matagpuan ang 51-anyos ginang at 14-anyos niyang anak na dalagita kahapon ng umaga sa Caloocan City. Kinilala ni Caloocan City Police chief, Sr. Supt. Johnson Almazan ang mga biktimang sina Carol Suizo, 51, natagpuan sa ground floor ng two-storey nilang bahay sa Champaca St., Sampaguita Village, Brgy. 175 ng nasabing lungsod. Habang …
Read More »6 tiklo sa anti-drug ops sa Maynila
SUNOD-SUNOD na naaresto ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang anim indibidwal na nag-iingat ng ilegal na droga sa magkakahiwalay na operasyon sa iba’t ibang lugar sa lungsod ng Maynila kamakalawa. Kinilala ang mga naarestong sina Mark Angeles, 33; Christian Bagay, 18; Rosmalyn Torres, 24; Emman Tungol, 33; Lester Alvarez, 34; Jerry Arupo, 18-anyos. Batay sa ulat ng …
Read More »TV actor, singer sumuko sa ‘Oplan Tokhang’ sa Cebu
CEBU CITY – Bunsod ng takot at pressure sa pamilya, sumuko ang dating TV actor at singer na si Jay-R Siaboc sa pulisya sa lungsod ng Toledo, Cebu makaraan ang inilunsad na Oplan Tokhang. Ayon kay Supt. Samuel Mina, hepe ng Toledo City Police, boluntaryong sumuko sa kanilang tanggapan ang dating matinee idol. Sinabi ni Mina, seguridad ang iniisip ni …
Read More »Misis patay sa sakal ni mister (Ayaw makipagbalikan)
PATAY ang isang misis makaraan sakalin ng kanyang mister bunsod nang matinding galit nang tumangging makipagbalikan sa kanya kamakalawa ng gabi sa Malabon City. Kinilala ng pulisya ang biktimang si Samelyn Gonzales, 34, vendor, residente ng Block 10, Lot 37, Phase 2, Area 3, Dagat-Dagatan, Brgy. Longos ng nasabing lungsod. Habang pinaghahanap ng mga tauhan ng Malabon City Police ang …
Read More »Tulak ng droga binistay ng bala
BINAWIAN ng buhay ang isang pinaniniwalaang drug pusher sa isinagawang buy-bust operation ng mga operatiba ng Station Anti-Illegal Drugs ng Manila Police District sa Sta. Cruz, Maynila kamakalawa ng gabi. Kinilala ang napatay na si alyas Loloy, residente sa panulukan ng Elias at Antipolo streets, sa riles ng PNR sa Sta. Cruz, Maynila. Sa ulat ni PO3 Michael Maraggun ng …
Read More »6 drug pusher patay, 1 sugatan sa tandem
PATAY ang anim hinihinalang mga drug pusher habang isa ang sugatan makaraan pagbabarilin ng hindi nakilalang mga suspek na magkaangkas sa motorsiklo sa magkakahiwalay na insidente sa lungsod ng Las Piñas at Pasay kamakalawa. Ayon sa ulat ni Chief Insp. Rolando Baula, hepe ng Station Investigation and Detective Management Branch (SIDMB) ng Pasay City Police, ang mga namatay ay kinilalang …
Read More »Negosasyon himok ng China (Ruling isantabi)
BEIJING – Nagpahiwatig ang China na handa silang makipagnegosasyon sa Filipinas makaraan ang inilabas na desisyon ng Permanent Court of Arbitration na walang basehan ang claim ng Beijing sa pinag-aagawang mga teritoryo sa West Philippine Sea o South China Sea. Ito’y kahit nanggagalaiti ang China sa desisyong inilabas ng Arbitral Tribunal na kanilang tinawag na ‘null and void.’ Ayon kay …
Read More »Imbestigasyon sa ‘drug killings’ sinopla ni Ping
MASYADO pang maaga para magpatawag ng imbestigasyon ang Senado, sa sinasabing ‘drug killings’ na kamakailan ay iminungkahing isulong ni Senadora Leila De Lima. Ayon kay Senador Panfilo “Ping” Lacson, hilaw o premature ang isinusulong na imbestigasyon ni De Lima dahil walang sapat na datos ukol dito. Ipinaliwanag ito ni Lacson sa Kapihan sa Manila Bay sa Café Adriatico, Malate, Maynila, …
Read More »Dagdag-seguridad sa bagahe tiniyak ng bagong MIAA GM
UPANG matiyak na ligtas sa ano mang uri g pagnanakaw ang mga bagahe ng mga pasahero, bubuuin ng bagong pamunuan ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang isang composite team na magsasagawa ng biglaang inspeksiyon sa mga manggagawa at empleyado na nakatalaga sa baggage build up area. Ayon kay Manila International Airport Authority (MIAA) general manager Ed Monreal, ang planong …
Read More »Koreana timbog sa NAIA (Nagbaon ng ‘damo’ patungong busan)
INARESTO ng mga awtoridad sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal ang isang Korean national na nahulihan ng 117 gramo ng marijuana nitong Martes. Kinilala ni Senior Supt. Mao Aplasca, bagong director Police – Aviation Security Group (Avsegroup), ang suspek na si Eunho Ahn, 24, isinailalim sa kustodiya ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) para sa imbestigasyon. “Nasakote si Ms. …
Read More »5 narco generals inilagay sa lookout bulletin
NAGPALABAS ang Department of Justice (DoJ) ng lookout bulletin order para sa limang dati at kasalukuyang police generals na inakusahan ni Pangulong Rodrigo Duterte na protektor ng illegal drug trade Sa nasabing bulletin order, inatasan ang lahat ng immigration officers na maging ‘on the lookout or alert’ sa mga heneral na sina Joel Pagdilao, Bernardo Diaz, Edgardo Tinio at retired …
Read More »Duterte naghahanda para sa unang SONA
KINOMPIRMA ng Malacañang na pinaghahandaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang unang State of the Nation Address (SONA) sa Hulyo 25. Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, humihingi pa ng ‘input’ si Pangulong Duterte sa kanyang buong gabinete. Ayon kay Abella, layunin nitong maging mas komprehensibo ang mga sasabihin ng pangulo at mula sa mga tanggapan ng pamahalaan. Matapos …
Read More »Desisyon ng tribunal ‘di tatanggapin ng China
BEIJING – Hindi tinatanggap at kinikilala ng China ang desisyon ng UN-backed tribunal sa argumento sa Filipinas kaugnay sa South China Sea, pahayag ng official Xinhua news agency kahapon. Ang komento sa brief dispatch na hindi tinukoy ang pinagmulan, ay kasunod nang desisyon ng Permanent Court of Arbitration sa The Hague, na ang China ay walang historic rights sa tinagurian …
Read More »5 patay, higit 20 sugatan sa tumaob na bus sa Nueva Ecija
CAUAYAN CITY, Isabela – Lima ang patay sa pagtaob ng isang bus dakong 1:30 a.m. kahapon sa Putlan, Caranglan, Nueva Ecija. Ayon kay Sr. Inspector Adriano Gabriel Jr., hepe ng Caranglan Police Station, apat ang agad nalagutan ng hininga habang isa ang binawian ng buhay sa ospital. Sinabi ni Insp. Gabriel, ang Victory Liner bus (AYK 552) ay galing sa …
Read More »Hatol vs police officer pinagtibay ng CA (Protektor ng droga)
PINAGTIBAY ng Court of Appeals ang hatol na ‘guilty’ laban sa isang opisyal ng PNP na napatunayang protektor ng ilegal na droga. Sa 45-pahinang desisyon ng CA 15th Division na may petsang Hunyo 29, 2016, kinatigan nito ang hatol na ‘guilty’ ng Bauang, La Union RTC Branch 67 kay Supt. Dionicio Borromeo, dating hepe ng Dagupan City Police, sa kasong …
Read More »5 miyembro ng Asero group patay sa police raid (Police asset binigti)
PATAY ang limang miyembro ng Asero holdup/carnap group na luminya na rin sa pagtutulak ng droga, sa isinagawang anti-drug operation ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) Novaliches Police Station 4, kahapon ng umaga sa Novaliches, Quezon City, habang isang police asset ang sinasabing binigti ng grupo. Ayon kay QCPD district director, Senior Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar, …
Read More »Bigtime drug dealers itutumba ng death squad (Babala ng Ozamis mayor)
CAGAYAN DE ORO CITY – Malalagay sa panganib ang buhay ng itinuturing na big time drug dealers kung magpapatuloy sa kanilang ilegal na gawain sa Ozamiz City. Ito ang banta ni Ozamiz City Mayor Reynaldo Áldong Parojinog Jr., sa tinatayang 2,000 drug pushers at users na unang sumuko sa kanya mula sa siyam na barangay nitong nakaraang linggo. Sinabi ng …
Read More »PH sa China: Kalma lang (China walang historic rights — tribunal)
NANAWAGAN ang administrasyong Duterte sa China na magpakahinahon kasunod nang desisyon ng Permanent Court of Arbitration (PCA) na nakabase sa The Hague, The Netherlands, na pagmamay-ari ng Filipinas ang mga pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea (WPS) Nagdaos ng special cabinet meeting si Pangulong Rodrigo Duterte kahapon makaraan ilabas ng PCA ang desisyon na pumabor sa Filipinas. “We call on …
Read More »